Chapter 6

2285 Words
SUNSET “Ano'ng sabi niya sa ‘yo? At bakit parang kilala ka na niya?” Bumalik ako sa katinuan dahil sa tanong ni Lorrie. Hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala siya. “H-ha? Ano kasi… isang beses lang kami nagkita. Akala ko ay hindi niya ako matatandaan,” dahilan ko. Totoo naman iyon. Hindi lang ako ang tao sa conference room kundi maging ang ibang scholar na kagaya ko kaya ang buong akala ko ay hindi niya ako makikilala. Tinaasan ako ni Lorrie ng kilay. “Bakit hindi mo sinabing nakita mo na pala siya? Kunwari ka pa na hindi mo siya kilala kanina. Kaya pala iba ang kilos mo ng makita s'ya sa classroom.” Bakas ang pagtatampo sa boses ng kaibigan ko. “Hindi naman kami nag-usap kaya nagulat ako ng makilala niya ako.” Medyo nagi-guilty ako sa pagsisinungaling ko sa kaibigan ko. Pero base sa pinarating sa akin ni Mr. De Luca ay ayaw niyang may nakakaalam kung sino talaga siya. Inirapan ako ni Lorrie at nagsimula ng maglakad. Hinabol ko siya at dinala ang braso ko sa balikat niya para akbayan. “Sorry na kung hindi ko sinabi. Paano ba ako makakabawi sa ‘yo, besty?” panunuyo ko rito. Huminto siya at pilyang ngumiti ng hinarap ako. “Tulungan mo akong mapalapit sa kanya.” My lips parted and hesitated to smile. Hindi naman kami close ni Mr. De Luca para tulungan ko siya mapalapit rito. Isa pa, anak ng may-ari ng university ang lalaking iyon at tiyak akong mataas ang standards ni Mr. De Luca pagdating sa babae. Hindi ko naman sinasabing hindi si Lorrie ang tipo ni Mr. De Luca. In fact, kung sa kagandahan at ganda ng katawan ay may laban ang kaibigan ko. Pero paano kung hindi nga siya ang tipo nito? “Hindi ako mangangako pero susubukan ko. Okay?” Lumawak ang ngiti niya sa labi. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na siyang tampo sa akin. “Huwag mo subukan. Gawin mo, besty,” sabi pa nito at inakbayan na rin ako. Pagbalik namin sa classroom ay wala pa si Andrew pero si Mr. De Luca ay nakaupo na. Kaagad akong umiwas ng tingin ng makita niya ako. Hanggang matapos ang klase ay hindi na pumasok si Andrew. Hindi siguro kinaya ang impact ng tinamo nito mula kay Mr. De Luca. At saka, hindi ito ang unang pagkakataon na lumiban sa klase ang balasubas na iyon. Pakiramdam ko nga ay hindi nito gusto ang kursong kinuha dahil hindi ko nakikita ang dedikasyon nito sa pag-aaral. O baka naman naduwag ng pumasok? Si Mr. De Luca lang pala ang magiging katapat niya. Pero hindi dapat ako makampanti dahil baka balikan niya ako. May saltik pa naman sa utak ang lalaking iyon. “Ihatid na kita, besty para makita ko naman ang tinitirhan mo ngayon,” sabi ni Lorrie habang naglalakad kami sa pasilyo. May sariling sasakyan si Lorrie. At palagi ako nitong hinahatid sa bahay namin kapag tapos na ang klase. May sinasabi rin ito sa buhay kaya nagpapasalamat ako dahil hindi siya matapobre katulad ng iba. “Hindi pa ako uuwi, besty.” Pinag-isipan ko ito ng mabuti habang nasa klase. Hindi na nga ako makapag-concentrate sa lesson dahil iniisip ko ang sinabi ni Mr. De Luca. Ayoko sana pumunta pero para lang makabawi sa pagtulong nito sa ‘kin ay pupuntahan ko siya. Isa pa ay pinaalala niya na scholar ako ng papa niya. Ibig sabihin lang nito ay may kakayahan din siyang tanggalin ako kapag hindi ko siya pinuntahan. Nagagawa nga naman ng may sinasabi sa buhay, may kakayahan kontrolin ang lahat lalo na ang maliit na tao katulad ko. Huminto siya at hinarap ako. “Bakit? May pupuntahan ka ba? Hindi mo ako isasama?” May pagkakataon kasi na kapag may lakad ako ay nagpapasama ako sa kanya. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko siya maaaring isama. “Pupunta ako sa library, besty. ‘Di ba may hindi pa ako natatapos gawin?” palusot ko. Hindi mahilig pumunta si Lorrie sa library kaya ito lang ang naisip kong idahilan sa kanya. “Okay. Uuwi ka ba pagkatapos?” “Pupuntahan ko muna ang magulang ko. Ngayon kasi magsisimula ang check up n'ya.” Tumango-tango ito bago nagpaalam na sa ‘kin. Kunwaring naglakad naman ako sa direksyon papuntang library. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago naglakad patungo sa likod ng gymnasium. Walang sinabi si Mr. De Luca kung saan banda, ang sabi lang niya ay sa likod ng gymnasium kaya hinanap ko ang opisina na tinutukoy niya. Apat na taon na ako sa D'Amico pero ngayon ko lang nalaman na may opisina pala dito. Baka para talaga ito sa mga De Luca sa tuwing dinadalaw nila ang unibersidad. “Saan ba dito banda?” Inis na huminto ako. “Sana man lang ay sinabi niya kung—ay!” Impit akong napatili ng may humila sa akin. Kaagad na lumapat ang likod ko sa pader at narinig ko na lang ang tila pagsara ng pintuan. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Madilim at wala akong maaninag. Hindi ako sigurado kung si Mr. De Luca ang humila sa akin kaya kailangan kong kumpirmahin. “M-Mr. De Luca, k-kayo po ba ang narito?” tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid kahit wala akong nakikita. Napapikit ako ng may mainit na buga ng hangin ang tumama sa mukha ko. Awtomatikong umangat ang dalawamg kamay ko para simulang kapain at hanapin ang switch ng ilaw. Ngunit napahinto ako ng may mahawakan ako. “S-Sir Ryker, kayo po ba ‘yan?” tanong ko. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay hindi pa rin ito sumasagot. Bakit ba ayaw niya magsalita? “Sir—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may narinig akong click at sa isang iglap lang ay kumalat na ang liwanag sa buong paligid. Muli akong nanigas sa kinatatayuan ko ng napagtanto ko na may malaking bulto ang nakatayo sa harapan ko. Hindi lang iyon dahil nakatukod sa pintuan ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ko. Tumingala ako para sulyapan ito. Tila nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako ng magtagpo ang mga mata naming dalawa. “S-sir…” Gusto ko kagalitan ang sarili dahil ngayon lang ako nahihirapan magsalita. “You don't need to call me sir, Ms. Rozaldo. Pwede mo akong tawagin sa pangalan ko kapag tayong dalawa lang ang magkasama,” mahina ngunit may awtoridad niyang sabi. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ibig ba niyang sabihin ay hindi lang ito ang unang beses na magkakasama kaming dalawa? “Alin po sa dalawa? Ryker o Maximus?” paglilinaw ko. Malutong siyang tumawa. Nagtaka naman ako kung bakit siya natawa. Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko? “Kung saan ka mas komportable.” Yumuko ako. “S-sige po.” “And stop saying ‘po’. Hindi pa ako matanda kung iyon ang iniisip mo.” Tumango na lamang ako at sinubukang umalis sa harap niya. Ngunit kahit ano ang gawin ko ay ayaw niya akong pakawalan kaya nag-angat na ako ng mukha para sulyapan siya. “Maupo na tayo. May pag-uusapan pa tayo, ‘di ba?” saad ko dahil mukhang nakalimutan niyang may upuan naman sa silid na kinaroroonan namin. “Ayokong umupo. Mas gusto kong nakatayo,” seryoso nitong saad habang titig na titig sa akin. “Sunshine Settie, right?” Tumango ako bilang tugon. Parang ngayon lang ako nauubusan ng sasabihin. Paano ako makakapagsalita ng maayos kung nakatayo siya sa harap ko at kaunti na lang ang espasyo ng mukha ko sa mukha niya? Nakakahiya kapag nagsalita ako, baka kasi hindi na kanais-nais ang amoy ng hininga ko. Nakakahiya naman sa amoy mint niyang hininga. “Ano'ng tawag ng mga nakakakilala sa ‘yo?” Pati ba naman iyon ay gusto niyang malaman? “Sunset ang tawag sa ‘kin ng magulang ko. Ang iba ay first or second name naman ang tinatawag sa ‘kin.” “Hmm, I see.” Tumango-tango siya. “Ayoko na may kapareho ako ng tawag sa ‘yo. So, if it's okay, can I call you, Sunny? Kumunot ang noo ko. “B-bakit Sunny?” Hindi niya ako sinagot. Walang kakurap-kurap lang niya akong tinitigan. Alam kong may sagot kung bakit iyon ang gusto niyang itawag sa akin at sigurado akong nasa utak na niya iyon, hinihintay ko lang na sabihin niya iyon sa akin. “I told you, ayoko ng may katulad. I want it to be unique.” Wala na akong nagawa kundi tumango. Nag-iwas na rin ako ng tingin sa kanya at tinuon sa ibang direksyon ang mata ko. Medyo hindi ko na matagalan ang mga titig na ipinupukol niya sa ‘kin. Para itong tumatagos sa buong pagkatao ko. “A-ano'ng gusto mong gawin ko para makabawi ako sa itinulong mo?” paalala ko sa sinabi niya kanina. Baka kasi nakalimutan niya kung bakit ako nandito. One of his hands automatically landed on my chin and slowly lifted my face so I couldn't do anything but look at him. “Just stay away from men. Ayokong may dumidikit sa ‘yo na kahit sinong lalaki. Do you understand me, hmm?” walang kangiti-ngiti niyang sabi. My lips parted. Seryoso ba s'ya sa sinabi niya? Kung utusan niya ako ay parang pag-aari niya ako. Tinulungan lang niya ako ng isang beses ay uutusan na niya ako? “Magkalinawan nga tayo, Mr. De Luca. Hindi porke tinulungan mo ako ay magagawa mo na akong manduhan. Para sabihin ko sa ‘yo ay may sarili akong pag-iisip. Hindi ako limang taong gulang na susunod sa gusto mo mangyari. Paano kung sabihin kong ayoko sumunod? Tatanggalin mo ang scholarship ko, gano'n ba?” Naging matapang ako sa harap niya. Hindi ako papayag na kontrolin niya ako. Bumuntong-hininga siya at inalis ang nakatukod na kamay sa pintuan. Dinala niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pants bago tumuwid ng tayo sa harap ko. “So, you mean, gusto mong may lalaking dumidikit sa ‘yo, gano'n ba?” Inalis ko ang pagkakasandal ng likod ko sa pintuan. “Hindi lang babae ang estudyante sa D'Amico. Natural lang na may lalaking dumikit.” Dumilim ang mukha niya. “That's not what I meant.” “Mr. De Luca, kung wala na kayong sasabihin ay aalis na ho ako. Huwag ho ako ang pinaglalaruan ninyo dahil wala ho akong panahon sa kalokohan ninyo,” matapang kong saad dito. Wala na akong pakialam kung anak siya ng may-ari ng unibersidad. Hindi ako natutuwa na naghahanap lang siya ng paglalaruan para may pagtawanan siya. “Aalis na ho ako.” Tinalikuran ko siya at pinihit na ang door knob para lumabas. May awang na ang pintuan ng magulat ako dahil biglang may kamay na tumulak dito dahilan para muli itong magsara. Inis naman akong pumihit paharap para komprontahin ito pero hindi ko na nagawang makapagsalita dahil sa sobrang lapit nito sa akin ng muli nitong tinukod ang kamay sa pintuan. “Tama ka, nagbibiro lang ako.” Pinaglalaruan lang talaga niya ako. Mabuti na lang ay hindi ako kumagat sa sinabi niya. Nahigit ko ang hininga ko ng nilapit pa niya ang sarili sa ‘kin. “Ganito na lang ang gawin mo para makabawi ka sa ‘kin. Habang nandito ako sa school, kung saan ako pupunta ay dapat nakasunod ka. At kung ano ang iutos ko sa ‘yo ay susundin mo. Maliban sa lalaking gustong dumikit sa ‘yo.” “Ano?” nanlalaki ang mata na bulalas ko. Wala ring pinagkaiba na gusto niya akong manduhan. “Hindi mahirap ang pinapagawa ko sa ‘yo, Sunny. You can also help me observe the university.” Tama nga ako, nandito siya para mag-observe. “S-sige,” sang-ayon ko na lamang. “Good. Wala naman sigurong magagalit kung palagi ka nakadikit sa ‘kin, ‘di ba?” Sasabihin ko ba na ikakasal na ako? Kahit napilitan lang ako ay kailangan kong maging tapat kay Mr. Trevino. Ayoko na ako ang maging dahilan para masira ang pangalan niya. “Ikakasal na ako,” mapait kong sabi sabay iwas ng tingin. Napuno ng nakakabinging katahimikan ang silid. Mayamaya lang ay narinig ko ang malutong niyang tawa kaya napatingin ako sa kanya. “Are you kidding me?” tanong niya sa gitna ng pagtawa. “Hindi ko ginagawang biro ang kasal, Mr. De Luca. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala. Pero iyon ang totoo, ikakasal na ako. ” Napahinto siya sa pagtawa. Naging blangko rin ang ekspresyon ng mukha niya. “Call me, Ryker.” Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ang daliri ko. “How can you say you're getting married if you don't have an engagement ring on your finger?” Matalim ang tingin na ipinukol niya sa ‘kin. “Isa sa ayaw ko ay nagsisinungaling sa harap ko. Stop making excuses, young lady.” I bit my lower lip. Paano ko siya mapapaniwala na ikakasal na ako? “H-hindi ako nagsisinungaling. Masyadong confidential kaya hindi ko pwede sabihin ang buong istorya,” paliwanag ko. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag? “I see.” Hindi ako nakahuma ng dalhin niya ang isang kamay sa pisngi ko. “Hindi pa naman pala kayo kasal. So, pwede pa pala kita agawin sa kanya.” Nanigas na naman ako sa kinatatayuan ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Parang tumigil yata ang pintig ng puso ko sa ginawa nito. Saka ko lang naalala na wala pang ibang lalaki ang humalik sa akin. Siya pa lang. Mr. De Luca was my first kiss, for heaven's sake!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD