Sinister

2129 Words
Sikel Villavicencio South Forbes Park, Mc Kinley Road. Sino ba ang mag-aakala na ang mga nakatira rito ay ang mga tanyag na mga personalidad? Kung hindi ka magsasaliksik, iisipin mong normal na subdivision lamang ito dahil sa hindi mataas na gate. Kung tutuusin, ang sinumang may masamang intensyon na desididong pasukin ang lugar na ito ay kayang-kaya niya, ngunit ang magiging problema ay kung papaano sila makalalabas dahil hindi impossible na sa yaman ng mga taong nasa loob ay may mga armas sila. Napaiikutan ng mga puno ang paligid, nakaaagaw ng pansin ang mga Narra na lampas sampung talampakan ang taas. Ilang taon na kaya iyong nakatayo roon? Hindi ko gustong isipin na darating ang pagkakataon na puputulin ito. Walang nagtatagal miski ang isang ancient na bahay, dahil ayon sa Eminent Domain, may karapatan ang gobyerno na kunin ang pribadong ari-arian para sa pampublikong gamit, ngunit hindi maipagkakaila na may pagkakataon na hindi nagagamit sa tama ang batas na ito lalo pa pagdating sa pagpuputol ng puno na kung tutuusin, ang iba sa kanila ay mas matanda pa sa atin at hinubog ng nagdaang mga bagyo sa kasaysayan, naging saksi sa pagmamahalan ng mga magsing-irog na hindi na nabubuhay ngayon. Kung minsan, mapapaisip ka at ititimbang sa sarili ang mga desisyon. Worth it ba ang dahilan ng pagwasak? Maging ang mga puno ng niyog ay matikas na nakatayo, ni hindi mo makitaan iyon ng mga tuyong dahon na siyang patunay na alaga ito. May mga ibang halaman din na hindi pamilyar sa akin na siyang nakatanim sa loob at labas. Kapansin-pansin din ang maliit na watawat ng bansa na nakalagay sa gilid, may ilang naka-motorista ang dumaraan at napapatingin sila sa lugar. Hindi na iyon nakagugulat sapagkat nakatira rito ang ilan sa pulitiko at tunay na kinakain ng kuryusidad ang bawat tao kung ano ba ang mga nasa loob na iyon, kahit na merong mga litrato sa internet, hindi pa rin matatawaran ang makita ang mga ito sa personal. Meron silang kulay kayumangging gate, nababalutan din iyon ng dilaw at puti. At kahit nakabukas iyon at inaanyayahan kang pumasok, sa gitna ng kalsada sa loob ng parke ay merong mga nakaharang, mga simbolo na pamilyar sa akin ngunit hindi ko alam ang ibig sabihin. Mula sa hindi kalayuam, nakita ko ang papalapit na guwardya, may kausap ito sa kaniyang radyo habang hindi tinatanggal ang tingin sa direksyon ko. Huminga ako nang malalim, pinagmasdan ko ang aking mga paa na hindi nagawang humakbang mula pa kanina bago nagsimulang maglakad. "Anong kailangan?" tanong niya ng lalaking guyardya, may halong panghuhusga sa tono. Marahil ay ganito na talaga ang mga ito, o sinanay sila na umakto sa gano'ng paraan upang maging katakot-takot sa mga mula sa labas. "Kanina ka pa nakikita sa surveillance camera, siguradong hindi ka naliligaw." Muli akong tiningnan ng guwardya. Malaki ang pangangatawan nito, mistulang isang bouncer sa bar. Hawak niya sa kanang kamay ang radyo, samantalang ang kaliwa ay nasa kaniyang bulsa, hinahanda ang sariling kunin ang baril anomang oras. "Ano?" Hinawakan ko ang aking bag, umatras siya, at itinutok ang baril sa akin. Hindi ko inaasahan iyon, itinaas ko ang aking kamay. "Wala akong baril, kukunin ko lang ang identification cards ko. Maniwala ka." Pinatanggal niya ang bag na nakasukbit sa akin, ipinalapag sa semento saka niya sinipa iyon nang mahina para matanggal ang mga laman. Nakuha namin ang atensyon ng mga tao, inialis ko ang tingin sa kanila saka tiningnan ang guwardya, ibinaba nito ang kaniyang baril. Nakahinga naman ako nang maluwag nang senyasan ako nito na maaari ko nang kunin ang mga iyon, tinulungan ako nito. "Villavicencio?" wika niya habang hawak ang aking ID at binabasa ang mga nakalagay doon. "Kaano-ano mo ang senator na nandito? Anong pakay mo rito?" "May kailangan lang ako sa kaniya; sensitibong bagay," mukhang nakuha niya ang aking nais iparating. Hindi ako maaaring basta-basta na lamang magbibigay ng impormasyon sa kahit na sino maliban sa taong pakay ko rito. Kinuha ng guwardya ang kaniyang radyo, may kinausap mula roon. "Wala ba siya siya r'yan? Eh asawa niya? Sige." Muli niyang ibinaba ang tawag. Tumingin ito sa akin, "Kailangan kong makasigurado na kilala ka nila o 'di kaya may hinihintay silang bisita. Kaano-ano ka ng pamilya nila?" Muling may tumawag sa kaniya, mula roon, sinasabi na wala raw silang kilalang katulad ko at wala silang inaasahang bisita. Pinapasabi rin nito na huwag akong papapasukin dahil maaari akong magdulot ng hindi maganda. Hindi ko mapigilang mapaismid, at mapailing. Ano pa nga ba ang inaasahan ko sa mga tulad nila? Bakit ko nga ba iniisip na tanggap nila ako? Dahil sa mga ibinigay na magarang buhay? Pero hindi ko rin naman kailangan ng kanilang pagsang-ayon sa ganitong usapin. "Pumunta ka pa talaga sa rekto para lang dito," pang-iinsulto ng guwardya saka hinila ako papalayo. Hindi ko alam ang gagawin, dapat sigurong magpumilit akong pumasok? Masasayang lang ang lahat kung hindi ko makukuha ang ipinunta ko rito. "Wait!" Dumako ang aming atensyon sa likuran. May isang lalaki roon na humahabol sa amin, naka-leather jacket ito, paatas ang estilo ng buhok, may kaputian, at matangkad. "Wait!" Tumigil ito sa harapan namin nang hingal na hingal. May hawak pa itong susi, mukhang kagagaling lamang niya sa kung saan. Napahawak pa ito sa tuhod bago ako hinila, hindi naman ako binitawan ng guwardya. Sumalubong ang kilay ng lalaki, tumingin ito sa paligid at nakitang may mga taong nasa sasakyan na kumukuha sa kaniya ng litrato. Napamura pa ito bago tumingin sa guwardya. "Hindi po p'wede, sir. Kabilinbilinan ng magulang ninyo na hindi ko siya puwedeng papasukin." "Let go of her," tumingin ito sa akin "She's harmless." Dumiin ang hawak sa akin ng guwardya. Napangiwi ako sa ginawa niyang iyon. "Masisisante ako kapag hindi ko sinunod ang gusto ng magulang ninyo." Tumingin siya sa guwardya, pilyo siyang ngumiti rito. "Oh, I beg to disagree. You don't want to mess with my father, don't you? Just ignore my mom, I can take care of her." Huminga nang malalim ang guwardya. Matigas pa rin ang loob nito. "Mawalang galang na sir, pero hindi po kayo ang masusunod. Ang mga magulang niyo ang susundin ko at ang patakaran dito ay mga kakilala at pamilya niyo lang ang pupwedeng pumasok." "Then why not let this woman come in?" "Huh?" "She's my sister, dumbass." Hindi na naka-buwelo pa ang guwardya nang hilahin ako ng lalaki. Mabilis kaming naglakad at halos madapa ako sa ginagawa niya, nang makalayo ay binitawan niya ako, at naging mahinahon ang aming paglalakad. Muli kong itinuon ang tingin sa paligid, hindi halos makapasok ang sikat ng araw dahil sa naglalakihang puno sa magkabilang bahagi ng daan na lumilikha ng arko, ang bawat bahay ay may gate at nakatanim na halaman sa harapan nila. May mga nakasalubong kaming sasakyan, akala ko noong una ay didiretso ito, pero nang malamanpasan kami maya-maya ay bumalik. "You look wasted, dude!" sigaw ng isang banyaga. Hindi malkinaw sa akin kung bakit kasama ito ng mga sikat, marahil ay magkakaibigan ito sa labas ng showbiz. Hindi naman kasi lahat ng nakikita sa telebisyon ay totoo. Pinagmasdan ko ang katabi ko, oo, puno nga ng pawis ang mukha buong katawan nito at namumula. Halatang tumakbo nang malayo para lamang mapigilan niya ang nangyari kanina. Pinagmasdan ko ang pulang kotse, madilim ang bintana na iyon, pero nakasisigurado ako na ang mga taong nasa loob ay nakatingin din sa aming direskyon. Tumingin ako sa nagmamaneho, dumapo ang tingin nito sa akin at ngumiti ito nang nakaloloko. "Got some new, eh?" "I'm kind of tired, dude. You know that she's not," Tumawa ang kausap ng katabi ko, kapagkuwa ay pinasadasaan ako ng tingin. "Yeah, right. We all know, really." Nakarinig ako ng asaran sa loob ng kotse. Pinanliitan naman sila ng mata ng lalaki, sumandal ito sa puno at humalukipkip. "Hold your tongue, she's my sister." Napabuka ng bibig ang binata. Unti-unti ring bumaba ang isang bintana at doon ay nakita ko ang isang babae at lalaki, kinikilatis ako ng mga ito. Hindi ko sila nilingon, ipinanatili ko ang aking ekspresyon. "Aren't you coming with us at BGC?" "Nah," pinaglaruan nito ang susi bago ilagay sa pantalon niya. "I have changed my mind, but I might catch you guys up." Nagpakawala ng malalim na hininga ang lalaki nang makaalis ang mga kaibigan niya. Tumingin ito sa akin at humingi ng tawad sa inasal ng mga ito, tumango na lamang ako bago muling naglakad. Kumanan kami sa isang direskyon, salungat sa direksyon ng isang puting bahay. Sa katunayan, hindi lang bahay niya ang puti kundi miski ang gate. Napansin iyon ng lalaki, "That's the president's house." Napansin niyang may kung anong kumislap sa aking mga mata. "No, not the president of this republic, but the association here at Forbes Park." Tumango ako sa kaniyang sinabi. Nang lumingon naman ako sa isang bahay, muli nitong ibinuka ang kaniyang bibig, at sinabi kung sino ang nagmamay-ari ng bahay na iyon. At nang huminto kami sa isang malaking bahay, tinawag ako nito. "Meanwhile that's the house of the CEO. He's barely there." "Forbes Park was established by Ayala Corporation in 1940. Damn, imagine that? Couldn't agree more by just the look of this somewhat ancient and modern, yet a sassy place. Do you know much will it cost you just to buy a piece of land here?" "Millions." Wala sa sariling naging usal ko, walang duda na milyon ang halaga ng bawat ari-arian ang nandito. Bukod pa roon, hindi lang naman iyon ang nagpamahal kundi ang pinaigting na seguridad ng mga nananatili rito. "Finally!" Umangat ang aking balikat sa gulat sa naging reaksyon niya. Tumingin ito sa akin at ngumiti. "You can talk to me, you know. I have never seen you for a long time. How are you?" Tipid na binigyan ko siya ng ngiti. Mumunting paslit lang siya noon na gustong-gusto na nakukuha ang lahat ng bagay at dahil ayaw ko ng gano'ng ugali, napagsabihan ko siya. Buong akala ko ay galit ito sa akin, kaya nakapagtataka na kinakausap ako nito ngayon. "Maraming nagbago, binigyan kami ng bahay. Magiging guro na rin ako." "Really?" Sumingkit ang mga mata nito, sinabayan ng paglabas ng nakasisilaw ang mapuputing ngipin. "Then what are you going to teach to them, huh?" Nang sabihin ko ay English, mas lalo siyang tumawa. "I can imagine you shouting at them like you did to me in the past. Remember that?" "Kayo...kumusta?" "Well, my sister just turned 18 yesterday, and she invited her tons of friends to our place. Mom has been busy too since she's running a business, while dad..." Sandali itong tumigil bago kumibit-balikat. "...politics." "Ikaw? Kumusta ka?" "Wow, I have really miss being asked by that questions." May halong pait na sabi nito. Kumibit-balikat lang lalaki saka nagpatuloy sa paglalakad. Huminto kami sa paglalakad nang makarating sa aking bahay. Binuksan iyon ng lalaki, hindi ko maiwasang mamangha sa paligid, kulay puti ang pintura nito, may dalawang palapag at ang bawat anggulo ay merong anim na malalaking bintana, sa pinakagitna ay merong sementadong hagdan na napaliligiran ng mga halaman. Mistulang palasyo ang estruktura, hindi matatawaran sa pagiging elegante ang bawat disenyo, at mula sa kinatatayuan ko, nakikita kung gaano ka-pulido ang bawat detalyado na sensitibong ginawa. Sa pinaka-gitna ay merong isang fountain, at sa hindi kalayuan ay malaking kidney-shaped swimming pool na nakahati ito sa dalawang kulay; isang dark blue at mint green na sadyang nakaka-engganyong languyan. Hindi ko mawari kung at bakit sa papaanong paraan ito. Meron ding maliit na diving board doon na may dalawang palapag, at ang mga iyon ay pinaliligiran ng mga bermuda grass, upuan at higaan, merong mga naglilinis doon at mukhang may katatapos lang na kasiyahan. Kapansin-pansin din ang trampoline na hindi ordinaryo ang laki, mukhang customized ang pagkakagawa niyon. "Things in here have changed since you have left," Itinuro nito ang tititingnan ko. "She got in gymnatics, really doing a good job." Tukoy nito sa kaniyang kapatid. Tumingin pa ito sa isang bahagi ng bahay na sa palagay mo ay naroroon ang kuwarto nito, ngumiti ang binata at kitang-kita roon na ipinagmamalaki niya ang tinutukoy. "Wait, you do competitive swimming, right? That is nice. Sports really runs in our blood. I doubt if you can beat me." Mababakas ang panghahamon sa kaniyang tono. Nakaangat ang labi nito at hinihintay ang sunod kong sasabihin. Pero hindi iyon ang aking ipinunta rito, gustuhin ko mang makasama siya at magkaroon ng oras sa isa at isa, hindi pupwede. Alam kong masisira lang muli ang balanse ng lahat, sa pagtapak ko pa lamang sa lugar na ito, alam kong hindi na ito mapapalagpas ng kaniyang ina. Hindi ako sumagot, iniwas ko ang akin tingin. Batid niya kung ano ang ibig sabihin niyon, bumagsak ang kaniyang balikat pero nakuha niyang ibalik sa wisyo ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD