SUNSET
Akmang pipindot sana ako sa screen ng napahinto ako sa naging sagot nito. Awtomatikong nag-angat kaagad ako ng mukha para sulyapan siya. Hindi ko alam kung seryoso siya ay nagbibiro lang.
“Sir, kape po ang in-o-order dito, hindi po tao,” paglilinaw ko. Halos magdikit ang ngipin ko sa inis ko rito pero pinipilit ko lang ngumiti at pakalmahin ang sarili ko. “Baka pwede n'yo na sabihin ang order n'yo, sir dahil may mga nakapila pa po sa likuran n'yo.”
Lumingon siya sandali at muling tinuon ang atensyon sa akin. “I will pay for their orders.”
Muntik ng malaglag ang panga ko sa sinabi nito. Narinig ko naman ang tuwa ng mga customer na nakapila sa likuran ng marinig ang sinabi niya.
May kayabangan din ang lalaking ito. Sinadya pa talaga niya lakasan ang boses para marinig ng mga tao sa loob ng shop ang sinabi niya.
Tumagos ang tingin ko sa likuran niya at tinandaan ko ang customer na nakapila bago muling binalik ang tingin sa kanya.
“Sigurado ka?” Baka kasi nabibigla lang siya.
Sa halip na sagutin ako ay inabot niya sa akin ang black card. Hindi sapat ang salitang mayaman lang para sa kanya lalo na ng makita ko ang hawak niya.
“Pahiram ng pen, I'll write my PIN number.”
Mula sa card ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Wala ka bang cash?”
“I don't have cash. Card ang ginagamit kong pambayad.”
Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. “Kapag sinulat mo ay malalaman ko ang PIN mo.” Masyadong confidential ang PIN at hindi ito basta ipinagkakatiwala sa ibang tao. Black card pa man din ang gamit niya. Ako ang kinakabahan sa ginagawa niya.
“That's why ikaw ang gusto ko mag-swipe dahil gusto kong malaman mo.”
My lips parted. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa. Masyadong mayabang ang dating sa ‘kin ng pinapakita niya sa harap ko. Ano ba ang purpose ng pagpunta niya dito? Ang yabangan ako o inisin? At paano niya nalaman na dito ako nagtatrabaho?
“Just give me a paper and a pen so I can write the PIN because there are still people in line behind me.”
“Pagbigyan mo na ang boyfriend mo, miss,” sabi ng isang customer na nasa likod ni Mr. De Luca.
Boyfriend? Hindi ko boyfriend ang kumag na ‘yan!
Napabuntong-hininga na lang ako at walang nagawa kundi bigyan siya ng papel at ballpen. Pagkatapos niyang sabihin ang order ay saka niya binigay ang black card kasama ang papel na may nakasulat na PIN.
“Pakihintay na lang po sa table, sir.” Inabot ko sa kanya ang table number.
Kinuha niya ito ngunit para akong nakuryente ng magdantay ang balat naming dalawa kaya kaagad kong binawi ang kamay ko. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang pilyong ngiti sa labi niya. Pasimple ko naman siyang inirapan. Paalis na siya ng muli siyang pumihit paharap sa akin.
“Pwede bang ikaw ang mag-serve ng order ko?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi pwede. Nakatoka ako sa pagkakahera ngayon,” mabilis kong sagot.
“Pero pinagkatiwala ko sa ‘yo ang card ko. Kapag nawala iyan, ikaw ang sisisihin ko,” sabi niya bago ako talikuran.
Nanggigigil na sinundan ko na lang siya ng tingin. Ilang minuto ko pa lang siya nakakaharap pero naubusan na kaagad ako ng pasensya. Gusto ko siyang tirisin ng pinong-pino.
Kahit naiinis ay tinuloy ko ang trabaho ko. Binigay ko na rin ang order niya sa gagawa ng kape bago sunod-sunod na kinuha ang order ng mga nakapila na kasama sa babayaran niya.
Pagkatapos ko ma-punch lahat at mabayaran gamit ang card niya ay pinunit ko ang papel kung saan nakasulat ang PIN bago tinapon. Ilang sandali lang ay tapos na timplahin ang kape niya kaya nakipagpalit muna ako sa kasama ko para ibigay ang order niya.
Nilibot ko ang mata sa loob ng Midnight Café. Natagpuan ko siyang nakaupo sa sulok, may kausap ito sa phone nito. Huminga ako ng malalim bago naglakad palapit sa kanya. Nang nakita niya ako ay tinapos na niya ang pagkikipag-usap at hinintay akong makalapit.
“Here's your order, sir.” Binigay ko sa kanya ang order niya at maging ang black card bago tumuwid ng tayo. “Enjoy your coffee, sir,” nakangiting sabi ko bago siya tinalikuran.
“Stay, Sunny.”
Napahinto ako sa tangkang paghakbang. Hindi ako bingi kaya malinaw ko narinig ang sinabi niya. Pumihit ako paharap sa kanya, humihigop na siya ng kape.
“May trabaho pa ako.”
Nilapag muna niya sa mesa ang tasa bago nag-angat ng mukha para sulyapan ako.
“I know. At kasama ako sa trabaho mo.”
I clenched my fist. Bumaba ang mata niya kaya alam kong nakita niya kung gaano nanggigigil ang kamao ko na suntukin ang pagmumukha niya.
“You want to punch me?” kalmado ang boses na sabi niya bago muling binalik sa akin ang tingin.
“Gusto talaga kitang suntukin!” naghuhumiyaw na sigaw ng bahagi ng utak ko. Gigil na gigil na ako sa kanya.
“Hindi kasama sa trabaho ko ang umupo at tumunganga sa harap mo habang ang mga kasama ko ay nagtatrabaho, Mr. De Luca,” paglilinaw ko.
Binabayaran ako para magtrabaho hindi para mag-babysit ng customer na kagaya niya.
Hindi ko na siya hinayaan magsalita. Tumalikod na ako dahil baka tuluyan ng maubos ang pasensya ko.
“Pinaalam na kita sa manager mo at pumayag s'ya na samahan ako. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ang gusto ng customer mo.”
Ano naman kaya ang sinabi niya sa manager ko at napapayag niya?
Nakakainis!
Padabog akong umupo sa harap niya at masama ang tingin na ipinukol sa kanya. Matatapos yata ang gabi ko na inis na inis sa lalaking ito. Tapos makikita ko pa s'ya bukas sa university.
“Don't look at me as if I did something wrong?” patay-malisya niyang sabi na parang wala nga siyang maling ginawa.
Pagak akong tumawa. Hindi pa ba mali na pumunta siya dito para inisin ako? Kung wala lang siyang kapit sa may-ari ng school ay baka hindi ako nakapagtimpi na bigyan na siya ng bangas sa mukha. At kung hindi ko lang iniisip ang scholarship lalo na at scholar ako ng ama niya ay nunka na sumunod ako sa kanya. Iyon ang alas niya kaya napapasunod niya ako. Sirang-sira na ang gabi ko sa pagdating niya.
“So, ano ang gagawin ko dito? Uupo lang?” inis na tanong ko.
He stared at me for a few seconds. Naasiwa ako kaya nag-iwas kaagad ako ng mata.
“Tell me more about yourself, Sunny. Gusto pa kita makilala ng lubusan.”
Nakataas ang kilay ko ng balingan ko siya. “Ano ‘to, nag-aapply ng trabaho sa ‘yo?” I asked sarcastically.
He took a sip of coffee before crossing his arms in front of me. “Why not? Just imagine that you are applying for a job, and I am interviewing you. You know, you can work at one of the restaurants that my family owns? At least, hindi ka na mahihirapan sa interview dahil na-practice na kita.”
I rolled my eyeballs. Sinandal ko ang likod sa sandalan ng upuan. “Sinabi ko na ng una tayong nagkaharap sa conference room. Working student ako at may sakit ang nanay ko.”
Kumunot ang noo niya. Napuno ng pagtataka ang mukha niya ngunit kalaunan ay napalitan ito ng hindi ko mapangalanang emosyon.
Bumuntong-hininga siya. “Bakit mas pinipili mong sungitan ako kaysa maging mabait sa ‘kin, Sunny?” sa halip ay tanong niya.
Inirapan ko siya sabay tingin sa labas mula sa wall glass ng shop. Hindi ako magsusungit sa kanya ng ganito kung hindi niya ako hinalikan. Wala naman sanang problema kung nagkakausap kaming dalawa, respeto na lang din dahil unang-una ay anak siya ng may-ari ng unibersidad. Pero hindi ko mapigilan magsungit sa harap niya dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng halik sa akin.
“Why? Is it because I kissed you?”
Gulat na pinanlakihan ko siya ng mata ng balingan ko siya. Baka kasi may makarinig sa kanya. Maliban sa pagiging mayabang niya ay wala rin preno ang bunganga niya. Prangka siya kung magsalita sa harap ko.
“Pwede bang pakihinaan ang boses mo?” Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Pero parang wala man lang epekto ang nagbabanta kong tingin.
Muli siyang humigop ng kape habang matamang nakatitig sa ‘kin. Nang nilapag niya ang tasa ay makahulugan siyang ngumiti.
“Don't tell me, kaya ang sungit mo sa ‘kin dahil ako ang unang lalaking humalik sa ‘yo? Tama ba ako, hmm, Sunny?”
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Baka pagtawanan niya ako kapag sinabi kong siya ang first kiss ko, at sa edad kong ito ay ngayon lang ako nahalikan ng lalaki.
“Sometimes, not saying anything is the best answer.”
Kumunot ang noo ko. “Ano'ng ibig mong sabihin?”
Seryoso niya akong tinitigan. “Na ako ang first kiss mo. Right?”
“Hindi ‘no! Hindi ikaw ang first kiss ko,” mariing pagkakaila ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. At may kung anong emosyon akong nakita na hindi ko mapangalanan. Kakaiba ang tingin na pinupukol niya sa ‘kin, tila hindi niya nagustuhan ang pagkakaila ko. Parang pinaparating ng tingin niya na hindi pwedeng may nakauna nang humalik sa ‘kin bago siya.
“Don't lie to me, Sunny. Hindi ka nga marunong humalik tapos sasabihin mong hindi ako ang first kiss mo? Silly, young lady,” iiling-iling na sabi niya habang nasa labi ang mapang-insultong ngiti.
Nagngitngit na naman ako sa inis dahil sa sinabi niya. Pinaupo ba niya ako rito para makatanggap ng pang-iinsulto mula sa kanya? Sana hindi na lang pala ako pumasok kung may katulad niya ang sisira ng buong gabi ko.
“Whatever. Pero hindi ka na makakaulit sa ‘kin. Last na ‘yon!” Bumaba ang mata ko sa kamay ko kung saan nakasuot ang singsing na binigay ni Mr. Trevino. Awtomatiko ko itong tinaas at buong pagmamalaking pinakita ang singsing sa harap niya. “Hinahanap mo ito sa ‘kin, ‘di ba? Binigyan na ako ng singsing ng pakakasalan ko kaya maniwala ka na ngayon na ikakasal na ako.”
“It's fake,” walang pakundangan niyang sabi habang nakatingin sa singsing ko.
Napasinghap ako at nanlaki ang mata ko. “Hoy, hindi fake ‘to.”
Alam kong kasunduan lang ang mayroon kami ni Mr. Trevino at sinabi ko naman sa kanya na bigyan niya ako ng kahit hindi kamahalan na singsing para may maipakita lang ako sa lalaking ito. At sa unang tingin ko pa lang sa singsing na ito ay alam kong mahal ito. At sa yaman ni Mr. Trevino, imposibleng bigyan niya ako ng fake na singsing.
“Kaya kong bumili ng mas maganda pa sa singsing na suot mo, Sunny. Kung iniisip mo na mahal ‘yan, kaya ko rin tapatan ang halaga ng singsing na iyan.” Nagyabang na naman ang kumag na halimaw.
“Hindi ko kailangan ng mahal na singsing, Mr. De Luca. Sadyang mahalaga lang ako sa taong pakakasalan ako kaya binigyan niya ako ng ganito kagandang singsing,” taas ang noo na sabi ko.
Malalim siyang bumuntong-hininga bago inubos na ang kape. Mabuti naman para makaalis na siya dito. Masyado na kasing mahangin sa loob ng shop dahil sa kayabangan niya.
Tinabi niya ang tasa bago pinatong ang dalawang kamay sa mesa. “Give me your hand.”
Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. “Bakit?”
“Titingnan ko kung talagang mahal. Magaling din ako kumilatis kung totoo o fake ang isang alahas.”
Umismid ako. Ayoko sana siyang pagbigyan ngunit kalaunan ay inabot ko ang kamay ko. Buo ang tiwala ko na totoo ang singsing na binigay ni Mr. Trevino.
Hinawakan niya ang daliri ko. Napakislot ako ng maramdaman kong muli ang pagdaloy ng tila bultahe ng kuryente sa katawan ko ng dumantay ang balat niya sa balat ko.
Sinipat niya ang singsing. Titig na titig siya dito na halos magdikit na ang dalawang kilay niya dahil sa pagkakasalubong. Totoo ba talagang magaling siya kumilatis o nagpapanggap lang siya?
“It's beautiful,” mahinang sabi niya.
Unti-unti sumilay ang ngiti sa labi ko. “Yeah.”
“But it would be better if the ring you wear is the one I will give you.”
Napasinghap ako at nanlalaki ang mata ko ng unti-unti niyang tinatanggal ang singsing sa daliri ko.
“Ano'ng ginagawa mo?” maang na tanong ko kahit nakikita ko naman kung ano ang ginagawa niya, habang pilit ko rin binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. “Mr. De Luca, ano ba? Itigil mo ‘yan!”
Tumayo na ako dahil ayaw talaga niya akong bitawan. Pero sa lakas niya ay hindi ko mabawi ang kamay ko. Nakipag-agawan ako sa sarili kong kamay. Malapit na niyang matanggal ang singsing sa daliri ko.
Hinampas ko na siya sa balikat niya pero wala pa ring epekto. Hanggang sa dumapo na ang kamay ko sa malago niyang buhok at wala siyang nagawa ng sabunutan ko siya.
“What the f**k?”
“Bitiwan mo ako dahil kung hindi ay uubusin ko ang buhok mo. Kakalbuhin kitang kumag ka!”
Ngunit hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Hinila niya ang kamay ko sabay hapit sa baywang ko. Nawala ako sa balanse kaya napaupo ako sa kandungan niya. Akma akong tatayo ngunit mabilis niya akong pinigilan. Mariin ang pagkakahawak niya sa baywang ko kaya napangiwi ako.
Bahagya niya akong tiningala. Halos kaunting espasyo na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Amoy na amoy ko ang kape dahil sa buga ng hangin mula sa kanyang bibig. Sa puntong iyon ay para na naman akong na-estatwa sa pagkakaupo ko sa hita niya. At parang nahipnotismo ako sa titig niya dahil nagawa kong makipagtitigan sa kanya.
“Hindi ako nagbibiro ng sinabi kong aagawin kita. Hindi ka pa kasal kaya may laban pa ako. At nang sinabi mong hindi na mauulit ang paghalik ko sa ‘yo, you are definitely wrong, young lady.” Bumaba ang mata niya sa labi ko. Ilang segundo niya itong tinitigan bago muling binalik ang tingin sa akin. "Because since the last time I tasted your lips, there's a part of me that wants to taste it again. I'm eager for your lips, Sunny. And this is the right time to kiss you again.”
Hindi na ako nakahuma ng mabilis niyang kinabig ang batok ko. Sa isang kisap ko lang ng mata ay magkalapat na ang labi naming dalawa.
He kissed me in front of many people for God's sake!