PARANG nauupos na kandilang napasandal si Sabina sa pader ng apartment niya pagkatapos nang naging pag-uusap nila ng best friend niyang si Celine. Sa unang pagkakataon ay tinanggihan siya ng kaibigan. Naiintindihan naman niya ang dahilan nito. But it just means she is doomed. Ngayong araw ay due date na ng bayad ni Sabina sa apartment. Kanina ay pinuntahan na siya ng land lady para maningil. Dahil walang pambayad ay nakiusap siya rito. Pero hindi ito pumayag. Ayon rito ay may prospective tenant na ito at kung hindi siya makakabayad ngayon ay papaalisin na siya ngayon rin na araw. Kilalang masungit at mahigpit ang land lady niya kaya ramdam niya ang threat nito. Isa pa, may mga buwan rin dati na hindi siya nakakabayad on time kaya naman bad shot na siya rito. Nawala naman sa isip niya ang

