Chapter 5

1232 Words
Frances POV Agad kong hinawakan ang pintuan ng kwartong pinasukan nya bago pa yun sumara. “Diba sabi ko wait!?” sigaw ko sa kanya habang hinihingal. Binitawan naman nya ang maleta nya at humarap sakin. “Move.” Matipid na sabi nya pero umiling ako. “Ayokong makatabi ka sa kwarto! Mamili ka na lang ng iba kung gusto mo!” sabi ko habang naiinis na nakatingin sa kanya. Nagsmirk naman sya at tumingin sa mata ko. “Edi ikaw ang lumipat ng kwarto.” “What?! Ang lakas – “ “May ipis.” Sabi nya habang nakatingin sa baba kaya agad kong nabitawan ang pintuan. “Kyaaah! Nasaan?! Nasaan!?” nagtatalon na sabi ko at ng marinig kong sumara na ang pinto kasabay ng paglock nito ay.. Stuipid Frances! Inuto ka nya! Ugh! /// Gabi na at sabay kaming kumain ng dinner ng stepmom ko pero dahil napakabilis nyang kumain ay nauna na syang umakyat sa taas habang ako ay patapos pa lang. “Ang sungit sungit! Akala mo naman!” naiinis na sabi ko sabay nguya ng kinakain ko. Ugh! Babawian ko sya! Hindi ako makakapayag na ganon ganon nya lang akong mauuto! Pagkatapos kumain ay nanood na lang ako ng t.v. dahil mas maganda pang humarap sa t.v. kesa sa taong yun! Ang bait bait ng mukha pero nuknukan ng kasungitan! Habang naglilipat ng channel ay may bigla na lang may tumakip sa mga mata ko. “Tito Fred!” sigaw ko at tumawa naman agad si tito. “Hello Frances.” Nakangiting bati sakin ni tito. “Okay ka na ba?” napangiti naman ako ng malungkot sa tanong ni tito. “Kaya pa naman po tito. Bakit po kayo napadalaw?” Umikot si tito at naupo sa tabi ko. “Ahh, kakausapin ko kasi sana ang bagong asawa ng daddy mo sa kanya daw kasi ipinasa ang lahat eh. By any chance, andito ba sya?” tanong ni tito. Tumango naman ako. “Andito po kaso – “ naputol ang sasabihin ko ng may biglang sumingit. Sino pa ba?! “Yes I’m here. May gusto ka bang sabihin Frederick Sanchez?” tanong ng napakasungit kong stepmom at naupo sa harapan namin sabay patay ng t.v. “May gusto lang sanang pag-usapan.” Nakangiting sabi ni tito. Tumango tango naman ang setpmom ko habang nakapikit. “Okay, kaso rude akong kausap. Okay lang sayo?” napataas naman ang kilay ko dahil sa ugali ng stepmom kong ito! Seriously?! Mas matanda kaya sa kanya si tito Fred! “Hahaha! Frances, iha, pwede bang umakyat ka muna?” tanong ni tito na agad kong tinanguhan. Tatayo na sana ako kaso sinenyasan ako ng stepmom ko na maupo kaya naupo ako. Ano nanaman ba!? “Let the daughter stay. And pwede sabihin mo na ang gusto mong sabihin? Maaga pa ako bukas.” Masungit na pagkakasabi ni stepmom. Seriously!? Napakagalang talaga nito! “Ganyan ka ba talaga magwelcome ng bisita?” “Gaya nga ng sabi ko, rude ako.” Nakita ko namang nagsmirk ang aking stepmom kasabay ng paghalakhak ni tito. What the heck!? Bakit parang.. nakakatakot si tito ngayon? “Senior mo pa din ako. Alam mo yun.” Tumango tango naman si stepmom. “At ako naman ang CEO at  ang nasa pinakamataas na posisyon which means ako dapat ang nirerespeto. Alam mo yun.” Ngumiti pa ng sarcastic ang stepmom ko. Napalingon ako kay tito ng makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam lalo na sa pamamaraan ng pag ngiti nya pero ng huminga sya ng malalim ay bumalik ulit sa mabait na tito ang dating nya. “Hmm.. I guess that’s for tonight. See you tomorrow CEO and good night Frances.” Sabi ni tito at hinalikan ako sa noo tapos umalis na. “Bastos ka ring kausap noh, stepmom?” gigil na sabi ko sa stepmom ko. Napataas naman ang kilay nya. “Nagsabi na ako from the very start of the conversation diba? And don’t call me stepmom, just Col. Good night.” Pagkatapos nyang sabihin yon ay agad na syang lumakad papunta ng hagdanan. “Walang good sa night!” sigaw ko sa sobrang inis. Seriously!? Nakuha nya pa talagang mag good night ha!? /// “Ang bagal kumain tsk.” Alam nyo yung mahina lang yung pagkakasabi pero halata mong sinadya talaga na iparinig sayo na para sayo at sayo lang talaga yun? Oo! Sinamaan ko sya ng tingin pero tumayo na sya at umakyat na sa taas. “Bwisit! Mahahighblood ba ako araw-araw?!” sigaw ko sa sarili ko at minadali ng kumain tapos nag-asikaso na for school. Kitang kita nyo naman diba? Monday na Monday po at umaga pa lang ay sinira na ng stepmom ko ang umaga ko! Maghapon na nga siyang wala kahapon tapos kung makaasta ugh! Pero feeling ko naman kahit ganyan yan ay may kabaitan namang tinatago dahil kung hindi, sinasaktan na nya ako or inaalila ngayon diba? Pero hindi eh nagagawa ko pa din ang gusto ko. Nagsuklay na ako at sinukbit ang bag ko sa kanang balikat ko. Naglakad na agad ako palabas ng pinto only to see.. her. Nakapurple syang suit tapos tinernuhan ng white na inner pati white high heels. And yung buhok nya? Same pa din! Walang pinagbago! Blonde na may highlights pa din na light blue tapos CEO noh? Napakunot noo naman ako ng buksan nya ang shotgun seat ng kinasasandalan nyang kotse. “Alam natin na may pagkamahina ang utak mo. Pero mahal ang oras ko at kung hindi ka pa sasakay ay malelate tayo pareho sa kupad mong kumilos.” Sinabi nya yan na super bored at nakatingin pa sa relo nya. And whut!? Ano daw?! Tinuro ko sya sabay pamewang ng isa kong kamay. “Hoy! Kung makapagsalita ka parang sobrang talino mo alam – “ “Bahala ka. Maglakad ka papasok. Umuwi ng probinsya ang driver nyo dahil may sakit ang asawa nya.” After nyang sabihin yan ay umikot na sya sa driver seat at agad na inistart ang sasakyan. The heck! “Sasakay ako!” sigaw ko sabay pasok agad at sara ng pintuan. “Gosh! Talaga bang iiwan mo ako!?” sigaw ko sa kanya pero di nya manlang ako nilingon. “Malamang, alangan namang hintayin ko pang matapos ang walang kwenta mong speech.” Feeling ko tumaas na lahat ng dugo ko sa ulo at konting konti na lang! “Ikaw! Ugh!” sigaw ko na lang at padabog na sinuot ang seatbelt ko. Okay Frances wag ka na lang magsalita para hindi din sya sasagot okay? Nakakahighblood lahat ng lumalabas sa bibig nya eh! Napakamot ako sa kilay ko ng abutan pa talaga kami ng traffic sa daan. Ano ba yan! Napalingon naman ako sa katabi ko ng bigla syang bumuntong hininga. Teka.. bat parang namumula sya? Nakita kong pumikit sya kaya inangat ko ang kamay ko dahan dahan at hinawakan ang leeg nya. Wow ang lambot ng balat.. Napa-igtad ako ng hawakan nya ang wrist ko at ilayo dahan dahan sa leeg nya. Wow, pati kamay ang lambot ah? Hindi ba ‘to gumagawa ng gawaing bahay? Inilagay nya ang kamay ko sa lap ko at saka ako sinamaan ng tingin. “Don’t touch me.” At pagkasabi nya non ay kasabay ng umandar ang mga sasakyan. Bakit ganon? Medyo mainit sya?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD