“GUSTO mong sumama?” pagbubukas ni Cedrick ng usapan habang nanananghalian sila sa isang fastfood chain.
“Sa’n ka na naman pupunta?” takang tanong niya dahil matapos ng dalawang linggo magmula noong nagbuno sila ni Roy, ngayon na lang ulit ito nagpakita sa kanya.
“May business trip ako sa Davao bukas. Gusto mo ba sumama? One week lang naman. Para makapag-unwind ka na rin.”
Umiling siya. “Walang maiiwan sa bahay, Ced. Kaka-resign ko nga lang, ‘di ba?”
“Kaya nga magtrabaho ka na kasi sa akin.”
Muli siyang umiling. “Hinding-hindi mangyayari ‘yan, ako na ang nagsasabi sa ‘yo.”
“Bakit ba kasi ayaw mo?” alburoto nito.
“Ako pa talaga ang tinatanong mo?” Ngumisi siya habang sinasawsaw ang fries sa sundae.
“Matalino ka naman, ah. Organized. Mabilis kumilos.”
“Hindi, Ced. Ayoko. Baka lalong wala akong magawa na trabaho kung ikaw ang boss ko.”
Tumaas ang kilay ng lalaki. Ngayon lang nito na-gets ang ibig sabihin ni Sylvie.
“Grabe, gano’n ba ako kamanyak sa paningin mo?” may halong pagtatampong tanong nito.
“Aba, ‘di mo sure. Bahala ka. Basta ayoko. Kaya ko pa naman maghanap ng ibang trabaho.”
“Ano na lang gusto mong pasalubong?”
“Bahala ka nga. Basta umuwi ka lang ng safe, okay na ‘yon,” wala sa loob niyang sabi habang nag-scroll sa cellphone nito.
Sumilay ang dimples sa magkabilang pinsgi ng lalaki. “Na-i-in love ka na sa akin, ‘no?”
“Kilabutan ka nga, Ced! Diyos ko. Ano bang nakain mo at ganyan ka mag-isip?”
“You want me to be home safe—”
“Oo, dahil may utang ka pa sa akin. Tandaan mong ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-resign nang wala pang nahahanap na mapapasukan, ah. Dumi talaga ng utak mo. Ipalinis mo ‘yan sa Davao.”
“Sus. Okay lang naman ma-miss mo ako, Syl. Gusto mo bang tawagan kita at i-update sa happenings ko ro’n?”
Nalukot ang mukha ng babae.
“Tumigil ka nga. ‘Di mo ako girlfriend para gawin mo ‘yan,” aniya habang unti-unti na namang lumalakas ang kaba niya sa dibdib.
Iyong mga ganitong usapan nila ni Cedrick ang kahinaan niya. Muntik na siyang bumigay noon sa mga pa-sweet nothings nito ngunit bahagya lang siyang nasaktan sa setup nila kaya hinding-hindi na siya uulit ngayon.
“Fine. Napakasungit mo naman.”
“Kung anu-ano kasing sinasabi mo r’yan. Ba’t nga pala nagyaya ka kumain sa labas? May kasalanan ka ba sa akin?” pag-iiba niya ng usapan.
“Wala naman. Eh, ‘yong sa Davao nga. Akala ko naman papayag ka.”
“Walang kasama si Papa ng ganoon katagal. Alam mo naman ganap sa bahay, eh.”
Tumango-tango ang lalaki habang nilalaro ang yelo sa coke float.
“Yeah. Don’t worry, mag-se-set ako ng bakasyon natin with your fam after ng mga events sa company para naman makapag-unwind kayo.”
Napangiti siya. Matagal niya nang plano iyon sa pamilya kaso palaging nagkakaroon ng aberya sa budget kaya hindi matuloy-tuloy.
“Hay naku. Isang buong araw lang na wala si Ate Minerva sa bahay, para na kaming nag-relax ni Papa. Pakiramdam namin nasa simbahan kami kasi tahimik na,” natatawang tugon niya pa.
“Pero kung isasama ko sina Tito, sasama ka ba?”
“Ced, huwag ka nang makulit. Business trip ‘yang pupuntahan mo, ‘di naman bakasyon. Some other time. Promise, hindi ako tatanggi. Huwag muna ngayon.”
“Sure ka ha?”
“Oo na. Ayoko nang makulit.”
“Bilhan natin sila ng pasalubong.” Akma sanang tatayo ang lalaki nang hawakan niya ito sa braso.
“T-teka...”
“Bakit?”
“T-tama na ‘yan, Ced. Mamamalengke ako mamaya panghapunan namin. Huwag mo na sila bilhan.”
“Sigurado ka?”
Napakamot-ulo siya sa kulit nito.
“Oo nga.”
Palihim niyang pinagmasdan ang lalaking kumakain ng burger habang nakaharap din sa cellphone.
“Parang gusto ko sa inyo maghapunan.”
Umirap siya sa hangin kasabay ang pagbaba ng mga balikat.
“Oh, God, Ced! Hindi ba pwedeng magka-me time naman ako? Ilang araw na tayong magkasama. Baka pati sa pagtulog, tumabi ka pa.”
“Iyon sana balak ko, eh. Doon ako makikitulog.”
Iniiwasan niyang mainis ngunit nakakayamot talaga ang mukha ng lalaking nagpapa-cute sa harapan niya ngayon.
“Dalawa ang condo mo, isang apartment, may villa ka pa, ‘di ba pwedeng do’n ka na lang mamili ng tutulugan mo ngayong gabi?”
“Bakit ba ayaw mong doon ako matulog? ‘Di naman kita gagapangin, ah!” anas nito at saka tumingin sa paligid.
Hindi ka sure.
Napahilot siya ng noo patungo sa sintido.
“Ang sarap mong paliguan ng holy water sa totoo lang.”
“Kung ayaw mo, kay Tito ako magpapaalam. Gusto ko lang talaga matulog sa inyo ngayong gabi.”
“Bakit nga?” nakukulitang tanong niya.
“Wala kasi sina Mama. Nag-out of the country sila. Dapat sa mansyon ako matutulog kaso, nakakabingi ang ingay doon. Tapos, ako lang mag-isa—”
“Kasama mo naman mga kasambahay do’n, ah.”
“Ba’t ba ayaw mong pumayag?”
“Ano bang pakialam mo? Eh ayoko dahil hindi ako nakapaglinis ng bahay.”
“Ako na lang maglilinis.”
Sinamaan niya ito ng tingin.
“Sige na, Syl. Padespedida mo na lang ‘to sa akin.”
“Padespdida ka r’yan. Isang linggo ka lang do’n, may paganyan ka pang nalalaman,” pagsusungit niya.
“Ito naman. Bakit, ‘di mo ba ako mami-miss?”
“At bakit kita mami-miss?” Tumaas ang isang kilay niya.
“Grabe ka talaga, Syl. Bato na ba ‘yang puso mo after no’ng breakup n’yo ni Roy? Ang hirap mo nang lambingin, ah.”
Alam niyang unintentional ang huling salitang binitiwan nito pero para sa kanya, iba iyon. As in, iba.
“Fine. Oo na. Walang aarte-arte, ha!”
“Yes, Ma’am. Thank you, Syl!”