SUNSET “Ano'ng hinahanap mo kanina, besty?” tanong ni Lorrie. Patungo kami ngayon sa library. Niyaya ko siya dahil vacant ang sumunod naming minor subject. Mabuti nga ay napilit kong sumama dahil mukhang may balak pa magpaiwan sa classroom ng hindi umalis si Mr. De Luca sa upuan nito. Ano naman ang gagawin niya roon? Titigan lang ang lalaking iyon hanggang sa dumating ang susunod na magkaklase sa amin? Bumuntong-hininga ako. “‘Yong engagement ring ko.” Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang singhap ng kaibigan ko. “Talaga? Binigyan ka na ng engagement ring ni Mr. Trevino?” nanlalaki ang mata na tanong nito. “Oo, pero nawala ko naman,” dismayadong sagot ko. “Nagkita na kayo? Kumusta? Gwapo ba?” sunod-sunod nitong tanong. Mahilig talaga sa gwapo si Lorrie kaya hindi na ako

