MABIGAT ang nasa bandang puson ni Sylvie kaya naimulat niya ang kanyang mga mata. Halos mapapikit siya nang maramdaman niya ang hininga ni Cedrick na nasa bandang leeg niya. Doon niya lang napansin na nakayakap lang lalaki sa kanyang baywang at mahimbing na natutulog.
Hindi nila alam kung ilang oras silang nagpapawis sa kwarto nito at mukhang napagod talaga ang lalaki. Aaminin niyang nanabik siya…at na-miss niya talaga si Cedrick.
Maingat niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya at nagtungo ng banyo upang maligo saglit.
“Gusto kong matikman ‘yong spaghetti na ikaw ang nagluto.”
Napangiti siya. Minsan na lang mag-request ang lalaki bakit hindi pa niya pagbigyan.
Nagtungo siya sa kusina matapos maligo at pinagpatuloy ang naudlot na pagluluto ng lalaki. Mabilis siyang kumilos upang paggising nito ay kakain na lang sila.
“Why didn't you wake me up?”
Halos mapaigtad siya nang marinig ang boses ng lalaki na kalalabas lang ng kwarto. Bagong ligo rin ito at nakasuot ng pambahay.
“Ang sarap ng tulog mo tapos gigisingin kita?” Ngumisi siya habang inihahain ang pasta kasabay ang sauce nito.
“I should be the one doing that.”
Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya sa counter kaya naman kinuha niya na ang dalawang pinggan at nagtungo sa dining area.
“Okay lang, ano ka ba? Sabi mo, gusto mong makatikim ng spaghetti na ako ang nagluto.”
Muli siyang umalis sa mesa at kumuha ng dalawang tinidor. Naupo naman si Cedrick doon at hinintay siya.
“Are you mad at me?”
Nalukot ang mukha ni Sylvie nang umupo sa tabi niya.
“Bakit ako magagalit sa ‘yo?”
“Kasi hindi ko sinabi kung nasaan ako pagkatapos ng birthday mo.”
Iniabot ng babae ang tinidor.
“Ano ka ba naman, Ced? Sa tinagal natin, sanay na ako na hindi ka nagpapaalam kung saan ka pupunta. Hindi mo ako girlfriend para i-report mo sa akin lahat ng errands mo kaya okay lang ‘yon. Siguro nagulat lang ako kasi nasa Pilipinas ka na ulit. Akala ko kasi magtatagal ka do’n.”
“Hmm…”
Tatango-tango ang lalaki habang ngumunguya ng pasta.
“Ano? Masarap?”
“Yep,” matipid na tugon nito.
“Parang ‘di naman…” She dug in and chewed the food that she made. “Mukhang okay naman. Kulang ba sa sauce?”
Umiling ang lalaki at nilingon siya. “Nope.”
“So, okay lang?”
“Yes. Masarap.” Matapos sabihin iyon ng lalaki at nilandas ng hinlalaki nito ang gilid ng kanyang labi na may naiwan na kaunting sauce.
Nanlaki pa nang bahagya ang mga mata niya nang akala niyang ipupunas iyon ng lalaki sa malinis na pot holder na naroon ngunit hindi—he licked it while staring at her.
“That’s sweet.”
Tila ba lalabas sa kanyang dibdib ang puso niyang kanina pa gustong kumawala. Umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa pag-ikot ng pasta sa kanyang tinidor.
Nagsalubong ang kilay ni Cedrick nang makita niya ang maliit na pasang nakatago sa sleeves ni Sylvie.
“What’s this?”
Marahan niyang inalis ang kamay ng lalaki sa kanyang braso at tumikhim. “Wala lang ‘yan. Huwag mo nang pansinin.”
“Is he hurting you?” nag-aalalang tanong pa nito.
“It’s not your business, Ced.”
“It is now. It would help if you were thankful that I was there before he did something so terrible to you.”
Ibinaba ng babae ang tinidor at hinarap siya.
“Tapos na iyon, Ced. Kung hindi ka pa maka-move on sa nangyari kanina, pwes ako, naka-move on na. Nakipag-break na rin ako. Ayos na iyon.”
“Pa’no kung balikan ka niya? Sumugod ro’n sa inyo?”
Umiling siya. Alam niya naman na hindi ganoon ka-exaggerated na tao si Roy pero sa sinabi ni Cedrick, nag-alala tuloy siya.
“Hindi niya gagawin ‘yon.”
“How sure are you?”
“Paranoid ka lang, Ced.”
“Sana nga…paranoid lang.” Nakita niya pa ang pagkibit-balikat nito habang patuloy sa pagkain habang siya, nawalan na ng gana.
“Teka nga, ano bang nakain mo sa mga pinuntahan mo at ganyan ka pag-uwi?”
“Ano’ng ganyan? Wala naman akong masamang ginawa.”
“You are over-protective.”
“It’s not that, Syl.”
“Eh ano nga?”
“I just care for you.”
“Fine.” Ginaya niya ang lalaki sa pagkibig-balikat ngunit sa loob-loob niya ay iba na ang kanyang pakiramdam.
“’Yon lang ‘yon?” tanong pa nito sa kanya habang sinusundan siya ng tingin patungo sa lababo.
“Yep.”
“Wala kang ibang sasabihin?”
Hinarap niya ito habang hinuhugasan ang pinagkainan. “Wala. May dapat pa?”
Umiling ang lalaki.
“Ced, hindi na ako ang Sylvie na kilala mo na napaka-vulnerable. Napakaraming lalaki diyan. Kaya ko siyang palitan ng kahit na sino. Eh ano naman kung sinaktan niya ako physically? Hindi naman niya na ulit magagawa iyon dahil kung sakali man na magkita kami ulit at gawin niya ulit iyon, sa presinto na kaming dalawa magkikita.”
“Akala ko ba mahal mo siya?” Tumayo ang lalaki dala ang pinagkainan nito at naglakad patungo sa kanya.
“I loved him. Hindi ko siya deserve matapos niya akong saktan kaya nga nakipag-break ako sa kanya, ‘di ba?”
“Fine.”
“What is it on you? Ano bang nangyayari sa ‘yo?” takang tanong niya sa lalaki habang pinapanood itong maghugas ng plato. Nakapamewang pa siya.
“I don’t know…”
“Ano’ng ‘di mo alam? Ang gulo mo naman kausap. Gusto mo makipagtalo tapos ngayon, ‘di na? Pinaglalaruan mo ba ako?”
“Kahit kailan, ‘di ko magagawa ‘yan…”
“Maybe you’re tired. Aalis na ako mayamaya para makapagpahinga ka.”
“Wala naman akong sinabing pagod ako.”
“See? Ayan, nakikipagtalo ka na naman ng walang dahilan—”
“I want to tell you about something…”
“A-ano ‘yon?” Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
“I think I’ve fallen in love…”
Napalunok siya.
“K-kanino?”
“I think I am falling in love with you.”
Ilang minutong walang sumagot sa kanila. Nagtitigan lang sila ngunit maririnig ang kaba nilang dalawa apat na sulok ng bahay na iyon.
Huminga nang malalim si Sylvie at ngumiti.
Naghihintay ako sa punch line, Ced. Bitiwan mo na…nang ‘di ako umasang totoo ‘tong sinasabi mo.
“Hmm…nasa’n ang punchline?” diretsahan niyang sabi.
“Ah…right. I am just kidding. That’s a joke.” Nakita niya pa ang alanganin pagtawa ng lalaki matapos siyang marahang itulak sa balikat. Natawa na lang din siya.
God, this is so awkward.
“Feeling ko talaga kailangan mong magpahinga. I’d better go.” Kinuha niya ang gamit sa may sofa habang nasa likod niya at nakabuntot si Cedrick.
“Ihahatid na kita.”
“Hindi na. I am okay. Gagamit na lang ako ng app.”
Pasikretong napakagat-labi si Cedrick habang tumitipa si Sylvie sa cellphone.
Fuck it, man. Umayos ka! Ano’ng pinagsasasabi mo?
“I think…”
“Hmm…?” Saglitan siyang tiningnan ng babae.
“I…”
“Ano?”
“I still need you, Syl.” Agad niyang binuhat ang babae at dali-daling ni-lock ang pinto ng kwarto.
Kasabay noon ay ang pagbuhos ng malakas na ulan na makikita sa glass window nito.
“I think God is telling me you must stay here for a day.”
“Hindi, Ced.”
Bago pa man siya umangal, kinuha na ng lalaki ang dalawa niyang kamay at itinaas iyon. Habang ang isang kamay ng lalaki ay hinahaplos na ang paligid ng kanyang malambot na katawan.