9

1115 Words
“NASAAN ka ba?!” Halos maitapon ni Cedrick ang cellphone na hawak nang marinig niya ang boses ni Minerva noong sagutin niya ito. “Why? What happened? Is she in trouble?” sunod-sunod niyang tanong habang aligagang inaayos ang kanyang gamit. “Wala! Sinagot niya na si Roy! Bakit kasi wala ka dito?!” Nakakarindi ang boses nito ngunit alam niya nag-aalala lang ito sa kapatid. “Ate, hayaan mo siya. We’re just friends—” “With benefits! Wala ka bang pagmamahal sa kapatid ko?” He sighed. “I love her as her partner in bed. Pero, Ate, hayaan na natin siya. ‘Yan ang gusto niya. Maging masaya na lang tayo. Saka na lang natin resbakan kapag pinaiyak niya na si Syl. Okay?” Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Ano ba kasing nangyari? ‘Di ka naman tatawag ng ganyan kung wala lang.” “Hindi ko siya gusto para kay Sylvie,” pagpapakatotoo nito. “Hindi ko gusto ‘yong pag-aastang mayaman niya. Mantakin mo, ipamukha ba naman sa amin na kumain siya ng Filet Mignon bago magpunta kanina. Kailangan ba talaga niyang i-share ‘yon? Nagpaluto si Sylvie ng Kare-Kare, spaghetti, at pancit palabok tapos ni isa wala siyang kinain.” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Para tuloy niyang gustong magpunta doon upang mabawasan lang ang sama ng loob nito. “Hindi lang ‘yon, Cedrick. Parang ang awkward no’ng pagkakatingin niya kay papa. Ano bang masama sa pagiging PWD? ‘Di naman niya kasalanan na maaksidente siya.” “Tulog na ba si Sylvie?” “Oo kanina pa. Siya pa naghugas ng plato. Bakit?” “May handa pa kayo?” “Oo naman. Bakit nga?” “Ipagbalot mo ako. Dadaanan ko riyan.” “Talaga?” Nahimigan niya ang pagkatuwa sa boses nito. “But please, don’t tell Sylvie that I went there. Please?” “So, wala ka nga sa Malaysia?” “Wala. Magkukwento ako kapag may time.” Ngumiti siya. “Anong oras ka pupunta?” tanong pa nito. “Magbibihis lang ako tapos pupunta na ako diyan. Huwag n’yo lang sabihin kay Syl na papunta ako, please? Baka isumpa ako niyan, eh.” “Oo na. Sige na. Bilisan mo lang. Ibababa ko na ‘tong tawag at ipagbabalot na kita.” Nakangiti niyang tinungo ang closet at nagsuot ng damit. Pagbaba niya sa sala, nakita niya pa ang ina na at naninigarilyo. “Where are you going?” “Do you want some kare-kare, spaghetti, and pancit palabok?” Napasinghap ang ginang dahil sa tanong na iyon. Alam nito kung saan siya pupunta. “Yes! Sa wakas! Papunta ka kina Sylive dear?” “Tumawag kasi si Ate Minerva. Eh, para naman mabawasan ‘yong init ng ulo niya, sabi ko balutan niya ako ng handa nila.” Nakaisang hithit pa ito bago pinatay ang upos ng sigarilyo saka lumapit sa kanya. “Why? What happened?” Nag-aalangan pa siyang magkwento sa ina. “I think… h’wag na natin pag-usapan, Ma. Or, later na lang pag-uwi ko para may pinagsasaluhan tayo habang nagkukwentuhan.” Sumimangot ito. “Fine. But I think I know what happened. O siya, sige. Magpunta ka na muna do’n at baka hinihintay ka na.” “Thanks, Ma.” Humalik siya sa pisngi nito. “Be safe!” Ngumiti siya bilang sagot at saka nagmadaling nagtungo sa basement. Bago siya umalis, nag-chat muna siya kay Minerva. Dahil alanganing oras na, naging mabilis lang ang kanyang byahe. Hindi siya nag-park sa mismong tapat ng bahay nina Sylvie kundi dalawang bahay ang layo. Muli siyang nag-chat sa babae bago lumabas ng kotse at naghintay na lang sa may puno malapit sa gate ng bahay. Nanlaki pa ang mga mata niya sa dami ng dala nito kaya agad niya itong tinulungan. “H’wag ka nang magreklamo. Pwede mong initin bukas ng umaga ‘yan,” sabi nito matapos niyang salubungin. “Tulog na nga siya?” “Alas diyes pa lang nagpunta na sa kwarto. Alam mo naman ‘yon. Once na nakatulog na, bukas na ‘yon gigising.” “Nakainom ba?” Umiling ito. “Hindi naman. Nag-shot lang ng kaunti no’ng umalis si Roy. ‘Di na nga nagkwento nang husto. Sinabi niya lang na boyfriend niya na.” “T-that’s good to know.” Sinamaan siya nito ng tingin. “Hey, I am not being plastic. I want the best for her.” “At sa tingin mo, ‘di ikaw ‘yon?” “I am definitely not.” “Hindi ka pa rin ba nakaka-move on?” concerned na tanong pa nito. “I already moved on. ‘Yon nga lang, parang nakakatakot na mag-try ulit kasi baka ‘di mag-work out. Mahirap na maulit. Mahihirapan na naman ako mag-move on. Pero malay natin, ‘di ba? Sa susunod na punta ko, baka fiancée ko na ‘yong ipakilala ko,” pagbibiro niya pa. Umismid pa ang babae. “Sige na. Gabi na rin. Malayo-layo pa ang byahe mo. Pakikumusta na lang kami sa mama mo, ha?” “Yes, will do. Thanks for this, Ate.” “Pwede mo bang tawag-tawagan si Sylvie?” Ngumiti lang siya at sinabing, “I’ll think about it.” Nakita niya pa ang pagkaway nito bago niya tuluyang lisanin ang lugar na iyon. Napabuntong-hininga pa siya. He can confirm that he is sad on what is happening. Hindi iyon selos, correction lang, ha? Malungkot lang siya. Siguro dahil naging close na rin sila ni Sylvie kaya ganito ang nararamdaman niya at valid naman iyon. “MA, PLEASE… huwag naman na nating gawing big deal ‘to. She’s happy and you know that I support her on that. H’wag na nating gawing kumplikado ‘to. She means to me pero hindi naman ako darating sa point na kailangan kong manira ng relasyon ng iba.” Sumimangot lang si Hillary sa mahabang lintanya niya. “Fine. Pakisabi na lang kay Minerva, masarap ‘tong mga niluto nila.” “Yeah, I will,” aniya habang nagliligpit ng mga platong pinagkainan. “Are you going to the office tomorrow?” “Nope. I want to rest. Maybe, I am going on a real vacation this time. I badly want to go to the beach.” “Alone?” “Yes. Alone,” pag-uulit niya pa. Umismid lang ang kanyang ina bago ito nagpaalam na tutungo na sa kwarto. Bukas na bukas, mag-eempake siya at pupunta sa Cagbalete kung saan pwede siyang makapag-relax, makapag-isip, at kumalma nang walang ibang taong mang-iistorbo sa kanya. At least once a year, kailangan niya rin ng peace of mind… hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD