Chapter 12

2371 Words

SUNSET Nanggigigil na pinagpapadyak ko ang paa ko sa tuwing naiisip ko ang sinabi ni Ryker. Ang weird niya mag-isip. Hindi ako makapaniwala na respeto na pala ang paghalik niya sa labi ko. Hindi ba ay sa noo dapat? “Nakakainis ka na talaga, De Luca. Naloloka na ako sa weird ng pag-iisip mo!” gigil na sambit ko habang walang humpay na pinagsisipa ang mga unan sa kama. Parang dito ko na lang dinaan ang inis ko sa lalaking iyon. Pero kung nandito siya, baka sa kanya tumama ang mga sipa ko. Simula ng umuwi ako ay hindi na maipinta ang mukha ko. Paulit-ulit na bumabalik sa balintataw ko ang ginawa niya at parang nag-e-echo sa tainga ko ang mga sinabi niya. “Kumag ka talaga. Kaya nagdadalawang-isip ako tulungan si Lorrie mapalapit sa ‘yo, e. Wala kasi akong pagpipilian kundi lapitan ka,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD