Chapter 5

2307 Words
SUNSET “May bakanteng upuan sa likod, Mr. Servantes. Maupo ka na para makapagsimula na tayo.” Servantes? Gaano kadali para sa kanya magpalit ng apelyido? Hindi ba talaga siya kilala ng professor namin? Muli akong siniko ni Lorrie ng naglakad si Mr. De Luca papunta sa direksyon namin. Bumilis naman ang t***k ng puso ko ng magtagpo ang paningin naming dalawa. Kung paano niya ako tingnan sa conference room ay katulad pa rin ito ngayon, malamig. Kaagad akong nag-iwas ng mata at patay-malisyang tinuon ang atensyon sa notes ko. Saka lang ako nag-angat ng mukha ng matiyak kong dumaan na ito. Hindi ko matiyak kung nakilala niya ako pero sana ay hindi. Mukha namang siya ang tipo ng tao na hindi na pinagkakaabalahan alalahanin ang maliit na taong kagaya ko. Tinuon ko na ang atensyon ko ng magsimula ng magturo ang professor namin. Si Lorrie naman ay napapansin kong maya't maya ang lingon. Hinayaan ko na lang ito sa kanyang ginagawa dahil ganito talaga ito kapag nakakakita ng gwapo sa paningin nito. Aaminin ko, maging ako ay naga-gwapuhan kay Mr. De Luca pero hindi ako ang tipo ng babae na ipapahalata iyon katulad na lamang ng ginagawa ng kaibigan ko. Napapasip ako kung bakit siya nagpanggap na estudyante. At napili pa talaga niya mag-culinary. Seryoso ba talaga siya sa pinasok niya? O baka naman mag-o-observe lang siya kaya nagpanggap siya? At kapag tapos na ang observation niya ay saka siya magpapakilala sa mga kaklase ko. Mabuti na lang pala ay kilala ko na siya, aware ako na may nag-o-observed sa amin. Nahulog ang ballpen ko ng mabitawan ko ito. Gumulong ito sa sahig at napunta sa ilalim ng upuan na nasa unahan ko. Sinubukan ko itong kunin ng paa ko pero lalo lang ito gumulong palayo sa akin. Wala akong choice kundi kalabitin si Andrew, ang lalaking pinakaiiwasan ko sa lahat ng mga kaklase ko. “Excuse me, Andrew.” Nilingon niya ako. “Makikisuyo sana ako. Pwede pakuha ng ballpen ko sa ilalim ng upuan mo? Nasa paanan mo lang.” Sinilip niya ang ilalim ng kanyang upuan. Mayamaya lang ay dinampot na niya ang ballpen ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala ito sa mood gumawa ng ikaiinis ko. Bahagya siyang pumihit paharap sa akin. “Here.” Inabot niya sa akin ang ballpen ko. Nakangiting inabot ko ito pero mabilis din napawi ang ngiti ko ng nilayo niya ito sa akin. “Akin na, Andrew. Magsusulat pa ako.” Ngumisi ito na tila may kalokohang naglalaro sa utak nito. “Kiss muna.” Pinatulis pa niya ang nguso sa harap ko. Kaya iniiwasan ko ang lalaking ito dahil mapang-asar ito. Ginagawa niyang biro ang lahat kahit hindi naman nakakatuwa. Sa totoo lang ay nababastusan ako sa mga biro niya. Hindi lang ako ang may ayaw sa kanya kundi maging ang iba pa naming mga kaklaseng babae. Wala akong panahon patulan ang walang kwenta niyang biro kaya sa halip na mag-aksaya ako ng oras ay hinayaan ko na ang ballpen ko sa kanya. At ang bastos na lalaki ay hindi talaga niya ito binigay sa ‘kin. Mabuti na lang ay may extra akong ballpen kaya hindi ko na ito pinilit kunin sa kanya. Magsisimula na sana akong magsulat ng nagulat ako ng may ballpen na lumipad at dumapo sa ulo ni Andrew. Malakas ang impact kaya napadaing si Andrew habang hawak ang likod ng ulo niya. Maging si Prof. Barrameda ay napalingon sa direksyon namin. Tumayo si Andrew at marahas na pumihit paharap sa likod. “Sino ang bumato sa ‘kin, ha?” malakas nitong tanong. Napalingon na rin ako at ang mga kaklase ko. Sunod-sunod na umiling ang mga kaklase ko na nakaupo sa likuran. Wala sa kanila ang bumato dahil bakas naman sa mukha nila na hindi nila iyon magagawa kay Andrew. Kilalang bully sa klase si Andrew kaya isa sa iniiwasan nila ay ma-bully nito. “Sino?!” “Hindi mo kailangan sumigaw, Mr. Policarpio,” sita ng professor namin dito. Hindi sinasadyang napahinto ang mata ko sa tila hari na prenteng nakaupo sa upuan nito. Abala itong nagsusulat at parang walang pakialam sa paligid nito. “Maupo ka na, Mr. Policarpio.” Padabog na umupo si Andrew. Kaagad na rin ako umayos ng upo ng akmang mag-aangat ng mukha si Mr. De Luca. Muli kong tinuon ang atensyon sa ginagawa ko. Pero ilang sandali lang ay hindi ako nakatiis kaya unti-unti kong pinihit ang ulo ko para lingunin siya. Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin ngunit parang tumigil ang oras ko ng muling magtagpo ang paningin naming dalawa. Ayokong isipin niyang wala akong respeto sa kanya kaya alanganin akong ngumiti at muling tinuon na ang atensyon sa pagsusulat. Pagkatapos ng mga sumunod na klase ay mabilis kong nilagay sa bag ko ang mga gamit ko at kaagad na hinila palabas ng classroom si Lorrie. Nakapagsalita lang ito ng huminto kami sa lugar na paborito naming tambayan. “Ano'ng nangyari sa ‘yo? Hindi ko tuloy alam kung saan pumunta si Max,” humihingal na himutok nito habang palinga-linga sa paligid. Kumunot ang noo ko sa pangalan na binanggit nito. “Sinong Max?” tanong ko. “Oh my God, Sunshine Settie. Kanina ka pa lutang. Si Max, ‘yong bago nating kaklase. Maximus Servantes ang pangalan niya.” My mouth just dropped when she said it. That's probably not his real name, either. “G-ganon ba?” Umupo ako sa ugat ng malaking puno. “Pasensya na, marami lang akong iniisip. May nangyari kasi kahapon kaya parang wala pa ako sa sarili.” Umupo siya sa tabi ko at naghalungkat sa bag niya. Mayamaya lang ay may inabot na siyang sandwich sa akin. Inabutan din niya ako ng juice na nakalagay sa tumbler. Ganito siya parati sa ‘kin, hindi niya ako nakakalimutang idamay sa baon na dala niya. At saka, mas gusto namin kumain dito kaysa sa makipagsiksikan sa canteen. “Ano ba ang nangyari?” Kinuha niya ang tumbler at uminom. Huminga ako ng malalim. “Ikakasal na ako.” Naibuga ni Lorrie ang juice pagkatapos ko iyon sabihin. Sunod-sunod siyang umubo kaya hinagod ko ang likod niya. Natural lang ang naging reaksyon nito dahil kahit sino ay magugulat sa sinabi ko. Alam ni Lorrie na wala akong kasintahan dahil naka-focus lang ako sa pag-aaral at pag-iipon ng pera para maipagamot ang nanay ko. Tapos ngayon ay malalaman niya na ikakasal na ako? “Are you serious?” tanong niya sa gitna ng pag-ubo. Halos lamunin ng pamumula ang kanyang buong mukha dahil sa pagkasamid niya. “Kilala mo ako, Lorrie. Hindi ko ginagawang biro kapag kasal na ang pinag-uusapan.” Sinandal ko ang likod ko sa puno at tumingala. “Ikakasal ako sa lalaking hindi ko pa nakikita,” puno ng panlulumo na sabi ko. “Paano nangyaring ikakasal ka? Kalahating araw lang tayo hindi nagkita ay may nangyari na pala sa ‘yong ganyan?” tanong niya habang pinupunasan ang nabasang pants. Kumagat ako sa sandwich na binigay niya. Nang wala ng laman ang bibig ko ay kinuha ko ang tumbler sa kanya at uminom. “Hindi rin ako makapaniwala. Pero may kapalit ang pagpapakasal ko, besty.” Sa tuwing naiisip ko ang kapalit, napapalitan ng saya ang panlulumo ko. Gagawin ko ang lahat para sa nanay ko kahit ang kapalit nito ang kaligayahan ko. “Ano?” “Ang ipagamot si nanay. Sagot ni Mr. Trevino ang expenses sa ospital.” “Si Mr. Trevino ba ang pakakasalan mo?” “Oo.” Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa braso para humarap din sa kanya. “Wait. Sagot niya ang expenses? Ibig bang sabihin ay mayaman ang pakakasalan mo?” Nagkibit-balikat ako. “Wala akong ideya kung pera niya ang gagamitin. Pero may sarili siyang abogado. At ang abogadong iyon ang humarap sa akin. At saka, malaki ang bahay na tinutuluyan ko ngayon. Kung makakarating ka roon, baka pareho lang ang maging reaksyon nating dalawa kapag nakita mo ang bahay,” paliwanag ko. “Ang ibig mong sabihin ay hindi ka na nakatira sa magulang mo?” muling tanong nito. Umiling ako. “Hindi na. Pagdating ko sa amin ay kaagad akong kinuha para dalhin sa bahay. Hindi na nga ako nakapasok sa Midnight Café dahil sa nangyari.” Tumango-tango si Lorrie at naging tahimik na. Bigla kong naalala si Mr. De Luca, kailangan din malaman ng kaibigan ko na ang bagong kaklase namin ay ang anak ng may-ari ng university. Pero hindi ko na nagawang sabihin ng sumulpot sa harap namin ang grupo ni Andrew. “Hi, girls,” nakangising bungad ni Andrew. Nang-iinis na sumigunda naman ang dalawa pang kasama nito na galing sa ibang department. Hindi namin sila pinansin. Tinulungan kong tumayo si Lorrie at kaagad na tinalikuran ang tatlo. Pero napasinghap ako at nabitawan ko ang tumbler na hawak ko ng haklitin ni Andrew ang braso ko at mabilis na sinandal sa katawan ng puno. Napangiwi naman ako dahil sa naging impact ng likod ko sa puno. Kaagad niyang tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng katawan ko sa puno para hindi ako makawala sa kanya. “Ano bang ginagawa mo, Andrew? Napakabalasubas talaga ng ugali mo!” sabi ni Lorrie habang nagpupumiglas dahil hawak ito ng dalawang lalaking kasama ni Andrew. Kami lang ang narito kaya walang makakakita sa ginagawa ng mga lalaking ito. “Ano ba ang kailangan mo?” Hindi ako nagpatinag sa mga tingin nito. Ipapakita ko sa harap niya na hindi ako katulad ng ibang babae na binu-bully niya. “Tinatanong mo ako kung ano ang kailangan ko? Paano kung sabihin kong ikaw ang kailangan ko, ibibigay mo ba ang gusto ko?” Namungay ang mata niya at dahan-dahan nilapit ang mukha sa akin. Hindi ako nakatiis ay umigkas ang kamay ko at dumapo ang palad ko sa pisngi niya. “Bastos ka talaga!” Tinulak ko siya pero hindi ako nagtagumpay. “Makakarating ito sa taas, Andrew. Isusumbong ko na ang kabastusan na ginagawa mo?” pagbabanta ko. Pero sa halip na mabahala ay tinawanan lang niya ako. Napaigik ako ng mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at nag-iigtingan ang panga na hinarap ako. “Pa-hard to get ka pang babae ka. Akala mo ba ay hindi ko napapansin na iniiwasan mo ako. Sabihin mo nga, pangit ba ako para hindi mo pansinin?” Pagak akong tumawa. “Gusto mo malaman ang sagot ko?” Nagliwanag ang mukha niya bago tumango. “Hindi ka lang pangit, bastos ka pa! At para sabihin ko sa ‘yo, hindi ka kapansin-pansin dahil kulang na lang ay masinghot mo ako sa laki ng butas ng ilong mo, na kulang na lang ay lumabas ang utak mo sa butas!” mapang-uyam kong sabi. Nagtawanan ang dalawang kasama nito na kaagad niyang tinapunan ng masamang tingin. Nakahanap ako ng pagkakataon kaya tinulak ko ito at kaagad na umalis sa pwesto ko. Pero mabilis ang naging kilos niya kaya kaagad na naman niya akong nahawakan sa magkabilang braso ko. He was about to kiss me when a quick fist landed on his face. Napahiga sa damuhan si Andrew. Mabilis naman ang pagdaloy ng dugo sa ilong nito. Binitiwan ng dalawang kasama nitong lalaki ang kaibigan ko at kaagad itong dinaluhan para alalayang tumayo. “Get your filthy hands off her, you ugly scumbag!" a familiar voice rang out. "One wrong move, and I will kick your ass outside this university,” maawtoridad niya pang dugtong. I already have an idea of what he can do if Andrew does something wrong again. Nothing is impossible for him, especially since he is the son of the university owner. Hindi na nakapagsalita si Andrew ng hilahin na siya ng dalawa niyang kasama. Sabihin ng tatlo sila, pero sa laking tao ni Mr. De Luca at kung paano niya mabilis na pinabagsak si Andrew ay hindi uobra ang mga patpatin nilang katawan. Lumapit si Lorrie kay Mr. De Luca. “Thank you, Max. Kung hindi ka dumating ay baka kung ano na ang ginawa nila sa amin.” Halata sa boses ni Lorrie na nagpapa-cute siya sa bagong dating. Pero sa halip na sagutin siya ay bumaling ng tingin sa akin si Mr. De Luca. “Are you hurt?” walang kangiti-ngiti niyang tanong. Kahit kumikirot ang braso ko ay nakangiting tumango na lamang ako. “Okay lang ako, s-sir— Servantes.” Babanggitin ko dapat ang pangalan niya pero binigyan kaagad niya ako ng pasimpleng iling. Ibig sabihin ay ayaw niyang ipaalam ko kahit sa kaibigan ko kung sino siya. Naglakad siya at yumukod para kunin ang tumbler na nahulog bago humakbang palapit sa ‘kin. “S-salamat,” sabi ko ng inabot niya sa akin ang tumbler. Hindi niya ako sinagot, sa halip ay tinitigan lang niya ako ng ilang segundo bago ako tinalikuran. Pero mayamaya lang ay napahinto siya at nakapamulsang naglakad muli palapit sa ‘kin. Naghuramintado ang puso ko ng huminto siya sa harap ko at ako naman itong parang nawala sa katinuan ay tumingala pa para makipagtitigan sa kanya. Parang huminto ng ilang segundo ang puso ko ng bahagya siyang yumukod at dinala ang bibig sa gilid ng tainga ko. Para na naman akong nanigas sa pwesto ko habang mahigpit ang hawak sa tumbler. “Hindi ako tumatanggap ng thank you lang. Meet me at the back of the gymnasium after class. I have an office there. Let's talk about how I will charge you. Hindi ako aalis hanggat hindi ka dumadating, Ms. Rozaldo. Remember, scholar ka ng papa ko. Kaya kapag hindi ka dumating, alam mo na ang mangyayari.” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito. Nakatingin lamang ako sa likod niya habang naglalakad palayo. Hindi ko na nga siya matanaw ay nakatulala pa rin ako. Nakilala niya ako! Natatandaan niya ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD