RYKER Kinausap ko ang dalawang bantay ni Sunny na ako na ang bahala maghatid kay Lorrie. Hindi naman kaagad nagdalawang-isip na sumama ito sa ‘kin ng sabihin kong ihahatid ko siya sa kanila. Nang nasa loob na ito ng sasakyan ko ay bumalik ako sa dalawang bantay ni Sunny. “Make sure to take care of her. Kapag may nangyaring masama sa kanya, kayo ang babalikan ko,” pagbabanta ko sa dalawa. Wala akong ibang sisisihin kapag may nangyaring masama kay Sunny kundi ang dalawa niyang bantay dahil ang mga ito ang madalas niyang kasama. Tinatahak na namin ang daan patungo sa bahay ni Lorrie. Tahimik lang ito kaya hinayaan ko lang siya. “Napagkamalan lang ako, Max. H-hindi totoo ang narinig mo,” basag niya sa katahimikan. Hindi ko naitago ang nakakalokong ngiti sa labi. Gagawin pa akong tanga

