Chapter 8

1062 Words
Frances POV Dumiretso ako sa kwarto ni daddy at agad na pumasok. Ever since na.. iniwan na nya ako.. hindi na ako pumasok sa kwarto na ito dahil pinapaalala lang ng kwartong ito lahat ng masasayang alaala na alam ko na kahit kailan ay hindi na masusundan pa. Huminga ako ng malalim at inilibot ang paningin ko sa kwarto. Malinis pa din ang kwarto at halatang hindi pinababayaan. Kulay brown ang kabuohan ng kwarto dahil ito ang paborito ni daddy, karamihan din ng mga gamit ay gawa sa kahoy dahil ito ang paborito na kolektahin nya. Napangiti ako ng makitang maganda ang pagkaka-ayos ng mga pictures, mula sa malaki hanggang sa maliit. At ang wedding picture nila na pinakamalaki sa lahat ay nakasabit sa pader sa itaas ng kama. Lumakad ako pero dahil hindi ko kinakaya ang emotions ay napaupo na lang ako sa carpet at tinitigan ng maigi ang lahat. Ilang linggo na rin pala.. Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok ang stepmom ko na ngayon ay naka-gray na suit tapos tinerno nya sa itim na inner at itim na heels. “Nakauwi ka na pala.” Maikling sabi nya tapos sinara ang pinto at sumandal doon. Tumango lang ako at binalik ang paningin ko sa paligid. “Bakit pinakialaman mo ang mga pictures nila?” “Dahil – “ I cut her off. “Dahil ano? Gusto mo lang? Sana naman pinaalam mo sakin. Bumibigat kasi ang loob ko kapag may nagagalaw lalo na kapag related sa parents ko.” “I didn’t mean to feel you that way.” Sabi nya tapos lumakad palapit. Paano ko nalaman? Dahil sa tunog ng heels nya. Itinaas ko ang kamay ko para pigilan syang lumapit and tumigil nga sya. “Yun na nga eh. Kaya sana naman ipaalam mo sakin kahit papaano, alam ko namang di maganda ang relasyon natin ngayon pero kahit paano naman.. sabihin.. mo.” Tapos di ko na napigilan at napaluha na at suminghot dahan dahan. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko kaso wala eh! Kainis naman na mga luha to oh! “Hey, are you mad? Ibabalik ko ba sa dati?” tanong nya na may tonong nag-aalala, seryoso ba ‘to? Worried ang napakasungit kong stepmom? “No, ang – ang gan – da nga ng pag-ayos eh.” Nahihirapang sagot ko tapos nagpunas pa ako ng mga luha ko sa mukha. Narinig ko nanaman ang takong nya at kitang kita ko na huminto sya sa harap ko. Inangat ko ang tingin ko at mayroon syang panyong iniaabot sakin. Aabutin ko na sana kaso napahinto ako ng bigla syang yumuko at sya mismo ang nagpunas ng mga luha ko sa mukha. Napatitig ako sa mga mata nya pero busy ang black orbs nya sa pagtingin sa mukha ko. Maya maya lang ay kumunot ang noo nya tapos binuklat ang panyo sabay itinakip sa mukha ko. “Cry baby.” Sabi nya tapos agad agad na umalis ng kwarto at dinabog ang pinto. Ugh! Ang galing nya talagang manira ng moment! Akala ko pa naman bumait na kahit papaano kaso.. ugh! Nakakainis ka talaga stepmom! /// Col’s POV Matagal pa bang magdradrama ang isang yon? Tatlong oras na akong nakatayo dito sa tapat ng kwarto ni France pero hindi pa lumalabas yung anak nya tsk. Huminga ako ng malalim at lumakad na sa pinto. Pipihitin ko na sana ang doorknob kaso bumukas naman iyon at kitang kita sa mukha nya ang pagkagulat. “Tapos ka na bang umiyak?” inis na tanong ko sa kanya. “Oo. Bakit ba ang sungit mo? Tsk.” Sabi nya tapos akmang lalagpasan na ako pero agad akong humarang. Kumunot ang noo nya at akmang magsasalita kaso itinaas ko ang kamay ko signing her to stop. “Wear anything casual, wag lang kahit anong uri ng skirt. I’m giving you an hour to dress up. At kung di ka pa matatapos ay papasok na ako ng kwarto mo.” “What? Bakit? Anong – “ I cut her off. “One hour starts now.” Sabi ko at agad syang iniwang nakanganga don. Ano ba yan! Ang hina talaga ng utak non! Obviously aalis kami, alangan namang tumambay kami dito sa bahay na ‘to para pag ayusin ko pa sya diba? Tsk, slow! Mana sa tatay! Five minutes na lang at hanggang ngayon ay nakaupo pa din ako dito sa couch habang nakatulala sa vase na kanina ko pa tinitignan. Argh! Ang tagal tagal naman! Kung pagbabasehan, dapat lusaw na ‘tong vase na ‘to kanina pa dahil sa titig ko. Hindi din naman ako makakapagcellphone dahil sumasakit ang ulo ko so basically, ang vase ang napagdiskitahan ko. Pumikit ako ng maramdaman kong parang tumibok ang utak ko, hindi ako yung tipo ng tao na sanay sa sobrang tambak na gawain. Hindi naman ako tamad dahil may sarili nga akong business. Pero itong iniwan na gawain sakin ni France!? Nakakapamura araw araw! Marami naman akong tinatapos sa isang araw at madalas late ng umuuwi pero bakit habang tumatagal imbis na nababawasan ang mga ginagawa ko, lalo pang dumadami!? “Sorry nahirapan akong pumili ng casual na sinasabi mo.” Rinig kong sabi nya habang nasa gilid ko. Hindi ko minulat ang mga mata ko at tumango tango lang. “Okay, kumain ka na ba?” “Umm.. ang totoo nyan, hindi pa.” minulat ko na ang mga mata ko at nilingon sya. Wrong move, wrong move! Agad akong tumayo at tinalikuran sya. “Tara na, wag kang babagal bagal.” Sabi ko at agad ng lumakad. “Sungit.” Bulong nya pero rinig ko naman tsk. Nakapolo sya na puti na sakto lang sa pangangatawan nya tapos tuck-in then fitted na jeans na kulay blue tapos nakasandals lang sya. But the thing is.. naka pony tail sya. Which means.. kitang kita ko yung leeg nya! At ang ibig sabihin non ay weakness! Great France! Di mo naman sinabing nagpoponytail ‘tong anak mo! Pero ano namang dahilan para ikwento nya pa yun eh ayoko ngang nakakarinig ng tungkol sa anak nya diba? Gosh! Nagiging stupid na din ako! Nakakahawa talaga ang mag-amang ‘to. Siguro lalaitin ko na lang sya mamaya para kahit kailan ay di na nya ipakita ang leeg nya, tama tama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD