Chapter 11

2462 Words

SUNSET Hindi ako makapag-concentrate sa binabasa ko dahil malinaw kong naririnig ang pag-uusap ni Lorrie at Ryker. Kasalukuyan na kaming nakaupo at nagsisimula na ako magsulat at magbasa. Pero nahihirapan akong mag-focus dahil walang tigil ang bibig nila sa kasasalita lalo na si Lorrie. Parang nakalimutan nilang nasa loob sila ng library kung mag-usap. At mukhang nag-e-enjoy naman si Ryker na kausap ang kaibigan ko. Napahinto ako sa pagsusulat ng hawakan ni Lorrie ang kamay ko. Kunot ang noo nito ng sulyapan ko. “Sa ‘yo ‘to? Bakit parang ngayon ko pa lang ito nakita?” tukoy niya sa singsing. “A, oo. Ito ‘yong engagement ring ko.” Mula sa kamay ko ay nilipat niya ang tingin sa akin. “Akala ko ba nawawala?” Oo nga pala. Hindi ko pwedeng sabihin na si Ryker ang nagbigay ng singsing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD