SUNSET Ilang minuto yata kami sa ganoong posisyon at walang ibang maririnig sa loob kundi ang hikbi ko. Maya't maya naman ang hagod niya sa likuran ko na para akong pinapatahan na bata. Nang mahimasmasan ay marahan ko siyang tinulak. Wala akong pamunas sa sipon na gustong tumulo sa ilong ko pero sinisinghot ko lang kaya wala akong ibang nahawakan kundi ang puting damit na suot ni Ryker. Inangat ko ito at mabilis na suminga dito. “Fuck.” Bakas sa boses niya ang pandidiri. Nakasimangot akong tumingala. “Nandidiri ka?” Kaagad nagbago ang reaksyon ng mukha niya ng mag-angat ako ng tingin. Alanganin siyang ngumiti at sunod-sunod na umiling na parang takot na magalit ako. “Of course not!” Hinawakan niya ang kanyang damit at binigay pa sa ‘kin. “Sige, suminga ka pa,” sabi niya kahit hin

