SUNSET Para akong naparalisa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko ng tumambad siya sa harap ko. Naguguluhan ako. Ano'ng ginawa kong mali? Bakit niya ako dinukot? “Ano ‘to? Bakit?” nagugulumihanang tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Wala akong naging kasalanan sa kanya. “Hindi ikaw ang may kasalanan sa ‘kin. Pero dahil ikaw ang dahilan, damay ka,” nakangisi niyang sabi. Naghalakhakan ang mga kasama niya. Mas lalo lang akong naguluhan sa nangyayari. Ano'ng ibig niyang sabihin na ako ang dahilan? “Napakawalanghiya mo—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may tumakip sa ilong ko. Nagpumiglas ako ngunit unti-unti akong nahilo. Nagdidilim ang paningin ko. Kalaunan ay nawalan na ako ng malay. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay pero pagmula

