SUNSET Buong breaktime ko ay wala kaming ginawa ni Reece kundi tumawa at pagtsismisan si Ryker. Napapaisip tuloy ako kung okay pa ba si Ryker sa mga oras na ito dahil wala kaming ibang naging topic kundi siya. Nabanggit din sa ‘kin ni Reece ang course niya. She's taking business management. Gusto niyang matulungan ang kuya niya sa kompanya na naiwan ng magulang nila. Ibig sabihin ay anak mayaman din si Reece. Pero hindi siya katulad ni Lorrie na tahasang pinapakita sa karamihan ang pagiging mayaman. Si Reece ang mayaman na tahimik lang. Nakakalungkot lang dahil ulila na pala sila ng kuya niya sa magulang. Nang maubos ni Reece ang iced coffee niya ay nagpaalam na siya sa ‘kin. “Malapit na ang sembreak natin. Saan ka?” tanong niya ng paalis na siya. “Hindi uso ang sembreak sa ‘kin,

