Chapter 7

1041 Words
Frances POV Gosh! Gosh! Gosh! Bihis na ako lahat lahat at thirty minutes na lang ay malelate na ako! Binuksan ko agad ang bag ko at pinasok lahat ng mga nakakalat sa lamesa at agad ng tumakbo papasok ng sasakyan. “Tara na po kuya. Malelate na po ako.” Sabi ko at agad namang nagmadali si kuya. Waaaah! Sana hindi ako malate! Inayos ko agad yung mga gamit ko habang bumabyahe at saktong pagpasok ko ng room ay kakabell lang. “Oh, Frances nagsuklay ka ba?” tanong ni Anne kaya agad akong napahawak sa buhok ko. Napabuntong hininga naman ako at napailing. “Hahahaha halika nga.” Tawa tawang sabi ni Anne at agad akong sinuklayan. “Awww, ang sweet naman ng best friend ko! Thanks Anne!” nakangiting sabi ko. “Sus ikaw pa ba? Malakas ka sakin dude!” sagot nya pagkatapos nya akong suklayan. “Okay class, bring out your notebooks and pass it to the front.” Napakamot ako sa kilay ko habang inaabot ko ang notebook sa unahan. “Oy ayan nanaman yung mannerism mo. Wala kang assignment?” tanong ni Anne na agad kong ikinasimangot. “Mayroon.” Sabi ko sa kanya kaya napangiti sya. “Mayroon pala eh bakit ganyan?” tanong pa ni Anne sakin. “Mayroon nga pero walang sagot hays.” Sagot ko sa kanya at sabay kaming napa-iling. Pinasa ang assignments sa unahan tapos exchange notebooks para icheck ng iba ang assignments then ipapasa ulit sa unahan at irerecord ni Miss tapos atsaka tatawagin ang pangalan para kunin ang notebook sa unahan. Hay, ano naman kayang klaseng look ang makikita ko ngayong umaga? Dismayed, annoyed o sad? Huhuhu! Nagkasakit ba naman kasi si stepmom kasi eh! Pero kahit naman di sya nagkasakit wala pa din naman akong masasagutan dahil di ko nagets ang lesson! “Miss Clark.” Tumayo agad ako ng tawagin ang pangalan ko. “Cheer up dude!” bulong ni Anne kaya agad ko syang nginitian, hay Anne! Thanks for being always there! Kinakabahan akong lumakad sa unahan tapos kinuha ko na ang notebook ko. “Good job Miss Clark.” Nakangiting sabi ni Miss na sobrang ipinagtaka ko, ngumiti na lang din ako para hindi mahalata ni Miss at bumalik sa upuan ko. Anong good job? After kong makaupo ay si Anne naman ang tinawag kaya agad kong binuklat ang notebook ko. What the? May sagot lahat ng assignment ko tapos perfect pa although pinilit na kopyahin ang format ng sulat ko ay nakuha naman sa ibang anggulo. Anong nangyari?! Kinalkal ko ang iba ko pang notebooks at.. lahat may sagot ang assignments ko! As in lahat lahat! Woah! Ibinalik ko na ang last na notebook na kinuha ko pero may nalaglag na maliit na papel. Thanks Isang cursive style na sulat lang at isang word lang pero bakit sobrang saya ko? “Oy anlaki ng ngiti mo dude. Mapunit yang labi mo.” Asar ni Anne pero nagkibit balikat lang ako. May pagkasweet din pala si stepmom? Hihi. /// Binuksan ko na ang malaking pintuan ng bahay at agad na pumasok. I’m planning to thank my stepmom dahil sa paggawa nya ng assignments ko. And for the first time, ay ngumiti sakin ang teachers ko! Grabe sobrang saya ko! Feeling ko nakagraduate na ako eh. Hays, makakagradute kaya ako? Wag mo pagdudahan ang sarili mo Frances! Cheer up! Inilibot ko ang paningin ko at nagtaka ako ng makitang kulang ang paligid. Wait… nasaan.. “Ate.” Tawag ko sa yaya namin na dumaan sa gilid ko at may hawak pang mga panglinis. “Bakit po ma’am Frances?” magalang na tanong nya. “Ate, nasaan po yung pictures ng mommy at daddy ko po?” tanong ko sa kanya pero nagtaka ako ng magbago ang expression nya at mukha pang nag-aalala. Wag mong sabihin na.. “Eh.. ma’am, si ma’am Col po kasi pina – “ “WHAT!? PINATAPON NYA ANG PICTURES NILA MOMMY AT DADDY!?” galit na galit na sigaw ko at talagang nag-echo pa sa buong bahay! “Po?! Hindi po! Pina – “ “PINASUNOG NYA!? ANONG KLASE SYA!? NASAN SYA?!” sigaw ko at agad na hinagis na ang bag ko sa couch at lumakad. “Ha!? Ma’am hindi po ang ibig ko pong sabihin ay pina – “ “PINABENTA NYA?! WHAT THE! NAKULANGAN PA SYA SA COMPANY AT PATI PICTURES NI MOMMY AY BINENTA NYA PA!? NAKAKAGIGIL SYA! NASAN SYA?!” sigaw ko at agad ng humakbang sa hagdan! Argh! Humanda ka sakin stepmom! Hindi mo dapat pinakikialaman ang hindi sayo! Pero asawa na sya ni daddy diba? Edi may karapatan na sya? No! Dapat pinaalam nya muna sakin! Naka-akyat na ako dito sa taas at akmang liliko na ng kwarto ng stepmom ko ng humarang si ate sa harap ko. “Yung pictures lang po talaga ng mommy nyo ang maibebenta? Pano po yung sa daddy nyo? Ay ma’am! Teka – po!” hinihingal na sabi nya kaya napahinto agad ako. “Patapusin nyo po muna akong magsalita ma’am!” “Hindi ka pa po ba tapos ate?! Maliwanag na po sakin ang lahat! Ugh!” lalagpasan ko na sana sya pero humarang nanaman sya. “Wala pong tama sa nasabi nyo ma’am! Pinalinis at pinaligpit po lahat ni ma’am Col ang pictures ng parents nyo sa kwarto po ng daddy nyo. Andon po lahat ma’am kumpleto.” Dire-diretso sabi ni ate tapos napahawak pa sya sa dibdib nya pagkatapos nyang magsalita. Napakamot naman ako sa kilay ko at alanganing tumawa. “Hehehe! Ganon po ba? Edi.. edi mali po yung mga nasabi ko?” paninigurado ko pa. Napabuntong hininga naman si ate at tumango paulit ulit. “Opo ma’am, opo at opo.” Sagot nya pa kaya napangiwi ako. “Hahaha! Sabi ko nga po. Sige na po ate salamat po ha and pasensya na po.” Magalang na sabi ko at agad ng lumiko papunta sa master’s bedroom kung nasaan ang kwarto ni daddy. Gosh! Nakakahiya ka Frances! Di mo pa kasi pinatapos si ate na magsalita eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD