Chapter 3

1524 Words
Athena Shane Davin Kabababa ko lang ng tricycle galing sa restobar na magmamay-ari namin ng best friend ko nang makita kong nagkukumpulang tao sa harap ng rine-rentahang apartment. Nagmamadali akong lumapit sa kapitbahay kong matanda na nakikiusyoso sa nangyayari. "Manang, ano pong meron?" "Ewan ko, Ining. Hindi ako makasingit, e. Hindi ko makita kung anong nangyayari." "Sige po, Manang. Salamat po." Pilit kong lumusot sa nagkukumpulang tao papuntang harap. Malamang apartment ko 'to saan pa ako maaaring dumaan. Laking gulat nang makarating ako sa harap ng apartment ko. Nakalabas at nakakalat lahat ng gamit ko. Ano bang nangyayari rito? May sunog ba? Ba't itong mga gamit ko lang ang nilalabas? "Sige, ilabas niyo lahat ng 'yan. Siguraduhin niyo na walang ni katiting na gamit ang maiiwan. Masyadong masinop ang papalit sa apartment na 'to." ani ni Manang Cedes. Ang matandang dalaga na katiwala nitong apartment. "Manang, ano po ang nangyayari rito? Bakit nasa labas po lahat ng gamit ko?" "Pasensiya ka na Shane. Utos lang sa'kin ng may-ari. Luluwas kasi anak niya galing probinsiya kasama ang pamilya nito." "Bakit ako pinapaalis niyo? Hindi naman po kayo nag-abiso sa'kin basta-basta niyo na lang nilabas ang mga gamit ko. Maaari ko kayong kasuhan n'yan." "Shane, wala namang ganyanan napag-utusan lang ako nang may-ari." " At saka wala naman po akong palta sa pagbabayad ng renta. Sa katunayan nga palagi akong nag-a-advance." "Pasensiya ka na talaga, Shane. Sa lahat kasi ng nagrenta rito ikaw lang ang hindi pamilyado. Madali ka lang makahanap ng apartment kumpara mga pamilyadong nandito." Katwiran ni Manang Cedes. May katwiran din kasi naman ang matanda. Kapag ikaw lang mag-isa madali ka na lang makahanap ng rerentahang apartment kumpara sa may pamilya. "Pasensiya na talaga Shane." "Paano ipapatawag na lang kita ng taxi?" "Hindi na po. Kaunti lang naman itong mga gamit ko." "Sige, ikaw bahala. O siya, maiwan na kita at may aasikasuhin pa ako sa loob." Umalis na rin ang mga taong nagkukumpulan. Sa pag-aakalang may eskandalong magaganap. Hindi naman kasi ako eskadalusang tao dahil pinalaki ako ng Papa na mapagkumbaba at magalang sa mga nakakatanda. Pinulot ko isa-isa ang mga gamit ko. Mabuti na lang wala akong masyadong gamit at ang mga damit ko ay nasa bag lang. Agad kong tinawagan si best friend para magpasundo ngunit out of coverage ito kaya ang kapatid kong si Tanya na lang ang natatangi kong pag-asa. "Oh my dearest sissy. Napatawag ka sa pinakamaganda mong kapatid." ani ng kapatid ko sa kabilang linya. "Ang hangin mo talaga." Kahit kailan talaga. "Ito naman hindi ka sa supportive. Oh, bakit ka napatawag? Uuwi ka na ba rito sa mansyon?" "Pwede mo ba akong sunduin dito sa harap ng apartment ko?" "Pinalayas ka ba ng land lady mo? Aba'y makakatikim sa'kin 'yang matabang 'yan." "Hindi no. Ako ang umalis. Namimiss ko kasi kayo lalo na si Papa." Hindi ko na sinabi ang totoo baka nga patitikimin niya si Manang Cedes. Kawawa naman 'yung matanda. "Mabuti siguradong matutuwa si Paps. Lately kasi parang hindi siya masyadong nakakatulog at laging binabanggit ang pangalan mo kahit na tulog." "Sige kakausapin ko si Papa pagka-uwi ko. Sunduin mo na ako." "Be right there, sissy." -----***----- "Maligayang pagbabalik, hija." Sinalubong ako ng yakap ni Manang Sholing. Ang babysitter naming tatlo nong mga bata palang kami. "Dito ka na ba titira ulit, hija? Alam mo siguradong matutuwa ang Papa niyo." Pagpapatuloy ni Manang. "Opo, nay. Namimiss ko kasi 'yung luto niyo." "Ikaw naman kasi bumukod-bukod ka pa. Tingnan mo nga nangangayayat ka na." Sinamaan ko ng tingin ang taong nasa likod ko nang marinig kong nagpipigil ito ng tawa. "Nay naman, pumayat lang ho ako ng kunti." "Hindi pwede sa'kin ang ganyan. O siya, magluluto ako ng masarap ng pakain. Dapat marami kayong kakainin hindi pwede sa'kin 'yang payat n'yong katawan. Lalo ka na Tanya may pa-diet-diet ka pang nalalaman mukha ka ng buto't balat." Ako naman ngayon ang nagpipigil ng tawa. "Nay Sholing naman." ani ni Tanya. "Nay, nasa'n nga pala si Papa?" Pag-iiba ko. "Halika ka, sissy nando'n lang naman lagi si Paps sa kwarto niya namumukmuk." ani ni Tanya. "O siya, puntahan niyo na ang papa niyo." ani ni Manang Sholing. Umakyat na kami ni Tanya. Nasa labas pa lang kami ng kwarto ni Papa dinig na dinig na namin ang pinagsasabi nito. "Ayoko. Tama na. Tigilan mo na ako. Oo na. Papayag na ako." ani ni isang lalaki sa loob ng kwarto. "Sinong kausap ni Papa sa loob?" "Ewan. Wala namang kausap d'yan si Paps. Sa palagay ko binabangungot na naman 'yang si Paps." ani ni Tanya. "Bangungot? Ano pa ang hinihintay natin. Dapat gisingin natin si Papa." Dali-dali akong pumasok kasunod si Tanya sa kwarto ni Papa. Naabutan namin siyang pabaling-baling sa kanyang kama. "Papa! Papa! Gumising po kayo! Papa!" Inalog-alog ko siya para magising. Nagising si Papa at nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap. "Athena, anak." ani ni Papa "Yes Papa. Si Shane 'to. Ano po ba ang nangyayari sa inyo? Nangangayat na po kayo? May sakit po ba kayo?" Hindi naman kasi ganito ang pangangatawan ni Papa nang huli ko siyang makita. Malusog ito at puno ng buhay hindi tulad ng nakikita ko ngayon nangangayayat at putlang-putla. "Wala akong sakit anak. Dito ka na ba titira ulit? Sinabi sa'kin ni Tanya na pinaalis ka raw ng may-ari ng rine-rentahan mong apartment." Sinamaan ko ng tingin si Tanya na nagkukubli lamang sa tabi. "Hindi naman po. Umalis po ako dahil namimiss ko na kayo." "Namimiss din kita, anak." ani ni Papa. "Papa, ano po ba 'yung binabanggit niyo sa panaginip niyo parang takot na takot kayo." Singit ni Tanya. "Athena Shane, anak. Hindi naman lingid sa kaalaman mo. Actually sa inyong dalawa ni Tanyaj na hindi ako ang tunay niyong ama. Pero inaalagaan, minahal at tinrato ko, namin ng Mama Angie niyo na para naming tunay na anak." "Oo Papa at nagpapasalamat kami sa inyo ni Mama Angie." Kung hindi dahil sa kanila ni Mama Anjie malamang nasa bahay-ampunan ako ngayon. "Ang da-drama niyong, mag-ama." Singit ni Tanya. "Halika nga rito, my rebel daughter." ani ni Papa. Agad lumapit si Tanya sa ama. "Mahal mo naman." ani ni Tanya. "Kayong mga anak namin ni Angie ang kayamanan namin at hindi namin kayo ibibigay basta-basta kung kani-kanino lang." ani ni Papa. "Pa, ano pong ibig niyong sabihin?" "Athena Shane, bago mamatay ang Daddy Lorenzo mo, gumawa sila ng kasunduan ng Ninong Marcus mo na pagdating ng araw ay ikakasal kayo ng anak niya." "Arrange Marriage? Uso pa ba 'yun, Paps?" ani ni Tanya. "Ayokong sundin kasunduang 'yun. Gusto namin ng Mama Angie niyo na kayo ang pipili ng lalaking mamahalin at gustong niyong makasama habang buhay." Pagpatuloy ni Papa. "Kaya po ba hindi kayo makatulog dahil minumulto kayo ng tatay ni Shane?" Singit ni Tanya. Kung nakakamatay lang ang sama ng tingin kanina pa nakabulagta 'tong si Tanya. Kanina pa siya simula nang nagpasundo ako sa kanya. Sabay kamay napalingon sa pinto nang may narinig silang kumatok. "Bukas 'yan. Pasok." ani ni Papa. Bumukas ang pinto at inuluwa si Manang Sholing. "Rodrigo, may nagpadala na naman sa'yo nito." Inaabot ni Manang Sholing ang isang puting envelop na may mga iba't-ibang bulaklak na desinyo. "May nagpapadala pala sa'yo ng love letter, Paps?" ani ni Tanya. Hindi pinansin ni Papa si Tanya pinili na lang niyang buksan ang envelop. Naniningkit ang mga mata ni Papa nang makita at mabasa ang laman. "Isa rin 'to sa hindi nagpapatulog sa'kin." Mahinang ani ni Papa. "Mukhang hindi naman ata 'to love letter. Mas mukha itong death threat?" ani ni Tanya nang kunin mula sa ama ang sulat. "At sino itong MC? Ang baduy niya magpadala ng death threat, a. May bulaklak pa siyang desinyo." Patuloy ni Tanya habang sinisipat ang sulat. "Kilala mo ba ang nagpadala nito, Papa?" ani ni Shane. Tahimik na tumango ang ama. "Ang Ninong Marcus mo. Gusto niyang ituloy ang kasunduan nila ng ama mo." Kung gano'n siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Papa. Hindi ito nakakatulog ng mabuti dahil lagi siyang dinadalaw sa panaginip ng tunay kong ama at si Ninong Marcus ay lagi ring nagpapadala ng death threat. "Papa, mahal ko kayo at kayo na lang po ang pamilya ko kaya pumapayag na po ako sa kasunduan nilang 'yun." "Anak-" Hindi natuloy ni Papa ang sasabihin nang muli akong magsalita. "Papa, malaki ang pasasalamat ko sa inyo. Ayoko pong mahirapan pa po kayo kaya pumapayag na po akong magpakasal sa anak ni Ninong Marcus." Aalma pa sana si Papa pero buo na ang desisyon ko. "Kung 'yan talaga ang pasya mo, anak susuportahan kita pero oras na saktan ka ng lalaking 'yun ako mismo ang maghihiwalay sa inyo. Kahit magkagalit pa kami ng Ninong Marcus mo at ng yumao mong Tatay." "'Wag po kayong mag-alala, Papa kaya ko naman po ang sarili ko. Pinag-aral mo kaya ako ng taekwando." "Ikaw talagang bata ka." "Group hug!" ani ni Tanya saka dinambahan kami ni Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD