Naghahanda na kami para sa christmas party 'kuno' nag rent lang kami sa roof top, medyo pricey siya pero worth it naman kasi maganda yung view dito, malamig pa. Wala rin akong matandaan sa nangyari kagabi pero pag gising ko punong puno ng notification ang twitter account ko dahil mukang na dare ako nila Mona kagabi. I posted 'LF: Someone to shake me up real good tonight!' tinawagan pa ako ng management kanina at napagalitan.
"Paabot nga nung balloons, Gab." Naghihintay ako ng maga-abot pero wala kaya tinignan ko ang katulong ko simula kanina. Nagulat ako nang hindi na pala si Gab ang kasama ko, si Vince na ito at nakanguso pa dahil hindi ko ata siya napansin. "I'm not Gabriel, Nani." Napabaling ako sa kanya dahil sa huling nabanggit niya.
"What the heck, what did you call me?" narinig ko pa ang paghagikgik niya bago nagsalitang muli. "Nani, Nani." Napalaki pa ang mata ko dahil dalawang beses niya pang inulit ito. "Oh my Godness, kadiri. Omg, omg." Napatalon talon pa ako dahil may kwento ang palayaw ko nayan. Tsaka ko nalang ik-kwento sa inyo.
Nakatingin lang ako ng masama kay Vincent hanggang matapos kami sa pag aayos siya naman tawa lang ng tawa, takang–taka naman ang mga kasama namin dahil para siyang nakatakas sa Mental hospital.
Ang usapan ay nakapink ang boys at blue naman para sa girls sino paba ang makakaisip niyan syempre si Mona.
So I just wore white high waist flared jeans I paired it with blue criss cross cut out top for my shoes naman nanghiram lang ako kay Mona kasi wala naman akong dalang kahit na ano pang paa yung suot ko lang bago umalis ng bahay. Black heels pala yung nahiram ko so tumangkad ako, hehe.
Pagakyat namin sa roof top wala pa ang mga lalaki at kami palang ang nandito.
Kanina pa tawa ng tawa si Mona sa hindi malamang dahilan kaya nagtataka kami.
Hanggang sa dumating na ang boys kaya nalaman namin kung bakit siya tawa ng tawa pare-parehas kasi ang suot nila at lahat ito ay pink na polka-dot ang design. Nakakatawa naman talaga lalo na at hindi maipinta ang muka ng mga lalaking ito.
Nag umpisa na kami, nag lead naman ng prayers si Charlotte.
"Heavenly Father," Paninimula niya. "we are all gathered here for our Christmas party. May you bless us with your generosity and love
so that everyone present here would be able to partake of the joy of your birth, Jesus Christ."
"Amen." Sabay sabay na ani namin.
Pagtapos ng pagdarasal we say Merry Christmas to each other, mamaya na yung exchange gifts.
"Merry Christmas Rae-rae." Pagbati ko sa kanya. I kiss him on the cheeks.
He smiled at me. "Merry Christmas...Love." Inakap niya ako bago patakan ng halik ang aking noo.
Lumapit naman ako kay kuya nang Napasimangot ito habang lumalapit ako sa kanya. "Merry Christmas Kuya, i love you." Inakap niya din ako bago bumati pabalik sa akin. "Merry Christmas Bunso, Love na love ka ni Kuya kahit nauna mo pa batiin ang manliligaw mo." Nahagip pa ng mata ko kung paano rumolyo ang mata niya. Tinawanan ko nalang siya bago hinila para makakain na kami.
"And now for our exchange gifts.." Sino pa ba ang mag h-host syempre si Mona. "Uunahin natin ang hindi pinayagan manligaw...." Nagtawanan naman kami bago tinignan si Jayce na masama na ang tingin kay Mona mukang badtrip na badtrip. "Pakyu ka Monayi." Tawa lang kami ng tawa kasi nakakatawa.
Tumikhim tikhim muna si Mona bago magsalita ulit. Halata pa sa kanyang muka ang pagpipigil ng tawa. "Patatayuin natin.." Napasinghap naman ang mga lalaki dahil mukang iba ang naiisip, napairap nalang kami. "Oh mga green ang utak, tatayo kayo rito ta's talikod. Mga manyak to." Tumayo naman sila at tumalikod sa amin. "Tutal lagi ang lalaki ang nangs-surprise, mga babae naman, kung mapapansin nyo hindi namin kayo pinabunot kasi sila ang bumunot sainyo." Totoo naman yon kami ang bumunot pero bumili rin sila ng maibibigay sa amin hindi nga lang nila alam kung sino ang pagbibigyan nila. "So pag harap nyo kung sino ang katapat nyo siya ang magbibigay ng gifts. Ayorn wait lang sino kaya sa akin."
Tumapat na ako sa pagbibigyan ko. Ang napili ko pala na bilhin ay rolex may naka engraved na pangalan ni Vincent yeah siya po ang pagbibigyan ko, bumili din ako ng tickets papuntang America isasama ko siya don pag umuwi kami, ewan ko lang kung available siya nang araw na iyon.
Pagharap sa akin ni Vincent ay todo ngiti siya akala mo nanalo sa lotto.
I gave him my gift, agad niya namang binuksan iyon.
Pagkabukas niya ay agad niyang binigay sa akin ang relo, tila ba sinasabi niyang isuot ko sa kanya yon, akala ko binabalik niya, e.
Nung makita niya ang ticket papuntang America nagtataka siyang tumingin sa akin. "What? Ipapakilala kita sa kamag-anak ko." I sweetly smiled at him.
Nakita ko naman ang paglunok niya at pamumutla."What?"
"Why? Don't you want to come?" He immediately shook his head.
"N-no, kinabahan lang ako." Natawa naman ako sa itsura niya, my future Attorney is getting nervous.
Binigay ko nadin ang ibang gifts ko sa kanila lahat naman sila meron iba lang talaga trip minsan ni Mona, e.
Tag-iisa kaming may palaro, si kuya ata ang may pinaka magandang pa premyo, vacation sa bora veh. Siya nga lang din ang may pinakamahirap na palaro uubusin mo lang naman yung mga sunod sunod na alak yung hulik alak ay isang bote, as usual ang nanalo roon ay si Jayce.
Nang matapos kami sa paglalaro at pagsasaya pinalinis nadin namin yung lugar, bukas ng umaga kami mamimili ng pasalubong and foods, then uuwi nadin.
——
HABANG namimili kami nakakita ako ng batang nagtitinda sa gilid ng kalsada, she's selling bracelets, lumapit ako sa kanya upang tignan ang paninda at tignan siya ewan ko ba nakuha niya ang atensyon ko.
"Hi, how much is that?" Tinignan niya naman ako I think may kasama siya may bag doon sa gilid niya and she is not a normal kids, she's suffering from down syndrome.
Sasagot na sana ang bata sa akin ng may tumawag sa kanya. "Anna, ano iyan." Nakita ko ang isang madre na nakangiti sa akin.
"Sistew di ko sha intindi ih." Natawa naman ako kay Anna dahil napaka amo ng muka niya habang sinasabi iyon sa madreng nasa harap niya.
"Good afternoon sister." Pagbati ko sa kanya. "Good afternoon din hija, ikaw ba ay bibili." Ani niya napatingin ako kay Anna dahil nagliwanag bigla ang muka niya. "bili ithaw Anna bwayslets?" Nagtatanong na ani niya.
Agad akong tumango sa kanya, nagtatalon naman siya. "Bilhin ko lahat ha." Tumango tango siya, at siya mismo ang nagbabalot non. Lumapit naman ako kay sister.
"Naawa ako sa batang iyan kanina pa siyang umaga rito dahil naghihintay siya na may bumili ng mga bracelet niya." Nakaramdam ako lalo ng awa para sa bata.
"Sa ampunan po siya nakatira?" Pagtatanong dito. "Oo simula ng sanggol pa siya ay nasa ampunan na." Sagot niya sa akin.
"Wala po bang nag aampon o kaya po ay bibalikan ng magulang niya?" Iniling niya naman ang ulo niya. "May umampon naman kaso nga lang ay binabalik din sa amin dahil mahirap ang ihandle ang mga katulad nilang bata." Sagot nito.
Narinig ko ang pagtunog ng telepono ko at nakita kong nag text na sa akin si kuya. "Nako hija muka hinahanap kana." Nginitian ko naman siya bago sumagot. "Ah opo, pwede ko po bang malaman ang numero nyo at address nadin po sana ng ampunan." Binigay niya naman sa akin agad lumapit naman ako kay Anna na tapos nang ibalot ang binili ko sa kanya.
"Taposh na po atwe ganda." Abot niya sa akin, inabot ko naman sa kanya ang bayad ko ngiting ngiti siyang kinuha iyon sa akin. "babalikan kita ha." Napatingin naman siya sa akin. "Tawaga po?" Tumango ako sa kanya, nagpaalam nadin ako kay sister rose bago umalis.
——
"Saan ka ba galing? kanina pa kami rito." Hindi ko na sinagot si Laraine at pumasok na sa sasakyan. Tumabi ako kay Kuya dahil wala dito si Vincent.
Tuloy tuloy lang ang byahe namin humihinto lang pag may magc-cr o may nagutom.
Unang hinatid sila Mona at Samantha sila kasi ang malapit, si Laraine naman bumaba sa condo building namin. yung mga boys sabay sabay na bumaba hindi ko na nakita kung saan sila bumaba dahil wala ka ako sa wisyo.
Pagka-uwi namin naabutan ko ang pinto nila mommy na bukas rinig na rinig ang pagtatalo nila.
Isinawalang bahala ko nalang iyon dahil alam ko namang pagnag-aaway sila susuyuin na ni daddy si mommy kinabukasan wala pa naman silang pinag-aawayan na malala, yun ang akala ko.
kinabuksan wala si daddy wala si mommy.
yon yung unang araw na walang mommy at walang daddy na sumalubong samin ni kuya.
yon di ang araw na nagsimula na kaming magtaka ni kuya.