SUNSET Nanlalaki ang mata ko habang hindi nakahuma sa pagkakaupo sa kandungan niya. At nang makabawi ay sinubukan kong itulak siya pero hindi siya natinag. Kahit ilang beses ko na rin hinampas ang balikat niya gamit ang bakante kong kamay ay parang hindi man lang siya nasasaktan. Wala rin akong pagkakataon na ilayo ang labi sa kanya dahil mariin ang pagkakahawak niya sa batok ko. Wala yata siyang pakialam na may tao sa paligid namin dahil patuloy ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Ganito ba siya, walang kahiya-hiya sa katawan? Bahagya na rin niyang dinadampi ang dila niya sa labi ko. Sa puntong iyon ay para akong nawala sa sarili ko nang bahagyang umawang ang labi ko. Ibig bang sabihin nito ay nadadala na ako sa halik niya? Hindi pwede! Napansin kong huminto ang labi niya, kalauna

