Chapter 6

1212 Words
Frances POV Gabi na at kasalukuyan kong ginagawa ang assignments ko dito sa living room ng biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pintuan kaya napatingin ako don pati na din ang iba pa naming yaya. Sino pa ba? Sinamaan ko sya ng tingin pero padabog lang syang lumakad habang salubong ang kilay tapos pulang pula pa yung mukha nya. Okay? “Hey.” Tawag pansin ko sa kanya ng dumaan sya sa gilid ko pero di manlang nya ako nilingon at dumiretso na paakyat ng hagdan. Ano bang problema ng babaeng to? Sinundan ko sya ng tingin at laking pagtataka ko ng iwan nyang bukas ang pintuan ng kwarto nya kaya agad kong iniwan ang mga ginagawa ko at sinundan sya sa taas. Pumasok ako sa kwarto nya ng walang paalam at sinara yon. “Step – “ Naputol ang sasabihin ko ng bigla syang tumingin sa pwesto ko. Hinihingal sya tapos salubong na salubong pa yung kilay nya tapos parang nakapout pa ata sya? Or in born talagang may pagkapouty ang lips nya? “Anong gina – gawa mo di – to?” utal na utal na tanong nya. “I just want to make sure na okay ka lang. May problema ka ba?” nag-aalalang tanong ko. As you can see, kahit masama ang ugali nito ay sya pa din ang step mom ko at di ko maiwasan na mag-alala dahil sa wala na nga si daddy at si mommy.. at kahit hindi ko kilala ang stepmom ko.. sya na lang ang makakasama ko sa buhay ko ngayon. Kaya kahit nuknukan sya ng kasungitan ay worried pa din ako.. ang hirap kasi ng laging iniiwan eh.. Winave nya ang kamay nya sakin tapos humawak sa noo nya. “I’m fine. Don’t worry yourself – “ after that ay bigla na lang syang napahiga sa kama. What the?! “Hey!” sigaw ko at agad na tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko ang noo at leeg nya. Confirm! Inaapoy sya ng lagnat! Ugh! “I’m fine I’m fine ka pang nalalaman dyan!” sigaw ko sa kanya at agad na lumabas at nagtawag ng mga yaya namin para asikasuhin sya tapos papalitan na din ng damit at lahat lahat. “Ma’am Frances, 38 na po ang body temperature ni Ma’am. Napunasan at napainom na din po namin sya ng gamot kahit papaano po.” Sabi ni yaya kaya agad akong napalingon sa kanya. “Safe na po ba yon?” tumango naman sya kaya agad akong nagpasalamat at pumasok na sa kwarto ng stepmom ko. Kitang kita ko naman na may bimpo sa noo nya at ngayon ay dilat na ang mga mata nya. “Nasan ang sinasabi mong I’m fine?” pambungad na tanong ko sa kanya pero inirapan lang ako. “Bakit ba ang sungit mo?” tanong ko sa kanya sabay upo sa gilid ng kama. “Bakit ang maalalahanin mo?” balik na sabi nya. “Because I care a lot when it comes to people who’s important to me.” Sagot ko sa kanya at humawak sa leeg nya pero inalis nanaman nya ang kamay ko kaya napapout ako. Tumingin sya sakin. “I also care a lot but in extraordinary way.” Sagot nya. “Huh?” “Wala. Pahingi ng prutas.” “Ano nga?” pangungulit ko pa. “Basta prutas dali.” Utos nya pa kaya wala na akong nagawa kundi magdabog pababa para kumuha ng prutas. Pero anong prutas? Inilibot ko ang paningin ko dito sa kusina at unang nahagip ng mata ko ang saging kaya iyon ang kinuha ko. “Ayoko ng saging.” “Prutas naman ang saging ah?” “Basta ayoko ngaaaaa.” “Anong gusto mo!?” naiinis na tanong ko sa kanya. “Prutas.” “Ano ngang prutas?!” “Basta prutas kumuha ka.” Napapikit ako at padabog na bumaba at kumuha naman ng apple tapos umakyat. “Ayoko ng apple.” “Ano ba?! Sabi mo basta prutas?! Gulay ba ‘to para sayo?!” naiinis na talaga akooo! “Prutas. Pero ayoko nga ng apple.” “Ugh!” Bumaba ulit ako para kunin ang orange pero ng paakyat na ako.. bakit di ko na lang dalhin ang buong basket?! Stupid Frances! Sana kanina mo pa dinala diba para di ka akyat baba kanina pa?! Kainis naman oh! Kainis na stepmom yan! Inilapag ko ang basket sa kama nya at pinapili sya ng gusto nya. “Wala sa lahat ng yan.” “Pwede bang itapon ko na lang lahat ng laman ng basket na ‘to sayo?” tanong ko sa kanya na mayroong sobrang nagtitimpi na tono! Umiling iling naman sya tapos inusog ang basket. “May sakit na nga ako tatapunan mo pa ako nyan?” huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. “Hindi excuse yun! Nakakapuno ka na eh!” inis na sigaw ko sa kanya. “Sige grapes na lang pala.” Napapikit ako at kinuha ang grapes tapos naupo sa tabi nya. Okay Frances, inhale exhale. Alalahanin mo may sakit sya ngayon, kailangan mong pagbigyan. Kailangan mong palagpasin muna ang oras na ‘to at alagaan sya kahit papaano dahil malay mo baka bumait bait naman sya diba? “Oh ito na ang grapes mo.” “Paki-subuan ako.” “Lahat ‘to?” Sinimangutan nya ako kaya napangiti ako ng malaki. Cute! “Isa isa lang syempre. Papatayin mo ba ako?” Tumawa naman ako ng sarcastic. “Pwede?” “Aba – “ Naputol ang sasabihin nya ng subuan ko sya ng grapes. “Wag ka ng maingay susubuan na kita.” Sabi ko na lang at sa wakas tahimik ko din syang napakain and at the entire time ay tahimik lang din sya. Aalis na sana ako ng makatulog sya kaso bago ako umalis ay napansin kong nilalamig sya at parang kulang pa ang kumot sa kanya. Pumunta ako sa aircon at hininaan na lang yun kaso wala eh! Nilalamig pa din sya! Syet, pano ko gagawin ang assignments ko? Bahala na! Di naman din ako nakakapasa eh! Huminga ako ng malalim at dahan dahan na nahiga sa tabi nya at niyakap sya ng mahigpit habang nakabalot sa kanya ang kumot nya. Siguro dito na muna ako matutulog. Yayakapin ko lang naman sya para hindi sya lamigin ng todo diba?? /// Naalimpungatan ako ng gumalaw ang buong kama at bigla na lang akong iniusog. “Gumising ka na, quarter to seven na.” At dahil.. “Ano?! Quarter to seven na!?” agad akong napabangon at nagmamadaling hinanap ang slippers ko. “Nasa baba na ang driver nyo. Dalian mo na.” “Yes Stepmom!” Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa pinto. “I told you, it’s Col.” Naiinis na balik nya sakin pero ngumiti lang ako. “Whatever.” Sabi ko sabay sara ng pinto nya. Okay, mukhang magaling naman na sya so far. Pero ang problema, paano na yung assignments ko!? Lagot ako nito, ayoko ng bumagsak! Malapit na ako magcollege tapos puro pa ganito grades ko! Bakit kasi di manlang ako tumalino kahit konti diba? Huhuhuhu!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD