7

1436 Words
“I THOUGHT you are going to Malaysia?” nagtatakang tanong ni Simon nang makita si Cedrick sa opisina nito. “Shut the f**k up, Simon. Just work. Don’t mind me.” “Gusto mo bang mag-inom? Maaga pa naman. Alas tres pa lang ng hapon.” “Nope. I want to get busy.” “Bakit ka na naman parang babae kung sumagot? Hindi ba naging maganda ang naging regalo mo kay Sylvie kaya ka ganyan?” “Do you want to know what happened?” “Yes, of course,” taas-noo at nakatindig na sagot nito. “We made it until three rounds. Binigay ko na sa kanya ‘yong polo dress na pinabili ko sa ‘yo last week, at pinagluto ko siya ng almusal bago ko siya hinatid sa kanila. Are you satisfied with my answer?” dire-diresto niyang tugon. “Mukha ka namang boyfriend material sa ginawa mo, Ced. ‘Di ba nandiri sa ‘yo si Syl?” Tumawa pa ito. “Shut up.” Umiling-iling siya at saka pinirmahan ang huling document na nasa mesa. “I had a feeling that there’s something between the two of you. Wala ba talaga?” “Huwag mo na akong kulitin, Simon. Kapag sinabi kong wala, wala. Ready na makipag-date si Sylvie. Dahil ipapakilala niya na si Roy mamayang gabi sa parents niya, kailangan ko dumistansya.” “So, pa’no ka mabubuhay nang wala si Sylvie?” Nalukot ang mukha niya sa cheesy na tanong na iyon. “I can live without her. Mahirap siguro sa umpisa since tatlong taon na ganito ang setup namin pero alam ko na masasanay rin ako.” “Na walang nangyayari sa inyo? Kaya mo talagang tiisin ‘yan?” “Gago. Hindi ako hayok sa kanya, okay? Kaya kong mabuhay na walang babaeng kinakama. Sinasabi ko sa ‘yo, babayaran kita ng ten thousand kapag wala akong isang salita.” Lumiwanag ang mukha ni Simon sa laki ng perang iyon. “I am going to watch you…Sir.” Ngumisi siya bago ito lumabas ng kanyang opisina. Sa totoo lang, hindi niya tinuloy ang pagbabakasyon sa Malaysia mula noong sinabi ni Sylvie sa kanya na nakikipag-date na ito. Gusto niya rin naman talagang magpunta sa birthday nito mamayang gabi, pero ayaw niyang agawin ang spotlight sa ipapakilala nitong lalaki. Ganoon siyang tipo ng kaibigan. Alam niya kung hanggang saan lang dapat ang boundaries at limitations niya. “Hello, Ma,” sagot niya nang marinig ang pagtawag sa kanya ng ina. “It’s Sylvie’s birthday. Where’s she? Is she coming home tonight?” “No, Ma. May celebration siya sa bahay nila. Ipapakilala niya kasi ‘yong dini-date niyang lalaki.” Saglit na hindi ito nagsalita dahil siguro sa gulat. “Mukhang mahina ka yata.” He rolled his eyes. “Ma, we’ve already talked about this, right? Alam n’yo naman na emotionally damaged pa ako dahil kay Camilla.” “But you already moved on, right? And well, thanks to Sylvie, naka-move on ka na.” “Ma, she’s just a friend—” “Your companion in bed,” pagtatama pa nito. “We have our boundaries, Ma. And we respect that. Mas okay nang maging ganito lang ang setup naming dalawa. At least, ‘di namin masasaktan isa’t isa kung sakali man na ‘di talaga kami mag-work.” “Eh, ano’ng reaksyon mo ngayong may ipapakilala siya sa family niya?” “I feel…happy for her.” “Ang plastic mo. Umuwi ka nga rito at maghahanda ako ng steak for dinner. I am going to call her—” “You are not going to do that.” “And why?” “Because I told her that I will be in Malaysia for the next two weeks.” “Kailan ka pa nagsinungaling sa kanya? ‘Di ba isa sa mga rules ninyo na walang magsisinungaling? Why are you doing this to her?” Huminga siya nang malalim. “Hindi naman sa gano’n, Ma. I just don’t want to ruin her birthday. Gusto niya kasing ipakilala ako sa lalaki as her best friend, eh ‘di naman kami gano’n, ‘di ba?” “Are you in your office today?” “Opo pero patapos na rin ako sa ginagawa ko.” “Come home. Let’s talk about that. I am going to make you some devil eggs.” Napangiti siya. “Okay. I am going to call you if I am on my way.” Matapos ayusin ni Cedrick ang opisina pinatawag niya muna si Simon bago umuwi. “Oh, nagbago isip mo?” tanong nito sa kanya. “Yes, but I am not going to Malaysia. I am going to stay in Batangas for a while. Please, huwag na huwag mong sasabihin kay Sylvie na nandoon ako. Alam n’ya ‘yong bahay na ‘yon nina Mama. Ang daldal mo pa naman.” “Teka, ha? Excuse me lang. Pagsabihan mo rin kaya si Tita Venice na h’wag kamo siyang madaldal. Baka mamaya ako pa mapagbintangan mo, eh.” “Oo na. I can handle her. Please, Simon. I just want her to be happy. Huwag ka na muna maging cause ng confusion sa kanya, okay?” “Alam mo, grabe ka na. H’wag kang mag-alala, wala siyang malalaman tungkol sa ‘yo unless you say so. Alam ba ni Rick na umalis ka?” Tumango lang siya habang kinukuha ang mga gamit. “I’ll let you know if when I’ll be back.” “Sure. No problem. Mag-ingat ka sa byahe.” Saktong six thirty siya ng gabi nakapag-park sa kanilang basement. Agad siyang dinaluhan ng mga butler na siyang kumuha ng gamit niya. “Kumusta ang byahe, Young Master?” tanong ni Ephraim na isa sa mga ka-edad niyang butler. “Nakakapagod ang byahe. Sino’ng nandiyan?” “Si Madam Venice lang po. Kanina niya pa bukambibig si Miss Sylvie. Darating po ba?” “Nope. She’s having a birthday party with her family,” aniya at saka sumakay sa elevator na patungo sa malaking bulwagan ng living room. “Bakit ngayon ka lang?” salubong na tanong sa kanya ng ina. “Ma, of course, kailangan ko muna i-secure na okay ‘yong bahay ko bago ako umalis. Mahirap na. kahit napakaraming CCTVs at barb wire do’n, ‘di mo pa rin alam kilos ng mga magnanakaw.” “Tara sa dining hall.” “Si Papa?” tanong niya habang nasa likod ni Venice. “Pauwi na. Pinuntahan lang si Tito Vehnee mo at may problema na naman sa babae. Anyway, as I have promised, I made you devil eggs. Steak is for dinner.” Naupo silang dalawa habang pinapapak niya ang paboritong gawa ng kanyang ina. “So how are the two of you? Are you still hooking up?” “I gave her the last…last night.” “Alam niya ba?” “Nope. I don’t want her to know.” “Why?” “Kasi ayaw kong ma-confuse siya, Ma. Hayaan na muna natin siya. Maging masaya na lang tayo para kay Syl. She’s finally free from the traumas of her last breakup and as a friend, I am so happy that she made a brave step to try to fall in love again. Eh, ako? Takot pa rin sumubok ulit.” Sumandal si Venice sa balikat ng anak. “Don’t rush things. Okay lang ‘yan. You’re still young. Thirty-three ka pa lang, eh.” “I know, Ma…” “Sabihin mo nga ang totoo sa akin, are you in love with Sylvie?” “I am only attracted to her. But I am not in love. It’s just that, I really enjoy her company. Kumbaga, lahat ng trip ko, kaya niyang sakyan. Hindi ko kayang magtampo lalo na’t sa akin niya unang sinabi na may dini-date siya. I am fine with that.” “So, tinuturing mo siyang best friend? You know each other’s secrets, right? What’s your birthday gift from her?” Sumadal siya sa upuan. “I just gave her a polo dress. Matagal niya na kasing gustong bilhin ‘yon.” “Her favorite color?” “Baby blue.” “Her favorite food?” “Lahat ng nasa breakfast namin kanina.” Nagkatinginan silang dalawa. “See? For two years, you’ve already established connections, Ced. I think that is the reason why she’ll introduce you as her best friend.” Tumayo ito at tinapik siya sa balikat. “Think about it. One and a half hour lang naman ang byahe mula rito hanggang Marikina.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD