Two Years Ago... SA PAMAMAGITAN ng scholarship mula sa mga sponsor ay nakatuntong kahit papaano si Sabina sa college. Nakatapos siya ng associate office administration degree. Nakahanap naman siya nang maayos na trabaho pagkatapos. Pero hindi siya masaya. Kaya naman pagkatapos ng dalawang taon ay nag-resign siya. May sapat na kasi siyang ipon para makapag-aral at maggawa rin ang bagay na gusto niya: ang magsulat. "Sigurado ka ba? Kakaunti lang na manunulat ang yumayaman at sumisikat. Mahirap para sa 'yo ito, Sab. 'Wag ka ng mag-resign. Maging practical ka. Wala ka ng pamilya. Wala ng puwedeng tumulong sa 'yo in case na mabigo ka lang sa gusto mo," payo sa kanya ng boss niya nang ipagpaalam niya rito ang tungkol sa resignation. Hindi iilan ang nagsabi kay Sabina ng parehong payo. Pero na

