"WHERE are you?" may pag-aalala ang boses ni Grimson nang tawagan si Sabina. Late na siya nakauwi kagabi dahil sa sobrang abala sa opisina bilang bagong namumuno sa Valle Constructions. In consequence, late na rin siya naggising. Masyado rin kasi siyang pagod sa nakaraang linggo. Nahihirapan siyang makapag-adjust sa mas mabigat na nga ay hindi pa niya gustong puwesto. Hindi siya makatulog at nakakapagpahinga nang maayos dahil sa pressure. Ngayong araw lang siya nakabawi. Plano sana ni Grimson na mag-unwind ngayong Sabado. It was hell of a week. Pero hell pa rin pala ang magiging weekend niya nang maggising ng halos alas dose na. Pagkatapos ay wala pa sa tabi niya si Sabina. Wala rin ito sa unit niya. Wala itong kahit anong iniwan na note. "I'm sorry. Hindi ko nasabi sa 'yo. May book sign

