SUNSET Ilang segundo akong nakakulong sa bisig ni Ryker. Ramdam ko naman ang maya't mayang pagdampi ng halik niya sa ulo ko. Makalipas ang ilang segundo ay pinakawalan na niya ako. Nagpaalam na rin ako na mauuna na ako sa kanyang umalis. “Papasok ka na sa shop?” tanong niya ng alalayan niya akong tumayo. “Oo,” tipid kong sagot. “Bakit masyado kang dedicated sa trabaho mo? May pinag-iipunan ka ba?” puno nang kuryosidad niyang tanong. “Hindi lingid sa kaalaman mo na may sakit ang nanay ko. May utang din akong dapat bayaran.” Kumunot ang noo niya. “Magkano ba ang utang mo?” Tinitigan ko siya. Bakit naman niya tinatanong? “Utang ko ‘yon kaya hindi ko na dapat pang sabihin sa ‘yo,” walang paligoy-ligoy kong sabi. Bumontong-hininga siya at nakapamulsa ng tumayo ng tuwid sa harap

