TAHIMIK na nagba-browse ng online shop ng mga Doraemon Stuffs sa laptop si Alex. Mahilig si Addy sa Doraemon. Bilang girlfriend, nararapat lang naman na bigyan niya ito ng regalo. Gusto niyang mapasaya ito. Kapag masaya ito, masaya rin siya. Sampung items na ang nasa cart niya nang may kumatok sa bahay. Dahil hindi naman nagmamadali, inuna niya ang pagbukas noon. Nakaramdam ng pag-aalala si Alex nang makita ang dalawang matalik na kaibigan---si Abel at si Adam. Halos isang linggo na silang hindi nag-uusap. Pareho kasing nasa Maynila ang dalawa noong nakaraang linggo. Nagbakasyon ang mga ito sa bahay ng mga ito roon at may inasikaso rin. Alam ni Alex na malaking hamon ang makita ang magkapatid. Sinamantala niya ang pagkawala ng mga ito. He dated their little sister. Matagal na niyang alam

