SUNSET Sandali lang ako nagbabad sa tubig kaya umahon na rin ako. Dinampot ko ang phone ko sa mesa na nasa gilid ng pool at sinilip. Nang makita ang mensahe ni Mr. Trevino ay kaagad ko itong binuksan. Tinatanong lang niya kung tapos na kami. So ibig sabihin ay alam nga niya ang nangyayari sa mansion. At nang sinabi kong ‘wag niya kami panoorin ay sumunod siya. Matagumpay akong ngumiti. Nakakatuwa dahil sinusunod niya ako. At ibig lang sabihin nito ay wala siyang interes sa katawan ni Lorrie. “Mabuti naman kung gano'n,” nakapaskil ang ngiti sa labi na sabi ko. “Hindi ka na maliligo?” tanong ni Lorrie ng umahon ito sa tubig at lumapit sa ‘kin. “Hindi na,” sagot ko habang nakatuon ang atensyon sa phone ko at nag-iisip ng isasagot kay Mr. Trevino. “Why are you smiling? Si Mr. Trevin

