ILANG araw pang naging hindi maganda ang pakikitungo ni Roy kay Sylvie. Madalas na ang mga naging pagtatalo nila. Dumarating na rin sa puntong naitutulak siya ng lalaki na ikinabibigla niya.
“Roy, mag-break na lang tayo kung ganito lang din naman ang gagawin mo sa akin,” aniya habang pinipigilan ang luha sa mga mata.
Nasa kotse sila ng lalaki at hinihintay na mag-go ang traffic light. Simple lang naman ang pinag-awayan nilang dalawa ngayong araw. Tinanong niya lang naman kung sino iyong babaeng kasama ni Roy na lumabas sa conference room.
“Baby, don’t do this to me. You know how much I love you, right?”
“Para kasing hindi na nag-wo-work ‘tong relasyon natin. Konting kibot lang, nagagalit ka kaagad. Masama na bang magtanong ako sa ‘yo? ‘Di ako nagseselos, Roy. Gusto ko lang naman malaman kung sino ‘yon?”
Hindi na ito umimik.
“She’s just one of the new investors we have in the company. Ipapakilala naman siya bukas. ‘Di ka ba makapaghintay?” naiiritang tugon nito.
Hindi na siya umimik. Nitong mga nakaraang linggo, natitiis niya pa ang pagtatalo nilang dalawa. Ngunit ngayong mga sumunod na araw, ‘di niya na kaya. Nagkatotoo na nga ang nakikini-kinita niya—nakahanap na siya ng batong ipupukpok sa ulo niya.
Nang makapag-park sila sa tabi ng isang coffee shop, agad siyang nagtanggal ng seat belt.
“Mag-break na tayo.”
“Hindi ka pa rin ba satisfied sa sinabi ko? Investor nga lang siya, Sylvie. Ano bang ka-immature-an ‘tong ginagawa mo?”
“Hindi ako immature, Roy. Ilang linggo ko nang napapansin ‘yang pagtulak-tulak mo sa akin sa tuwing nagtatalo tayo. Kahit ‘yang panduduro mo sa noo ko sa tuwing naiinis ka sa mga katrabaho mo, pinapalagpas ko lang.”
Huminga nang malalim ang lalaki dahil nakikita nitong marami nang taong nagsisipaglabasan sa kani-kanilang mga kotse.
“Look, I am so sorry. Hindi ko kasi minsan mapigilan ‘yong galit ko. I promise, hindi na mauulit ‘yon. We can fix this, ‘di ba?”
Umiling siya.
“Ayoko na. Tapos na tayo, Roy.”
Bago pa man siya makalabas, agad nang hinila ng lalaki ang braso niya upang mapaupo ulit.
“Ano ba?! Nasasaktan ako!” sigaw niya.
“Ano? Ganyan ka na ngayon porket tinaasan nila posisyon mo?” pag-iiba ng usapan nito.
“Tumigil ka na sa kahibangan mo, Roy!”
“Hindi pa kita natitikman nang husto, Sylvie. At hindi ako papayag na hindi ko magawa ‘yon—”
Ubod ng lakas niyang sinampal ang lalaki kaya napahinto ito sa pagsasalita. Tila ba naalog ang ulo nito sa lakas ng pagkakahampas niya.
Nakita niya ang nanginginig na pagkuyom ng kamao nito. Napapikit na siya nang akma siya nitong susuntukin ngunit narinig nila ang kalabog na nagmula sa harapan ng kotse.
It was Cedrick… in his furious and enraged body aura. She wasn’t dreaming. It was him in the flesh. At sa tingin nitong tila ba bubutasin ang bungo ng lalaki, alam niyang makakakuha ng atensyon ang dalawang ito kapag nagkaharap pa.
Mabilis siyang lumabas nang makita niyang binuksan ni Roy ang pinto at sinugod si Cedrick.
“Who the hell are you? Ba’t kailangan mong gawin ‘yon sa kotse ko?”
“Apat na taong hindi ko sinaktan ‘yang babaeng kasama mo sa kotse tapos gaganyanin mo lang?” baritonong tugon nito.
“Ano’ng pinagsasasabi mo?”
“C-Ced…” aniya.
“Ikaw? Ikaw ba ‘yong sinasabi niyang best friend niya?”
“Ako nga. Hindi mo ba ako nakikilala?”
“Wala akong balak na kilalanin ka. At saka, pwede bang huwag kang makialam? Let’s go, Syl.”
Agad niyang iwinaksi ang mga kamay nang tangkain siya muling hablutin ni Roy.
“Hindi na sabi ako sasama sa ‘yo. Nakikipag-break na ako, ‘di ba?” matigas na tugon niya.
“Narinig mo naman siguro siya, ‘di ba?”
Nagtangis ang kanilang mga mata.
“Let’s go, Syl.”
Napanganga siya sa sumunod na ginawa ni Cedrick. Isang suntok lang iyon ngunit bumagsak na ang lalaki sa kalsada.
“No other man can call her “Syl” except for me.”
“C-Ced…”
Saglit lang siyang tinitigan ng lalaki at saka hinawakan ang kanyang palapulsuhan.
“Let’s go home.”
Nagpatianod siya sa pagkakahawak nito sa kanya. Inalalayan pa siya nito sa passenger’s seat at saka pinaharurot nito ang kotse paalis sa lugar na iyon.
“From now on, hindi ka na do’n magtatrabaho. Naiintihan mo?” masungit na saad nito habang nagmamaneho.
“Ba’t mo ba kasi ginawa ‘yon?”
“Ba’t ‘di ko gagawin ‘yon, ha? Ano ‘yon, hahayaan lang kitang saktan no’ng lalaking ‘yon? Eh kahit nga ako, ‘di kita sinaktan sa loob ng apat na taon,” pag-uulit pa nito.
“Kailangan ko ng trabaho, Ced. Ano ka ba naman?”
“Let’s talk about that later. Wala ako sa mood makipag-usap sa ‘yo.”
“Ibaba mo na lang kaya ako. Para kang si Roy, eh.”
“Don’t you dare to compare me to that dimwit. Hindi ako nananakit ng babae, alam mo ‘yan.”
That’s true that is why she is keeping her mouth shut.
“Ano ba kasing ginagawa mo ro’n?”
“May i-me-meet up ako.” Maikli man iyon ngunit alam niyang nagsisinungaling ang lalaki sa kanya.
“Ced, okay lang naman sabihin mo sa akin na taga-roon ‘yong bago mong babae. Hindi naman ako magagalit.”
“Bakit hindi ka magagalit?”
“Bakit nga ba ako magagalit?” Tumaas pa ang kilay niya at pinag-ekis pa ang dalawang braso sa dibdib.
“You ask yourself. Correction, wala akong ibang babae.”
“So, ano ngang ginagawa mo do’n?” pangungulit niya.
“I am looking for you.”
“At bakit?”
“Are you not happy na pinuntahan pa kita sa office mo para sabihin na umuwi na ako?”
“Sinabi ko bang gawin mo ‘yan?”
Huminga nang malalim ang lalaki. Alam niyang naaasar na ito sa mga banter niya.
“Hintayin mong makauwi tayo sa bahay, Syl. I’ll make you scream my name until the next day.”
Itinikom niya na ang kanyang bibig. Umayos siya sa pagkakaupo.
“We are done about that, right?”
“Not anymore. You’re now single.”
“N-nagugutom ako,” pagbabakasakali niyang ililihis ng lalaki ang daan.
“No. Isang beses ka pang magsalita…”
“And what?”
“I am going to take you here. Right here, right now. Hindi ako mag-aalinlangan. Sinasabi ko talaga sa ‘yo, Syl. I am dead serious. Kahit pa mag-cause ako ng traffic.”
She felt her face turning red. Ngayon na lang ito. Ngayon na lang ulit. And what’s crazy about that?
She felt the excitement.