We're now currently eating breakfast, super tahimik naming girls dahil para kaming nasermonan ng mga magulang, kagabi ay ang pinakanakakatakot na gabi--charot.
Ayon na nga napagsabihan kami kagabi bakit 0daw hindi sila sinama, e, Girl's night nga e--bobo amp.
So ayon ang balak namin today ay magwater activities na kasi nga pang 2nd day na namin bukas uuwi nadin so walang choice. Sinusuyo ko pa si kuya kasi ayaw ako payagan mag surf. Baka raw kasi mangyari ulit yung dati, hindi naman, e.
"Kuya, payag ka na, please." Pagkukumbinsi ko sa kanya.
"Tigilan mo ako, Natasha Nicole." Hmp edi wag.
Hinanap ng paningin ko si Vincent, sumama ang timpla ko ng may kausap itong babae na naka two piece na green may print pa ito na dahon, hah mas sexy naman ako riyan, narinig ko ang pagtawa ni Mona sa tabi ko napansin niya ata na sumama ang timpla ko.
"Girl, may dala akong two piece crochet bagong design to." She smirked at me.
I smiled and nod. "Tara." Pag–aya ko sa kanya, tumingin sa amin si Sam at Laraine na nagtataka bat kami nakangiti, nagtaas ng kamay si Mona para sahihin ang code namin, nagtaka naman ang kausap nila dahil sabay pa talaga silang tumayo hinila naman ni Sam si Charlotte kahit nagtataka sumama nalang siya sabay kaming lumabas ng resto kaya kahit sila kuya napabaling sa amin.
Bumalik kami sa cabin si Mona agad na kinuha ang two piece crochet, kulay purple ito na may halong white and pink, pa X ang strap nito sa harap at itatali sa likod pagkasuot ko lumabas ako ng CR bumungad sa akin si Sam na may hawak na purple na tali at agad pinalibot sa tummy ko.
Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Siguro kung sa iba nakakainsulto ito pero sa amin ay hindi, nagulat ako ng sabay sabay silang nagpalakpakan.
"Grabe, ikaw na talaga." Ani ni Laraine
I smirked. "Sus, para namang others to, suot mo yung two piece na binili ko sayo ah." Nawala naman ang ngiti niya at napangiwi, super revealing kasi nung binili ko sa kanya kung si Mona yon sosoutin niya talaga yon.
"Bihis lang kami." Ani ni Sam.
Tinanguan ko lang siya at pumunta sa vanity. Naglagay lang ako nang sunscreen tas waterproof lipstick kumuha lang ako ng pang patong para sa two piece ko. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag, si Kuya. "Hello, kuya?" Pagsagot ko dito.
"Bumaba na kayo." Masungit na ani nito.
"Hm, sige." Binaba ko na agad ang tawag tsaka sinabihan ang aking mga kasama.
Si Mona ay nakasuot ng black one piece, si Sam naman ay naka one piece kulay pula ito at nakikita ang dalawang tagiliran niya dahil naka expose, si Laraine suot ang binili kong two piece sa kanya kulay mint green ito, napangiwi ako ng makita ang suot ni Charlotte naka rushguard ito na kulay itim.
"Hey, wala kang swimsuit?" tanong ni Laraine.
"Meron, kaso magagalit si Rald." Napakamot pa ito ng kilay.
"ANO?!" Pagsigaw ni mona, oh no.
"Magagalit si jerald?" Clueless na sambit nito.
"Oh my gosh, that mother fucker, bakit ka pumayag na pagbawalan, my gosh." Pailing ilang pa ito.
"Hayaan mo siyang magalit pake niya ba sa suot mo." Sambit naman ni Sam.
"Go change your clothes na." Nakangiting sambit ko.
Nagpalit naman siya ng white two piece. Bumaba nadin kami agad dala ko lang din ang bag ko papabitbit ko nalang kay kuya mamaya.
"WHAT THE HELL?!" Narinig naming pagmumura ni jerald napaatras naman si Charlotte magsasalita na sana siya ng magsalit si mona.
"ANONG WHAT THE HELL HA, NAKO DANIEL, AKO NAIINIS SAYO ANO TONG NALALAMAN KONG PINAGBABAWALAN MO SI CHARLOTTE?!" Naiiritang ani nito sa lalaki.
"I was jus-" naputol naman ang sasabihin niya ng sumabat ulit si Mona.
"Ah sinasagot mo na ako ngayon?!" Natawa nalang ako sa reaksyon ni Charlotte nakita niya kasi paano napalunok si Jerald.
Dumating naman sila Kuya kasama ang iba pa. "What happ-" Magtatanong sana si Jayce ng magsalita ulit si Mona.
"Oh isa kapa, pagbabawalan mo rin 'tong si samantha nako talaga mga lalaki akala mo boss." Pangdadamay niya ka Jayce.
Nakita ko naman ang pagbaling sa kanya ni Gab. "What are you sayi—"
"Ano sasabat ka narin?!" Panghahamon niya rito, agad naman itong napaiwas ng tingin. Pansin ko naman ang pagpipigil nila Sam at Laraine kasama nadin si kuya ng kanilang mga tawa. Alam kasi nila ang side nato ni Mona.
Si Vincent naman ay nakatanga lang sa mga kasama niya na napatahimik ni Mona. Naalala ko naman ang pakikipagusap nito sa babae kanina kaya tumalim ang tingin ko sa kanya napatingin siya sa akin na para bang naramdaman niya ang titig ko. Inirapan ko nalang siya at lumapit kay Kuya. "Pahawak please."
Naalala ko ang pag amin ni Vincent kagabi, may pa I like you, I like you pa siya ta's makikita ko may kausap na chiks. Kapal ng muka kala mo gwapo, hmp.
Habang nagrerent kami ng surfing board nakikita ko ang mga alon, nakakaexcite.
Nang makapag-rent kami ay agad kong hinubad ang patong nang aking swimsuit at lumusong sa dalampasigan.
Habang nasa kalagitnaan pansin ko sa gilid sila Kuya na sinusubukan na ring salubungin ang alon. Nang malapit na ang alon sa akin agad akong tumayo at binalanse ang katawan para makasabay sa bawat paghampas sa alon, kita ko sa aking gilid si Laraine na nakangiti nagtanguan kami para magbigay signal sa isa't isa upang salubungin ulit ang alon alam kong nasa pinakamalalim na kami ng parte ng dagat kaya nag iingat nadin kami, baka malunod kami beh ayaw pa namin masundo ng liwanag.
Nakangiting umaahon ako sa dagat. Ikaw ba naman makapag surf ulit ewan ko nalang hindi kapa sumaya.
Sumalubong sa akin si Vincent na may pag aalala sa muka may dala din itong tuwalya at agad na ipinulupot sa akin. "Are you okay? wala bang masakit sayo?" Natawa naman ako dahil para siyang si daddy.
"Wala namang masakit sa akin, daddy." Nakangiting sagot ko dito, agad ding nawala dahil naalalang galit nga pala dapat ako sa kanya.
"What the? anong daddy?" Nagtatakang ani nito.
"Che, lumayo ka sa akin hindi tayo bati." Nag belat pa ako rito na parang bata bago pumunta kay Kuya na umiinom ng buko juice.
Nag try pa kami nang iba pang water activities hanggang mag gabi at maisipan naming mag bonfire sa tabing dagat, may mga alcohol din kami at pagkain.
Nagsimula na kami umiinom naka apat na bote na ata kami nang mag suggest si Sam na mag truth or dare wala namang kahit na ano pag tumapat sayo ang bote tatanungin ka kung truth or dare pag truth ang pinili mo magtatanong lang sila pag dare need mo nalang umiinom tas may ipapagawa sila sayo.
Nag umpisa na silang magpaikot ng bote at huminto ito kay Kuya. "Truth or dare?" Tanong ko sa kanya.
"Truth." Sagot niya.
"Do you like someone na ba?" Nakangiting tanong ko.
Napahinto naman siya tila nag iisip, tumango siya bilang sagot. napa 'oh' naman ang mga kasama namin, hm, sino kaya yon.
Pinaikot nilang muli ang bote at huminto iyon sa akin. Napangisi naman ako dahil nakangiti na si Mona sa akin, alam nitong may tama na ako at may tapang upang ma dare.
"Truth or dare little, nani." Napangiwi naman ako sa tinawag niya sa akin.
I smirked and i answer. "Dare."
"Give dirty joke to..." Tumingin muna ito sa mga kasama namin bago tinuloy ang sinasabi. "Vincent."
Tumingin naman ako kay Vincent na mukang nagiintay kung ano ang sasabihin ko.
"What's better than 69?" I asked him. Napaubo pa ang iba naming kasama.
Napalunok naman siya bago sumagot. "I-i don't know?"
"88" Maiksing sagot ko.
"88? why?" I smirked at him before i answer.
"Because u get (ate) twice." Kumindat pa ako sa kanya bago pinaikot muli ang bote, nagtatawanan pa ang mga kasama namin dahil sa nasabi ko, sure akong pagsisihan ko 'to bukas.