SUNSET Wala siyang kakurap-kurap habang nakatingin sa ‘kin. Bumuka ang labi niya ngunit nilapat din niya ng tila nag-aalangan siya magbitaw ng salita. “Ilang beses ko ng sinabi sa ‘yo na respetuhin mong may fiancé na ako, ‘di ba? Ano ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?” inis na sabi ko. Akma siyang lalapit sa ‘kin ngunit umatras ako. Sa totoo lang ay parang pinipiga ang puso ko sa mga binibitawan kong salita sa kanya pero kailangan ko itong gawin para matauhan siya sa mga pinaggagawa niya. “You don't understand what's happening, Sunny.” Tinaasan ko siya ng kilay. Ako pa ngayon ang hindi makaintindi ng sitwasyon. Binalingan ko si Reece na tila shocked pa sa kanyang nakita. “I'm sorry, Reece pero uuwi na ako.” Sinulyapan niya si Ryker na nagtagal ng ilang segundo, bago muling

