FLASHBACK
"Zarie, ano ba! Hindi ka pa ba babangon diyan? Aba tanghali na hindi ka pa nagluluto kanina pa ako nagugutom." Bulyaw ng kanyang tita Grace habang kinakalampag ang pinto ng kanyang silid.
"Nandyan na po tita magluluto na po." Sagot niya at mabilis na bumangon. Gabi na kase siyang nakauwi kagabi dahil maraming customer sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya. Alas diyes pa naman ang pasok niya sa University kaya may oras pa naman siyang magluto dahil ika pito palang naman ng umaga. Sadyang hindi lang mganda ang trato sa kanya ng kanyang tita Grace kahit pa ito ang nakinabang sa iniwang savings para sa kanya ng kanyang ina.
Isinangag na lamang niya ang natira nilang kanin nang nakaraang gabi at kumuha ng ilang pirasong itlog at tuyo para iprito. Pagkatapos ay ipinagtimpla niya ng kape ang kanyang tiyahin.
"Nakahanda na po ang pagkain ninyo tita." Matapos niya itong tawagin ay dumiretso na siya sa kanilang banyo at naligo. Naisipan niyang maaga nalang umalis ng bahay at tumambay nalang sa library ng kanilang University para narin mag review at gumawa ng ilang mga assignments niya. Matapos niyang gumayak ay kaagad siyang nagpaalam sa kanyang tiyahin at nakahanda na sanang umalis ng magsalita ang kanyang tita Grace.
"Maaga kang umuwi mamaya may pupuntahan tayo.. Sabi nito.
"May trabaho pa po ako mamaya sa coffee shop tita naka leave ang isang kasamahan namin kaya po hindi ako pwedeng mag absent." Sagot niya.
"Wala akong pakialam naintindihan mo? Basta umuwi ka ng maaga kung ayaw mong samain sa akin." Pagkasabi niyon ay padabog itong tumayo sa hapag kainan at nauna nang lumabas ng kanilang bahay. Hindi na rin nito nagawang hugasan manlang ang kinainan nito kaya wala siyang nagawa kundi hugasan narin ang pinagkainan ng kanyang tuta Grace dahil siguradong siya pa rin naman ang maglilinis pag uwi niya mamayang gabi.
Halos isang oras lang din ang itinagal niya sa library dahil magsisimula na rin ang kanilang klase. Nang matapos ang kanyang klase bandang hapon ay nagtungo siya sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho ng oart time.
"Good afternoon Miss Mitch." Masiglang bati niya sa kanilang supervisor.
"Hi Zarie, naku sorry talaga kung pinapasok kita ng maaga ngayon alam mo naman na madaming tao kapag ganitong oras at di pa nakapasok si Aby." Paghingi ng pasensya ng kanilang supervisor.
"Okay lang naman po Miss Aby katatapos lang naman ng exams namin kaya wala masyadong ginagawa. Saka pabor din naman po sa akin at extra income pang budget sa school needs ko." Sagot niya.
"Alam mo bilib na talaga ko sayo, nagagawa mong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag aaral tapos top student ka pa sa Univesity." Papuri nito sa kanya.
"Kailangan po magsumikap eh, wala naman po akong ibang maasahan sa buhay kundi sarili ko lang." Sabi niya.
"Basta kapag may problema ka o kung kailangan mo ng tulong wag ka mahihiyang magsabi sa akin. Oh sya, magbihis ka na at siguradong maya maya langa marami nanaman tayong customer." Sabi nito.
"Sige po Miss Mitch thank you po sa lahat saka sa tiwala." Sabi niya bago tumalikod at dumiretso na sa locker room nila.
Naging magaan naman ang trabaho nila kahit jam packed nanaman ang cofee shop nila sa dami ng mga students na tumatambay doon pagkatapos ng maghapon klase ng mga ito. Magkakasundo rin naman silang magkakatrabaho kaya mas lalong gumagaan ang lahat para sa kanila. Alas diyes na ng gabi ng magsara sila ng coffee shop kaya naman pinauna na siyang umuwi ng mga kasamahan niya dahil kailangan pa niyang pumasok kinabukasan sa University.
Pagdating niya ng bahay ay naabutan niya ang kaniyang tita Grace na naghihintay sa labas ng kanilang bahay.
"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay. Hindi ba sinabihan na kita na maaga kang umuwi?" Galit sa wika nito. "Kung hindi lang mahalaga ang pupuntahan natin ay siguradong malilintikan ka sa akin. Ito isuot mo at bilisan mong magbihis at late na tayo." Wika nito sabay hagis ng isang dress sa kanya na agad naman niyang nasalo at pumasok na sa kanilang bahay para maglinis ng katawan at magbihis. Hindi niya alam kung saan sila pupunta, wala naman siyang magawa kundalini sumunod nalang sa sinabi ng kanyang tita kesa naman saktan muli siya nito.
Matapos niyang gumayak ay kaagad na siyang lumabas ng kanyang silid at tinungo ang maliit na sala ng kanilang bahay kung saan naghihintay sa kanya ang tita Grace niya.
"Bilisan mo baka magalit na yung kausap ko, kanina pa dapat tayo nandoon." Galit na wika ng tata Grace niya saka mabilis na lumabas ng bahay. Kaagad naman siyang sumunod sa kanya at isinarado ng maigi ang pintuan ng kanilang bahay.
Pagdating nila sa isang bar ay naupo muna sila sa isang bakanteng table sa bandang sulok at nag order kanyang Tita Grace ng inumin. Hindi niya ininom ang ibinigay ng tita niya dahil hindi naman siya umiinom ng alcoholic beverages.
"Juice lang yan hindi yan alak kaya inumin mo nalang." Masungit sa sabi ng tita Grace niya.
Ilang sandali pa ang lumipas ay unti unti naman siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Maya maya ay may lumapit ang dalawang lalaki sa kanila.
"Ito na yung kabayaran na hiniling mo. Kami na bahalang maghatid sa kanya kay Mr. Nakamura. Naghihintay na siya sa hotel." Sabi ng isang lalaki.
"Tita san nyo ko dadalhin? Ayoko pong sumama please tita" inaantok na pagmamakaawa niya sa kanya.
"Tumigil ka, iyan nalang ang pakinabang ko sa iyo sa ilang taong oagtira mo sa bahay ko." Galit pang wika niya. "Ilabas na natin ang babaeng yan bago pa may makahalata sa atin." Sabi ng Tita niya sa dalawang lalaki wala siyang magawa ng alalayan siya ng mga ito na makatayo at lumakad palabas ng bar dahil umiikot na talaga ang paningin niya. Kahit nanlalabo na ang paningin niya ay batid niyang dinala nila siya sa isang hotel base na rin sa sinabi ng isa sa mga lalaking kausap ni tita. Hanggang doon lamang ang natatandaan niya sa mga nangyari. Nakatulugan na lamang niya ang pilit na pag alala sa iba pang mga nangyari nung gabing iyon pero wala na talaga siyang maalala.