NAPABALIKWAS ng bangon si Alex nang mapaginipan ang nakaraan. Pedophile. Sa pag-aalala na minsang tinawag siyang ganoon ay matinding nanakit na ang ulo niya. Pinagpawisan rin siya. He hated that word. Galit siya sa mga taong ganoon. Higit sa lahat, galit rin siya na minsan na nabansagan siyang ganoon. Pero masama man ang loob ay pinili ni Alex na panatilihin ang pagkakaibigan sa kambal. Naiintindihan niya rin naman ang mga ito kahit papaano. Mali na makipagrelasyon sa kapatid nito. Napakabata pa ni Addy. Masakit man sa kanya, he let her go. Iniwasan rin niya ito. Siguro ay kailangan rin niyang iwasan si Addy. Even in the right age, parang bata pa rin ang itsura nito. But just thinking of letting her go again makes him feel mad. Parang hindi na rin niya kakayanin ang sakit kapag pinakawal

