10

1208 Words
THREE WEEKS nang walang paramdam si Cedrick kay Sylvie. Kahit saang social media app nito ay wala man lang itong update. Nakatingin siya ngayon sa huling message na sinabi niya sa lalaki matapos niyang sagutin si Roy ngunit nag-heart react lang ito. Kapag tinatanong naman niya ang secretary nitong si Simon ay hindi rin alam kung nasaang lupalop ng Asya ang lalaki. Napabuntong-hininga siya dahil napakarami niyang gustong ikwento kay Cedrick. Liban kay France, si Cedrick lang ang lalaking walang ibang reaksyon kapag magkukwento siya. Talagang makikinig lang ito unless gusto niya itong magbigay ng opinyon. “’Di ka pa mag-lunch, Sylvie?” tanong sa kanya ng katrabahong nadaanan siya sa bay. “Mamaya na ako. Hinihintay ko pa si Roy, eh.” “Ha? Kanina pa sila naka-lunch. Kasama niya ‘yong mga investors pagkatapos ng meeting nila. ‘Di ba nagsabi sa ‘yo?” Unti-unting nawala ang pagkakangiti sa kanyang labi. “H-ha? Umalis na pala sila. Akala ko…” “Tawagan mo na lang. Babalik ‘yon.” Pilit siyang ngumiti at umiling. “’Di na. Baka busy rin siya. Kaya ko naman mag-lunch mag-isa. Thank you, ha?” Tumango lang ang babae at saka umalis na. Napabuntong-hininga siya. She knows her decision is very…very wrong. Isang linggo lang matapos niyang sagutin si Roy, heto at nakikini-kinita niya na ang tunay na kulay ng lalaki. Ilang araw na siya nitong hindi hinahatid o sinusundo sa kanilang bahay. Kahit sa trabaho ay hindi siya nito pinapansin, ‘di katulad noong unang linggo nila na proud na proud pa siyang ipakilala sa mga bagong investors. Hanggang ngayon, iniisip pa rin niya kung ano ang maling nagawa niya sa lalaki ngunit wala siyang maalala. Kaysa tumunganga, tumayo na siya at kinuha ang wallet pati cellphone. Kaya naman niyang kumain mag-isa sa cafeteria, wala namang problema doon. Ang talagang problema niya, si Roy. May mga pagkakataong okay sila, mayroon din na hindi. Of course, she already tried to talk to him about this but he doesn’t want to talk about it. At iyon ang hindi niya alam kung bakit. Magaling lang talaga sila sa una. Habang kumakain, nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang tumatawag si Cedrick. Hinfi niya alam kung bakit bigla niyang inayos ang sarili at tumingin sa isang compact mirror bago iyon sagutin. “Hi!” masayang bati ng lalaki habang tinatangay ng hangin ang mahaba-haba nang buhok nito. He looks so gorgeous. “Uy! Long time, no see. Kumusta?” “I am here at Cagbalete.” “Quezon? Kailan ka pa bumalik galing Malaysia?” “Hmm…one week after your birthday? I almost forgot about it.” “N-nakakaloka ka, Cedrick. Akala ko natabunan ka na ng mga babae sa Malaysia. Ang tagal mong hindi nagparamdam, ha?” pabirong sabi niya habang naglalakad patungo sa elevator. “How are you?” tanong nito sa kanya na ikinapanibago niya. “O-okay naman ako. Kailan ka ba uuwi para naman makapagkwentuhan tayo?” “Maybe next week? ‘Di ko pa talaga sure. Are you missing me?” panunudyo pa nito sabay kindat sa kanya. “Hindi, ‘no. ‘Di lang ako sanay na ‘di ka nakikita sa Dominican.” “Nagpupunta ka pa rin?” takang tanong nito. “Ba’t naman hindi? ‘Yon na lang pampa-relax ko, tatanggalin ko pa.” Tumaas ang kilay niya. “Alam kong nagchichika sa ‘yo si Ate kaya alam mo nang sinagot ko si Roy.” “Yeah. But I am still assuming that you’re the one who will tell me about it.” Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Hindi niya rin kasi alam kung nagbibiro ba ito o isa lang ito sa mga pa-pogi ni Cedrick sa tuwing nag-uusap silang dalawa. “Sorry naman. Eh, kasi naisip ko na ayaw mong ina-update ka, ‘di ba? Sumusunod lang naman ako sa setup natin. At saka, alam mo naman na ngayon,” pagdadahilan niya na lang. “Where are you going?” “Kakain sa cafeteria.” “Where’s he?” “Sino?” “Your boyfriend,” sabi pa ng lalaki sa tonong patanong. “Wala. Umalis. Bakit mo hinahanap?” “’Di ba dapat magkasama kayong kakain ng lunch?” “’Di sa lahat ng pagkakataon kailangan magkasama kami, okay? Alam mo ‘yan. ‘Di sa lahat ng pagkakataon kailangan naka-update ako. ‘Di kailangan palagin magkasama, magkadikit.” “But he should be on your side, ‘di ba?” “Shh… mas iintindihin ko ‘tong gutom ko kaysa sa mga tanong mo.” “What’s going to be your lunch today?” Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong maghubad ng damit sa harapan niya. “Hoy, Cedrick!” “Why?” “Ibalik mo ‘yang damit mo. Diyos ko ka!” “Why would I? Nandito naman na ako sa loob ng bahay. At saka, ang init kaya. Kung ikaw nandito, for sure you’re going to take off your clothes, too.” Muli pa itong kumindat sa kanya. “Sorry but I am no longer affected on that,” palki niya pa kahit na ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya habang nagpupunas ito ng pawis. “Sayang. Invite pa naman sana kita dito next month siguro.” “Wala rin ako sa trip magbakasyon. Ang dami ko pang pending documents sa office na kailangan kong matapos this month. Magma-month end na naman.” “Am I disturbing you?” “Hindi. Naka-lunch naman ako.” “’Yan lang kakainin mo?” tanong pa nito sa kanya nang makitang kumuha lang siya ng cup noodles. “Oo. Petsa de peligro, aba. Kailangan magtipid.” “Mabubusog ka ba riyan?” “Hindi pero at least, may laman ang tiyan ko.” Nagtawanan lang silang dalawa. “Kumusta si Tito?” “Okay naman. Walang bago. Minsan, hinahanap ka. Wala na raw kasi siyang kainuman.” “Kahit naman yayain ko siya, ‘di naman siya pwede,” nakangiting tugon nito. “Alam mo naman ‘yon…” “Anyway, I am going to call you again… maybe tonight. Basta tatawag ako. Something came up—” “Sus. Oo na. Alam ko na ‘yan. Ikaw, ha? Nagsisikreto ka pa.” “Hey. It’s not what you think. Hindi ko na gawain ‘yon,” pagmamatigas pa nito habang nagsusuot ng damit. “H’wag ako, Ced. Sige na. Tumawag ka na lang kung kailan ka available. Bye!” Bago pa man ito humirit ng sagot ay agad niya nang pinatay ang tawag. Lumalamig na rin ang cup noodles na kanina pa niya gustong kainin. Masaya na siyang nag-update ang lalaki sa kanya. Para siyang nabuhayan ng dugo para magtrabaho pagkatapos nito. Habang hinihipan niya at dahan-dahang humihigop ng sabaw, nakatanggap siya ng isang notification sa kanyang bangko. You have received Php 2,000.00 from Cedrick M. with an account number ending in 5405. Halos mabilaukan siya nang makumpirmang nagpadala nga si Cedrick ng pera. Matapos iyon, nakatanggap naman siya ng mensahe mula sa lalaki. ‘Kumain ka nang maayos. Baka pag-uwi ko grabe pinayat mo. Pagsasabihan ko ‘yang boyfriend mo.’ Napailing na lang siya. “’Di mo kayang gawin ‘yan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD