Mabilis na lumipas ang mga araw, tuluyan na ring naging maayos ang pakiramdam niya. Kahit pa nakakaramdam pa rin siya ng sakit at sama ng loob sa sinapit niya ay mas pinili niyang maging positibo ang maging oananaw niya sa lahat ng bagay. Kasalukuyan siya nasa garden ng mansyon ng tawaging siya ni manang Flor.
"Zarie iha, pinatatawag ka ni sir Zach. Puntahan mo na lamang siya sa kanyang oipisina." Nakangiting wika nito.
"Sige po manang Flor pupunta na po ako doon. Salamat po." Sagot niya. Umakyat naman siya kaagad sa ikalawang palapag ng bahay at nagtungo sa opisina ni Sir Zac.
Kumatok muna siya ng tatlong beses bago niya buksan ang pinto.
"Pinatatawag mo daw po ako sir Zac." Sabi niya.
"Pumasok ka iha, maupo ka." Utos nito sa kanya at itinuro ang mahabang sofa sa tabi ng single couch na kinauuouan nito. May iniabot itong brown envelop sa kanya.
"I can't wait to tell you everything iha. Nabanggit ko sa iyo na ipapaasikaso ko ang mga requirements mo sa school hindi ba?" Tanong nito sa kanya na ikinatango niya.
"Opo sir, may naging problema po ba?" May halong oag aalalang tanong niya.
"W-wala naman iha. Actually, that day when I saw you in front of the restaurant I have this feeling that we have connection with each other. Kahawig na kahawig mo kase ang babaeng pinakamamahal ko iha. Nung nakita ko ang suot mong kwintas and when You tell me your name mas lalong lumakas ang hinala ko na ikaw yung anak kong matagal ko nang hinahanap." Mahabang paliwanag nito.
"A-ano pong ibig ninyong sabihin sir?" Utal na tanong niya.
"When we get your records in your school I found out that Michelle Castro is your mother." Maluha luhang wika nito.
"I'm sorry anak kung ngayon lang kita nahanap. Sinubukan ko kayong hanapin ilang taon matapos akong ipakasal ng mga magulang ko sa ibang babae pero wla na kayo sa bahay na tinutuluyan ng mommy mo. Wala rin naman kayo sa probinsya kung saan lumaki ang mommy mo." Pagpapatuloy nito. Matagal din na ha parang walang nangyayari sa pagpapahanap ko sa inyo dahil hinaharang ng dati kong asawa ang mga impormasyon tungkol sa inyo." Dagdag pa nito.
"Kung ganon po, paano po kung malaman ng asawa ninyo na nahanap nyo na po ako? Pano po kung ako pa maging dahilan ng pagkakagalit ninyo saka baka po magalit din ang mga anak ninyo." Nag aalalang tanong ni Zarie.
"You have nithing to worry anak, my wife passed away when we got into a car accident six years ago. And technically hindi kami nagkaanak. Dahil nalaman kong anak niya sa ibang lalaki ang ipinaako niyang anak namin. But don't worry Samuel knows that he has a sister. You're only months older than me than him. Right now he is leaving with his biological father." Sabi niya.
Nananatili lamang akong nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Zarie my princes, can you call me dad or papa from now on?" Nag aalinlangang wika ng kanyang ama.
"Sige po p-papa. Hmm... Papa p-wede ko po ba kayong mayakap? Matagal ko na po kaseng oinapangarap na makilala at makasama kayo." Nahihiyang sabi niya.
"Off Course anak, come here give you papa a hug." Sabi ng oapa niya. Kaagad naman siyang lumapit dito at lumuluhang yumakap sa kanyang ama.
"Oh, God. I've been dreaming of this for a long time. Now that I finally found you i promise to give you everything I can para mapunan ko lahat nag pagkukulang ko sa iyo anak." Madamdaming wika nito.
"Nagpapasalamat din po ako papa dahil nakilala ko na rin po kayo sa wakas." Sagot niya. Marahang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya na kanyang ama at pinanaupo siyang muli sa sofa malapit dito.
"One more thing anak, nais ko sanang isama ka sa Paris para doon ka magtapos ng pag aaral. Hanggang ngayon kase ay hindi pa nahahanap ang tiyahin mo at natatakot akong balikan ka niya. Alam kong kaya kitang protektahan at bigyan ng body guard pero hindi pa rin tayo nakakasiguro ang kaligtasan mo dahil maging ang hapon na bumili sa iyo ay hindi pa rin nahuhuli." Nag aalang wika nito.
"Kung ano po ang sa tingin nyo na mas mabuti papa susundin ko po. Basta po magkakasama na tayo palagi." Sabi niya.
"Thank you anak. Ipapaayos ko sa abogado ko ang mga documets na kakailanganin mo para makaalis tayo kaagad ng bansa. At magmula ngayon ikaw na si Zarina Mikaella Castro Leviste. For now you need to stay at home habang inaayos pa ang mga papeles natin papuntang Paris." Sabi ng kanyang ama.
"Okay po papa." Tumabi sa kanyang inuupuang sofa ang kanyang ama at muli siyang niyakap nito.
"Thank God, makakasama na kita anak. Sayang lang at wala na ang mama mo." Malungkot na wika ng kanyang ama.
"Sigurado po ako na masaya na si mama ngayon papa. Palagi nya pong sinasabi sa akin noon na mas pinili mo na iwanan kami para lang maprotektahan mo kami ni mama sa masamang banta sa amin ng mga magulang mo noon. At thankful pa din po ako dahil nararamdaman ko po na mahal na mahal nyo kami ni mama nabanggit din po sa akin ni manang Flor kung gaano ninyo kamahal si mama noong magkasama pa kayo at kahit pa iniwan mo kami ay hindi nawala ang pagmamahal mo sa amin." Sabi ko.
"Flor is right my princes. I never stop loving you and your mama. I want to visit your mama's grave before we leave. Can we do that anak?" Sabi ng kanyang ama.
"Sige po papa, matagal ko na rin pong hindi nabisita si mama dahil naging busy po ako sa trabaho at sa pag aaral ko." Paliwanag ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Gaya nga ng napag usapan namin ni papa, binisita muna namin si mama bago kami umalis ng bansa. Mabilis lang na naayos ang mga documents ko dahil maimpluwensyang tao rin si papa. Nang dumalaw kami ni mama ay marami ring security staff kaming kasama para daw sa kaligtasan ko. Kahit hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon ay hindi nalang din ako nagreklamo dahil hanggang ngayon ay may takot pa rin ako dahil sa mga ginawa sa akin ng tita ko.
Ilang araw matapos naming dalawin si mama ay nagtungo na kami ni papa sa Paris. Hindi ko alam kung gaano katagal kami maninirahan doon pero alam kong magiging masaya ako doon dahil kasama ko na si papa.