SUNSET Paggising ko ay hindi pa kaagad ako bumangon dahil natulala pa ako ng ilang segundo. Habang nakatingin sa puting kisame ay binalikan ko ang mga naganap sa pagitan namin ni Mr. Trevino. Parang nakikita ko sa kisame ang nangyari. Kinuha ko ang unan at tinakip sa aking mukha, sabay tumili ng ilang beses. Mabilis na bumalot ang init sa pisngi ko ng bumalik sa balintataw ko ang ginawa niya sa pagitan ng hita ko. Hindi ako makapaniwala na may naganap sa amin na gano'ng bagay. Nang makabawi ay tinanggal ko ang unan sa mukha ko at sumagap ng hangin. Gusto kong kumpirmahin kung totoo ba ‘yon o panaginip lang. Baka kasi nag-hallucinate lang ako dahil masama ang pakiramdam ko. Bumaba ang mata ko. Hinawakan ko ang kumot at sinilip ang ilalim nito. Namilog ang mata ko at napasinghap ako s

