"YOU ARE TOO fast, Grimson." Napalingon si Grimson nang marinig ang pamilyar na tinig ng isang babaeng lumapit sa kanya habang nasa restaurant ng isang five star hotel. It was his ex-girlfriend, Julianne. Madilim na madilim ang mukha nito. Tinaasan ng isang kilay ni Grimson si Julianne. Mabuti na lang at kakaalis-alis lang ni Sabina, hindi na niya kailangan na ipakilala ito sa isang babaeng mukhang gusto lang naman ay magdala ng gulo sa kanila. Hindi niya inaasahan na makita pa si Julianne. Coincidence lang ang pagkakatagpo nila ngayon sa restaurant. "Anong gusto mo?" Naningkit ang mata ni Julianne. "Ang babae ba na iyon ang pinagpalit mo sa akin?!" "Sa pagkakatanda ko, ikaw ang unang nagpalit 'di ba?" "May dahilan ako. Pero ang ginawa mo sa akin..." Galit na galit si Julianne. "You a

