SUNSET Hinarang niya ang katawan sa pagitan namin ng ginang na ngayon ay titig na titig sa kanya. Hindi siguro ito makapaniwala na fiancé ko ang kaharap niya na lingid sa kaalaman ng ginang ay nagpapanggap lang ito. Bahagya akong nilayo ni Bucke. Inalalayan ko naman si Lorrie na umiiyak at pilit na tinatakpan ng buhok ang kanyang mukha. May mga camera na kasing nakatutok sa amin at tiyak akong nakuhanan ng video ang ginawa ng ginang sa kanya kanina. “Not only can I file a physical injury case against you, but also cyber libel for false accusations, old woman,” pagbabanta ni Ryker. Hindi nakaligtas sa mata ko ang paglunok ng ginang. Nabanaag ko ang pagkabahala sa mukha nito, natakot siguro na kakasuhan siya. Tumagos ang mata nito sa likuran ni Ryker at huminto sa amin, partikular s

