Col’s POV Ilang oras na kaming nandito sa labas ng operating room pero wala pa ding balita. Sobrang daming dugo ang nawala kay Frederick Sanchez. Gusto pa sanang sumama si Francisco para awayin si Frederick pero hindi ko na sya pinasama. What’s the point na aawayin nya yung tao kung nag-aagaw buhay na nga? Tsk. Sinabihan ko sila na maiwan na sa company at bantayan ang buong paligid kung may threat pa ba, even si Danica nagtawag na din ng back up. Speaking of Danica.. kanina pa sya wala! Nasan na ba sya? I was about to call her ng mahawi yung mga guard na nagbabantay dito sa lobby. “Where have you been?” tanong ko sa kanya pero naupo sya sa tabi ko na mukha ding malungkot. “Wala na yung babae sa kabilang building.” I restrained myself from shouting because of frustration. This is so..

