Chapter 4

1278 Words
Athena Shane Dominguez Kasalukuyang akong nag-iimpake nang pumasok ang nakakatanda kong kapatid na si Heranaya. Kababalik lang nito galing sa honeymoon at ngayon tatlong buwan ng buntis. "Thank you." ani nito. Napatigil ako saglit at naguguluhang napatingin sa kanya. "Para saan?" "Dahil sa pumayag ka agad sa arrange marraige na in-arrange ng tunay mong ama para lang hindi na gambalin si Daddy nina Tito Lorenzo at Daddy Marcus." "Wala 'yun, Hera. Mahal ko si Papa kaya ayokong nakikita siyang nahihirapan." Totoo 'yun. Eversince na mawala si Daddy Lorenzo ay si Papa Rodrigo na ang tumayong ama ko kaya hindi ko kayang nakikita siya ng nahihirapan dahil sa'kin. "'Wag kang mag-alala nandito lang ako kapag kailangan mo 'ko. 'Wag na 'wag mong kakalimutan 'yan." "Salamat, Hera." Hindi man kami tunay na magkapatid ay higit pa sa tunay na magkapatid ang turingan naming dalawa. Pati na rin si Tanya. Si Tanya ay anak ng malayong pinsan ni Papa Rodrigo. Namatay ito sa isang aksidente tatlong taon na ang nakaraan. Wala namang ibang kakilalang kamag-anak ang ina kaya si Papa Rodrigo na ang tumayong guardian ni Tanya. Gaya ko, dala-dala pa rin namin ang apelyido ng mga magulang namin. Napalingon kaming dalawa ni Hera sa pinto nang may kumatok. Sumilip si Papa at hindi na hinintay nito na papapasukin namin siya dahil bahagyang nakabukas lang pinto ng kwarto ko. "Anak, nakahanda na ba ang mga gamit mo? Aalis na tayo mamayang madaling araw." ani ni Papa "Diba sa linggo pa kayo magkikita ni Daddy Marcus? Biyernes pa lang ngayon, Dad." ani ni Hera. "Oo. Biyernes pa lang ngayon. Gusto ko lang maka-bonding muna itong kapatid mo bago ko siya ibigay sa anak ni Marcus at saka matagal-tagal na rin na hindi kami nakapag-bonding simula no'ng bumukod siya sa'tin." ani ni Papa. "Ikaw nga kinuha agad sa'kin ni Carlos." Pagda-drama ni Papa. "Dad naman nasa kabilang village lang naman kami nakatira ni Carlosbabe. Pwede naman kayong pumunta ro'n kahit ano mang oras lalo na kapag lumabas na itong apo niyo." ani ni Hera. "Kahit na wala pa rin kayo sa poder ko. Kami na lang ng kapatid niyong si Tanya ang magkasama sa malaking mansyon na ito. Teka, umatras na lang kaya tayo sa kasal Shane. Hindi pa naman kayo nagkita ng anak ni Marcus." ani ni Papa. Tutol talaga si Papa sa kasunduang ito nina Daddy Lorenzo at Ninong Marcus. Gusto kasi ni Papa na kami ang mamimili ng magiging kasama namin sa habang buhay. "Sige Paps, para multuhin na naman kayo ni Tito Lorenzo at padadalhan na naman kayo ng death threat ni Tito Marcus." Singit ni Tanya na kakapasok pa lang ng kwarto at may tuwalya pang nakabalot sa ulo. Natigilan naman si Papa sa sinabi ni Tanya na siyang ikinatawa naming tatlo. Nakalimutan niya ata 'yun. "Pwede rin papa." Biro ko. "'Wag naman gano'n, anak. Kahit mahal na mahal ko ang Mama Anjie niyo at gusto ko na siyang makasama hindi pa akong handang iwan kayo. Lalo na itong si Tanya palaging hindi mapirmi sa bahay. Hindi na ako magtataka isang araw uuwi itong buntis." ani ni Papa. "Grabe ka naman sa'kin, Paps. Mahilig lang akong gumala. Hindi naman ako nagbo-boyfriend. Reklamo ni Tanya. "Bakit porket walang boyfriend hindi na mabubuntis? Ibang-iba na ang panahon ngayon, Tanya lalo na kapag lagi kang gumagala sa gabi. Kung nandito lang ang Mama Anjie niyo siguradong nakurot ka na sa singit." ani ni Papa kay Tanya. "Pero Papa bakit pa po tayo pupunta pa ng Los Angeles, e, nandito lang naman pala sa pilipinas 'yang kaibigan niyo at ang anak niya." Pag-iiba ko sa usapan. "Oo nga Dad. Dito rin naman sa pilipinas ang kasal." ani ni Hera. "Ewan ko r'yan kay Marcus pagagastahin pa ako ng pamasahe. Di bali sisingilin ko siya pagdating do'n." ani ni Papa. "Paps, pwede ba akong sumama? Promise hindi ako maggagala-gala ro'n." ani ni Tanya. "Hindi. Dito ka lang. May klase ka pa." Nakasimangot si Tanya sa sinabi ng Papa. "O siya lumabas na tayong lahat at maghahapunan na." ani ni Papa Naunang lumabas si Tanya para mag-ayos. Sumunod naman si Hera at hinahanap ang asawa niya. "Ayos ka lang ba talaga sa kasunduan ng 'yong ama at ng Ninong Marcus mo? Paano na si Kevin? 'yung boyfriend mo." "Papa naman, hindi ko nga po boyfriend si Kevin. Mag-best friend lang po talaga kami at saka may mahal na 'yun." "Sino? Ikaw?" "Papa. Hindi po. Hindi rin po niya sinabi sa'kin. Sekretong malupet nga po raw." "Asus! Pakiramdam ko ikaw mahal no'n, e. Hindi lang masabi-sabi dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan niyo." "Si Papa talaga. Tara na nga po sa baba baka nagugutom na po kayo kung ano na ang pinagsasabi niyo." "Denial ka rin, anak, e." Natawa na lang ako. Lakas maka-millenial si Papa. -----***----- "Best, pasensiya ka na hindi na ako makakapunta r'yan sa resto-bar. Mamayang madaling araw na kasi kami aalis ni Papa." Kasalukuyan kong kausap sa kabilang linya ang best friend kong si Kevin at kasosyo ko sa resto-bar. "Nasabi na nga sa'kin ni Tito Rod. Goodluck and best wishes best." May lungkot ni himig ni Kevin sa kabilang linya. Napano kaya 'to? Nakilala ko si Kevin nong panahon na wala ako sarili habang tumatawid ng kalsada sa harap ng unibersidad na pinapasukan ko. Muntik na akong masagasaan mabuti na lang at nakita ako ni Kevin na may dinaanan sa unibersidad namin. Simula nang araw na 'yun ay naging mag-best friend na kami at lumipat na rin ako sa unibersidad na pinapasukan niya para makalimutan ang masama at masakit na nangyari sa'kin sa dati kong pinapasukan. "Best naman, hindi pa naman ako ikakasal agad do'n. Magme-meet pa lang kami at saka baka pwedeng naming pag-usapan 'wag na lang namin ituloy ang kasal diba? Hindi namanj siguro magagalit si Daddy Lorenzo kapag hindi kami magkasundo ng anak ni Tito Marcus, no." "Teka, hindi pa ba talaga kayo nagkakilala o nagkita ng fiancee mo? Diba kapatid siya ng napangasawa ni Hera at saka kilala ka na simula ba no'ng Tito Marcus mo." "Sa tingin ko nagkita na pero nakalimutan ko na. Siguro no'ng mga bata pa kami at hindi ako nakapunta sa kasal nina Hera at CJ dahil nasa seminar ako ng mga panahon na 'yun." "Oo nga, no. Nakalimutan ko. Pero hindi mo man lang ba naitanong kay Hera kung anong itsura ng fiancee mo? O kahit pangalan man lang." "Hindi rin. Ewan ko ba hindi ko naisip 'yun. Siguro hindi lang talaga ako interesado sa lalaking 'yun. Alam mo naman ang goal ko ay mapalaki muna ang negosyo natin bago ako mag-asawa." "Kaya lang dumating itong arrange marraige mo." "Naaawa kasi ako kay Papa na laging dinadalaw ng Daddy ko sa panaginip kaya hindi masyadong nakakatulog isama mo pa ang pananakot rin ni Tito Marcus." "Hindi naman siguro totohanin ng Tito Marcus mo ang pananakot niya diba sa Papa mo." "Ewan. Desidido talaga si Tito Marcus na matuloy ang kasal namin ng anak niya." "Pasensiya ka na talaga, best wala akong maitutulong." "Ano ka ba ayos lang, no. Problema ko 'to. Asikasuhin mo na lang ang restobar natin habang wala ako." "Hindi mo na kailangan pang sabihin at saka pagbalik mo ipapatikim ko sa'yo ang bago kung recipe." "Promise mo 'yan, best." "Oo naman. Ikaw kaya ang inspirasyon ko sa recipe na 'to." Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ng Papa na may gusto itong best friend ko sa'kin. "O siya, sige best. Paalam muna aasikasuhin ko muna itong mga lulutuin ko." "Sige best. Ingat sa pagluluto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD