"Zarie, iha gising na kailangan mo nang kumain para makainom ka ng gamot." Tawag sa kanya ni manang Flor. Napalingon siya sa paligid at napansin niya na madilim na nga sa labas ng bahay.
"Pasensya na po, di ko po namalayan na nakatulog pala ako." Hinging paumanhin niya.
"Ayos lang yon iha, mabuti nga at nakapagpahinga ka para nang sa gano ay madali kang lumakas. Halika na sa baba hinihintay ka ni Sir Zac, sabayan mo na siyang maghapunan." Wika nito.
"Sige po mag aayos lng po ako sandali bago bumaba. Susunod nalang po ako sa kusina." Paalam niya bago pumasok sa c.r. Naglinis muna siy ng katawan at nagbihis. Nang masiguro niyang maayos na siya ay lumabas na siya ng kanyang silid. Sakto naman pagbaba niya ng hagdan ay may naghihintay na sa kaniyang kasambahay.
"Ma'am Zarie ihahatid ko na po kayo sa kusina." Nakangiting bati nito.
"Thank you. Saka please po Zarie nalang itawag nyo sa akin hindi nyo naman po ako amo saka nakikitira lang din po ako dito." Mahabang paliwanag niya.
"Naku, ma'am hindi po maari ang gusto ninyo baka po mapagalitan kami ni sir Zac." Pag tanggi naman nito.
"Tara na po ma'am, hinihintay na po kayo ni Sir." Śabi nito.
Pagdating nila sa dining area ay iginiya siya nito kung saan siya mauupo.
"Kamusta na ang pakiramdam mo iha, nakapagpahinga ka ba ng mabuti?" Tanong nito.
"Opo, sa katunayan nga po ay nakatulog rin po ako. Salamat po pala ulit sa pagpapatuloy nyo sa akin dito sa bahay ninyo."
"Ituring mong na ring bahay mo ito. Sa kantunayan nyan sabik ako sa anak dahil hindi naman kami nagkaanak ng napangasawa ko. Yun namang naging anak ko sa nag-iisang babae naminahal ko ay hindi ko manlang nakasama." Mahabang kento nito.
"Mabuti pa kaumain na muna tayo para makainom ka na ng gamot mo." Sabi pa nito. Ngiti lang ang itinugon niya dito bago nagsimulang kumain. Maya maya ay ipinaglagay siya nito ng ulam sa kanyang pinggan.
"Here, you should eat more para naman mabawi mo ang lakas mo. By the way nag-aaral ka pa ba?" Tanong nito.
"Opo sir, second year college na po ako sa pinapasukan kong University." Sagot niya.
"Really? Ano naman ang course mo iha?" Tanong nito.
"HRM po sir. Gusto ko nga po pala magpaalam na kung maari po ay ipagpapatuloy ko po pag aaral ko. Mayroon naman po akong part time job sa isang coffee kaya po may pang gastos naman po ako sa pag aaral ko kung sakali." Pagpapalam niya sa ginoo.
"I don't think you're still safe to go in your school even in the coffee shop. Lalo na kung alam ng tita mo kung saan ka nag aaral. Mas mabuti kung lilipat ka ng school. Wag kang mag alala ako na ang bahala sa lahat. Aayusin ko ang mga kakailanganin mo. Ipapaasikaso ko sa isa sa mga tauhan ko ang mga documets mo. ." Nakangiting wika nito.
"Maraming salamat po, nakakahiya na po talaga napakarami nyo na pong naitulong sa akin." Nahihiyang wika niya.
"You're welcome, everything for you iha." Sabi niya. Nagpatuloy kami sa pagkain. Papatapos na kaming kunain ng mang ring ang phone ni sir Zac. Kaagad naman siyang nagpaalam para sagutin ang tawag. Pagkatapos kong kumain ay sinimulan ko nang iligpit ang pinagkainan namin ng lumapit si manang Flor at isa pang kasambahay.
"Iha kami na ang bahala diya umakyat ka na sa kwarto mo para magpahinga, di ka pa lubusang magaling." Sabi ni manang Flor.
"Hindi naman po mabigat na gawain ito manang Flor, saka sanay naman po ako sa gawaing bahay. Ginagawa ko din po ito dati kahit pa may sakit ako." Sagot niya.
"Hindi na yun pwede ngayon iha, iba ago na ang magiging buhay mo ngayon kaya masanay ka na." Nakangiting wika nito. Nagtataka man ay pinag walang bahala na lamang niya. Baka likas lang na mabait at matulungin si Sir Zac.
"Sige po manang Flor, aakyat na po ako sa kwarto ko." Pagpapaalam niya bago lumabas sa dinning are at dumiretso na sa kanyang silid.
Pagdating niya sa kanyang kwarto ay kaagad naman siyang kumuha ng pantulog na damit at pumasok sa bathe room para maligo. Mayroon na siyang mga damit doon dahil nabanggit ni manang na pinabilhan siya ni sir Zac ng mga personal na gamit at mga damit sa secretary nito. Pagkatapos niyang maligo at makapagpatuyo ng buhok ay nagtungo siya sa veranda para magpalipas ng oras. Nakainom na rin naman siya ng gamot. Muli nanaman niyang naalala ang mga nangyari sa kanya nung nakaraang mga araw. Naalala niyang may narinig pa siyang ingay bago siya tuluyang nawalan ng malay nung mga oras na dinala siya ng mga lalaki sa hotel na iyon, ngunit dahil sa epekto nga ng drugs na ipinainom sa kanya ay hindi na rin niya naiintindihan ang nangyayari sa paligid niya. Hindi rin niya alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari. Ngunit base sa finding ng doctor bukod sa epekto sa kanya ng drugs ay tuluyan na ngang nawala ang virginity niya. Masakit iyon para sa kanya dahil ipinangako niya sa kanyang sarili na iyon ay ibibigay lamang niya sa lalaking oakakasalan niya. Ngunit ano oa ang magagawa niya kundi tanggapin ang nangyari dahil nangyari na ang lahat at hindi na nya ito maibabalik pa. Inisip nalang niya na maswerte pa rin siya dahil nakaalis siya sa lugar na iyon at natakasan ang matandang Hapon na bumili sa kanya. Nakatagpo rin siya ng mabubuting tao na handa siyang kupkulin at tulungan. Hindi pa rin mawala sa isip nya ang takot na baka isang araw ay magkrus nanaman ang landas nila ng tita Grace niya at saktan nanaman siya nito. Ngunit isa lang ang mahalaga para sa kanya ngayon, kailangan niya muling bumangon at magsikap para sa kanyang sarili. Para sa pangarap nila ng mama nya. Nang makaramdam siya ng antok ay kaagad siyang pumasok sa loob at siniguradong naka lock na maigi ang pintuan sa kanyang veranda bago siya magtungo at mahiga sa kanyang kama.
"Mama, namimiss na kita. Wag kang mag alala mama tutuparin ko pa rin yung mga pangarap natin. I love you mama." Mahinang usal niya bago siya tuluyang makatulog.