SABINA knew that something was wrong. Kahit na ba nagustuhan niya ang pagdating ni Grimson sa booksigning niya ay parang hindi iyon tama. Hindi gusto ni Grimson ang career niya. Kaya bakit naman siya nito bibigyan ng flowers? It's a sign of appreciation. Pero mukhang pinagsisihan na ni Grimson ang ginawa nito sa nakaraan. He said sorry. But did he really mean it? Pagkatapos kasi ng book signing niya ay parang nanlamig ito sa kanya. Hindi siya nito kinakausap. Naguguluhan si Sabina pero hindi naman siya makapagtanong. Natulog siya sa kuwarto nito kagabi at natulog naman si Grimson sa kabila. Parang iniiwasan talaga siya nito. Pero hindi na nakaya ni Sabina ang bigat sa dibdib nang maggising. Kaya ko ito! Pagpapalakas ng loob ni Sabina. Hindi na niya kayang tiisin ang kalamigan na iyon.

