NAGISING si Sabina na madilim ang paligid. Bahagya pang nananakit ang ulo niya. Inisip niya ang dahilan kung bakit. Nanibago ba siya sa namulatan na paligid o dahil masyadong napatagal ang tulog niya? Ang huling naalala niya ay tanghali pa at nasa kotse siya ni Grimson. Magla-lunch sila sa labas. Pero sa lagay ngayon, mukhang hindi iyon natuloy. Mukhang nakatulog si Sabina. Naubos yata ang energy niya sa pagsasama ulit nila ni Grimson. Tinignan niya ang paligid para magkaroon siya ng ideya kung nasaan siya. Madilim at tanging liwanag lang mula sa maliit na lamp shade sa kuwarto ang dahilan para matignan niya nang mabuti ang paligid. Pamilyar iyon sa kanya at napagtanto niyang nasa condominium unit siya ni Grimson, partikular sa loob ng kuwarto nito. Pero wala roon ang lalaki. Bumangon si

