Col’s POV Agad kong pinapasok si Frances ng sasakyan at umikot na ako pasakay sa driver’s seat. Paandarin ko na sana ang sasakyan ng bigla na lang syang sumigaw. “Col!” “Ano?” inis na tinignan ko sya pero nakanganga pa din sya. “K – kapatid mo yun? I mean, may kapatid ka?” parang tanga na tanong nya. “Narinig mo naman diba? Kailangan ko pa bang ulitin?” poker face na sagot ko sa kanya at nagsimula na akong paandarin ang sasakyan. “Oh my gosh! Akala ko wala kang kapatid, ang gwapo ni kuya Cal.” Bigla akong napapreno dahil sa huling sinabi nya. Tinignan ko sya sa mata at inis naman nyang sinalubong ang tingin ko. “Pwede bang magdahan dahan ka naman!?” di ko na sya tinignan at nagmaneho na lang. Nabasa ko naman yung message nya at susunduin na sana sya. Ang kaso nga lang, natagalan si

