8

1349 Words
ISANG ORAS at kalahati nang naghihintay si Sylvie kay Roy sa K-Mart ngunit hindi pa rin niya nakikita ni anino ng lalaki. Nakailang beses na rin siyang tumawag ngunit dinidiretso lang siya nito sa voice mail. “Ano kayang nangyari? Tawagan ko kaya si Ced?” Mayamaya pa’y nakita niya ang kulay maroon na sasakyan nitong nagpa-park sa labas ng K-Mart kaya naman lumabas na siya ng convenience store. “I am really sorry, babe!” Sinalubong siya nito at nagbeso sa kanyang pisngi. Ikinagulat niya pa ang gesture na iyon ng lalaki dahil ngayon na lang ulit may humalik sa kanyang pisngi matapos mag-sorry. “Kanina ka pa ba rito?” “H-hindi. Medyo thirty minutes pa lang,” pagsisinungalning niya sabay ang pilit na ngiti. “Here. This is for you.” Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang malaking bouquet ng pulang rosas na halos hindi niya mahawakan ng isang kamay lang. “W-wow…” Iyon lamang ang nasabi niya. “Happy birthday, babe!” masayang bati pa nito at saka siya niyakap nang mahigpit. She really doesn’t know what to feel. Parang nakakapanibago na may taong nagbibigay sa kanya ng mga regalo. Na-appreaciate niya naman itong effort ni Roy pero siguro naninibago lang siya. “T-thank you.” Inayos niya ang sarili at tumikhim. “Tara na sa bahay. Hinihintay na nila tayo.” “Wait. Can we go to the mall first before we go home?” “M-may ‘di ka pa ba nabili?” Isa’t kalahati na silang late at for sure ay nagtatatalak na iyon si Minerva dahil kanina pa sila nakaluto. “I just want to treat you to a nice dinner.” “Nakalimutan ko ba sabihin sa ‘yo na naghanda sila sa bahay? Nagluto kasi kami ng Kare-Kare.” “Oh, I am so sorry. I forgot about that. Let’s go home.” Huminga siya nang malalim habang inaalalayan siya ng lalaki na pumasok sa kotse nito. “So, how was your day today?” tanong nito habang nasa byahe sila. “Fine. Nothing special.” “Now, it is. Alam mo bang ang tagal pa nilang inayos ‘yang bouquet. Muntik ko nang ‘di kunin kasi ang tagal nila magsipagkilos.” Wala siyang maisagot kundi isang ngiti lang. “Is your best friend going to be there? Para mayaya ko naman siya uminom ng red label. Umiinom ba siya no’n?” Nahimigan niya ang pagyayabang sa tanong nito. Baka mauna kang tumumba sa inuman kung si Cedrick ang kalaban mo. Ako lang nakatalo do’n, wala nang iba. “Ah, natuloy kasi siya sa Malaysia. ‘Di ko pa alam kung kailan kami ulit magkikita. Bale, ipapakilala na lang kita sa kanya kapag dumating na siya.” “Sayang naman. Gusto ko pa naman uminom ngayong gabi.” “Nagugutom ka na ba? Maraming hinanda sina Ate Minerva.” “I’ve eaten Fillet Mignon on my way here but I am going to try your sister’s cooking. Mag-iisang buwan pa lang silang nag-de-date ni Roy ngunit ngayon niya pa lang nakikilala ang lalaki sa ganitong ugali. Alam niya naman na mayaman ang lalaki pero ngayon lang ito umasta sa kanya na para bang nabili na nito ang buong Pilipinas. Nahirapan pa silang mag-park sa labas ng bahay. Nang makapasok sa loob, tila nanibago ito at nadismaya sa naabutan. “’Pa…” Lumapit si Fred sa kanila nang tunguhin nila ang pinto. “Roy, Papa ko. Pa, si Roy, nanliligaw sa akin.” “N-nice to meet you po, Tito.” Nakipagkamay ang lalaki kasabay ang pagyuko. Napatikhim tuloy ang kanyang ama habang sinusuri ang kabubuuan ni Roy. “Pius!” Napalingon silang lahat sa sigaw ni Minerva na nasa hapag-kainan. “Pasensya ka na sa ate ko. Maingay talaga ‘yon kapag nagsasaway ng anak. Halika, kumain na tayo.” Alanganing ngumiti sa kanya si Roy ngunit sumunod ito sa kanilang paglalakad. Paniguradong kung nandito si Cedrick, mas lalong hindi magiging maganda ang gabi niya. “Happy birthday to you!” awit nilang lahat habang hinihintay si Sylvie na hipan ang kandila. “Wish na!” sabi pa ni Minerva. Lord, ang tanging hiling ko lang, kung ‘di ito para sa akin, baka naman may way para mailihis n’yo ako ng landas. Ready na ako magmahal ulit. Ready na ako sagutin si Roy. Pagdilat niya, hinipan niya ang kandila at ngumiti nang marinig ang palakpakan ng lahat. “Kainan na!” “Wait, Ate.” Nilapitan niya si Minerva na hawak ang chocolate cake. “Bakit?” “Pwede bang pahiram muna ako n’yan? Pi-picture-an ko lang. I-se-send ko kay Ced.” Inilapag ng babae ang cake malapit sa lababo. “Bakit kasi wala siya? Sana siya na lang ‘yong nandito.” “Ate naman,” saway niya. “Sasagutin mo ba ‘yang lalaking ‘yan?” “Oo, Ate. Bakit?” “Mahal mo ba?” “Hindi pa. Pero gustong-gusto ko siya. Please, suportahan n’yo naman ako kahit dito lang. Kung magkamali man ako sa desisyon kong ‘to, saka n’yo ako pagalitan. Gusto ko lang ma-feel na may nag-aalaga sa akin.” Narinig niya pa ang paghugot ng hininga ng babae. “Inaalagaan ka naman ni Ced, ah.” “Ate, alam mo naman na hindi kami pwede. Hindi magkakagusto sa akin ‘yon. Okay kami sa usapang ‘ano’ pero pagdating sa seryosong usapan, hindi talaga. Please, huwag na natin siya ikumpara kay Ced. Bigyan naman natin siya ng chance.” Niyakap niya pa ito matapos kuhanan ng litrato ang cake na binigay ni Ced bago ito nagpaalam kanina. “Bahala ka. Pero kapag pinaiyak ka n’yan, h’wag mo kami sisisihin na nagsumbong kami kay Cedrick.” Tumango-tango siya. “Oo, kayo ang bahala. Basta, please, ako muna ‘to. Kaya ko naman na. Ready na ako.” “Ikaw ang bahala. Mauna na ako dun. Sumunod ka kaagad.” Matapos umalis ni Minerva, nag-send siya ng picture sa social media account ni Cedrick. |Salamat sa cake, Ced. Wish you were here. | Matapos niyang ipadala ang mensahe, lumabas siya at nakitang nagsisipagkain na ang mga ito. “Ate, si Kuya Ced—” “H’wag mo hanapin ‘yon ngayon, Pius. ‘Yong tatay mo dapat ang hinahap mo dahil gabi na pero wala pa rin.” Mahina lang silang natawa. “Okay ka lang?” bulong ni Sylvie kay Roy na sa dami ng pagkaing naroon, cake lang ang nilantakan nito. “Yep. It’s just that there is a lot of food here and I don’t know what to eat first. Busog din ako as I’ve said earlier. But thanks to this cake…” This day ends as she bids farewell to him. “Thank you for coming tonight, Roy. I really appreciate you coming tonight to know my family. Sana nag-enjoy ka kasama sila.” “No problem, Sylvie.” “Roy, gusto ko lang malaman mo na ready na ako magmahal ulit. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Dahil sa ‘yo, naramdaman ko ulit kung paano magmahal. Salamat sa lahat ng effort mo na pasayahin ako sa maliit o malaki mang paraan pero okay na sa akin na nandiyan ka lang palagi.” Sa mga pagtitig ni Roy sa kanya, halatang may hinihintay itong sabihin niya. Lord, please…don’t make me regret this. Habang nakatitig sila sa isa’t isa, may katiting siyang pagdadasal na sana…sana lang ay dumating si Cedrick. Ngunit sa pagbilang niya ng lima, narinig niya ang pagtatanong ng lalaki. “Will you be my girlfriend, Sylvie? I promise that I will be a good man to you. Hinding-hindi kita sasaktan at hinding-hindi kita iiwan.” Sa paghawak ni Roy sa kanya, naramdaman niya ang init ng mga palad nito. “Oo, Roy. Sinasagot na kita—” Nanlaki ang mga mata niya nang bigla siyang hilahin nito palapit at niyakap nang mahigpit. “I love you, Sylvie. I love you so much.” Kahit na alanganin ang nararamdaman niya sa lalaki, tumugon siya, “Mahal din kita, Roy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD