SUNSET Nakatulog akong muli habang yakap ni Mr. Trevino. Kapag nagigising ako ay katabi ko pa rin siya. Naririnig ko ang mahina niyang hilik, halatang mahimbing na ang tulog niya. Gusto ko samantalahin ang pagkakataon habang tulog siya pero ayoko masira ang tiwala niya sa ‘kin. Isa pa, hindi rin sumusunod ang katawan ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Madilim ang paligid, naiihi pa naman ako. Paano ako pupunta sa banyo kung wala akong makita? Sigurista si Mr. Trevino dahil pati lampshade ay pinatay niya ang ilaw. Kahit nahihilo ay bumangon ako. Napangiwi ako dahil kumirot na naman ang balakang ko. Dahan-dahan akong umalis sa kama. Ngunit napatda ako ng may humawak sa kamay ko. “Where are you going?” namamaos ang boses na tanong niya. “Magbabanyo lang ako.” Bumangon siya. Mula sa

