NATAPOS ang buong araw ni Lara at inaya siya ni Krizzy na uminom ng kaunti.
"Sige na.. I know a place. Para maiba naman yang awra mo. Ilang araw na kitang napapansin na parang wala sa old Lara.." Pangungulit ni Krizzy sa braso niya.
"Hahanapin ako ni Elton. Kilala mo naman yun diba.."
"Mismo.. Kilala niya ko. Alam niyang safe ka sakin so halika na.." Hindi na siya nito tinigilan at hinila hanggang makasakay sila ng taxi.
"San ba tayo pupunta? Sandali lang ako huh. Hindi ako pwedeng magtagal..." Hayag niya sa kaibigan ng nasa loob na sila ng sasakyan.
"Asus.. Nag aaway din naman kayo halos araw araw na ata so lubos lubusin mo na.. Ito naman. Hindi naman kayo maghihiwalay.." Litanya ni Krizzy.
"Sana nga maghiwalay na lang.." Mahinang naibulilas nito.
"Huh?! Anong sabi mo?" Napatingin itong nagulihanan sa hindi malinaw na narinig ng kanyang tenga.
"Wala.. Hindi ka ba hahanapin ni Enzo?" Pag iiba niya.
"Nag chat naman ako. Alam naman niyang ikaw ang kasama ko. Hindi naman yun gaya ng boyfriend mo na kulang na lang itali ka."
"Maiba ako.." Sambit nito na biglang naging seryoso ang mukha. "Oh?"
"Masaya ka ba?" Tanong ni Krizzy.
"Huh?"
"Kung masaya ka ba.. Sa inyo. ni Elton. Malapit na ang kasal niyo. Sure ka na ba? Siya na ba talaga ang nakikita mong makakasama gang pag puti ng buhok mo?" Sandaling natahimik si Lara. Napaisip siyang bigla. Masaya nga ba siya?
"Ang tagal sumagot huh. Mukha tama at sakto lang ang paglabas natin. Iinom natin yan.." Ngisi ng kaibigan.
"Sira... Wala to.. Normal lang naman yung ganito. Baka dahil ang tagal na namin at malapit na ngang ikasal.." Agad na nagsalubong ang kilay ni Krizzy.
"Hala siya.. Anong normal na sinasabi mo diyan? Naku po! Patay tayo diyan... Delikado yan, Lara. Kasal ang papasukin mo.. Kung may pagdadalawang isip ka wag mo ng ituloy.." Muling natahimik si Lara. Pakiramdam niya tama si Krizzy at kailangan niya ngang uminom.
Samantala...
"Nakita mo ba yung bagong architect kanina? Mukhang type ka.. Panay ang sulyap sayo.." Banat ni Alyah ng naglalakad na sila ni EL sa hallway palabas ng building nila.
"Okay lang naman. Maganda.. hmmm.." Sagot niyang wala sa kundisyon.
"Pwede na diba? Bat dimo subukan? Baka time na din para magka love life ka.. bakla.."
"Wala akong panahon sa ganyan, Alyah. Makakapanakit lang ako.." Batid sa kanya ang kawalan ng interest na naging daan naman para lalo siyang kulitin ni Alyah.
"Wait... Ano?? Teka.. May hindi ba ako alam?? Hoy! EL may hindi ka ba sinasabi? Ayan ka nanaman ah.. Sa ginagawa mo ikaw ang masasaktan nanaman.."
"tsskk.." Singhal niya. "Sinasabi mo diyan.." Dagdag pa niya.
"May bagong girlfriend ka na ba?"
"Wala akong girlfriend. Parang kasasabi ko lang wala akong panahon. "
"Wag ako, Elizabeth Patricia Meyer..." Agad namang sumilay ang punit na mukha ni EL sa pagbikas nito sa buong pangalan niya.
"Wag din ako, Rolando Allan Jiminez!!" Panggagaya niya rito. Nahampas naman agad siya nito sa balikat.
Ayaw kasi ni Alyah nababanggit ang tunay niyang pangalan dahil lalaking lalaki nga naman ang tunog nito.
"Fine... Hindi ka rin naman makakatiis kapag naging komplikado na ang lahat. Panigurado sasabihin mo din sakin yan. Ikaw pa ba, EL.."
"Wow! Kilalang kilala mo talaga ako no!" Irap niya kay Alyah.
"Wag mo sabihing makikipag balikan ka kay Deena?! Kaya ka ba nagkakaganyan?"
"Deena? Bakit naman napasok sa usapan si Deena? Akala ko pa naman kilalang kilala mo na ko.. Kailan pa ako bumalik sa isang cheater?!" hindi niya pag sang ayon.
"Kung sabagay once a cheater is always a cheater. Ei sino? Sinong dahilan ng biglang pag iiba mo nitong mga nagdaang araw?? Akala mo diko napapansin.. Sino si Lara?!" Parang may kung anong bagay ang tumapik sa dibdib niya ng marinig ang pangalan ni Lara.
"Kaibigan nga diba.." Sagot niya.
"Okay.. sabi mo ei... Pero maaga pa..", Sambit nito ng mapatingin sa kanyang watch.
"Tara mag bar na muna.." Aya niya kay EL.
"Ayoko..." Mabilis na sagot naman nito. Ang mukha ni Alyah tila nakakita ng multo sa pag tanggi niya.
"First time yan, huh.." Kunot ang noo nitong hayag. "Nung huling ganyan ka, kayo pa ni Deena pero nagkakalabuan na..." Malisyoso nitong saad.
"There's something talaga, EL.. Sabihin mo na kasi..Wala namang mawawala... I won't judge you kung may balak kang makipag balikan diyan sa ex mo.."
"It's not about her.. Bakit ba siya ang naiisip mo??"
"See.. So inamin mo din na meron nga. Kung hindi si Deena.. sino??" Nakumpirma ng di oras ang hinala ni Alyah. Mas lalo siyang naengganyong ayain ang kaibigan.
Sa kabilang banda nagsimula namang mag init ang upuan nila Lara at Krizzy ng makailang minuto na silang umiinom matapos makarating sa nasabing bagong bukas ni Krizzy.
"Ikaw ba? Kapag inaya ka ni Enzo magpakasal?"
"Syempre oo agad. Pinag iisipan pa ba yun. Wala na kong hahanapin pa kay Enzo.. gwapo, matalino, hindi boring tsaka alam mo na.. " Sabay tawa nito.
"Sira ka talaga..." Hinagisan niya ng mani si Krizzy ng maunawaan niya ang tinutukoy nito.
"So bakit nga? Bat bigla mong natanong yung about sa gabi namin ni Enzo?" Pagbabalik nito sa kaninang usapan na walang naging kasagutan.
"Nothing. Na curious lang. Ang tagal niyo na din kasi. Ilang taon nga? 7 years?? Grabe.." Sabay inom ni Lara.
"Pero never kami nag live in.. Kayo ni Elton ang tagal niyo ng magkasama sa iisang bubong so magkaiba yun. Malamang nga mas madami pa ang bilang ng s*x niyong dalawa kaysa samin ni Enzo.." Tila nahiya naman bigla si Lara sa ibinahagi ng kaibigan.
"Buti hindi ka nabubuntis no.. Kami ni Enzo gusto na namin pero wala talagang nabubuo.. alam mo yun? Kahit anong posisyon pa girl, ligwak pa din.." Sunod ay ang pagtawa nilang dalawa. Sabay tagay sa inumin nila.
"Ayaw pa ni Elton.." maya maya pa ay seryosong sagot ni Lara.
"Ay weh? Seryoso? Bakit naman? Ikakasal na din naman kayo.." Kibit balikat niya sa tanong ng kaibigan.
Habang nagkukwentuhan ang dalawa siya namang pagpasok ng entrance ni EL at Alyah. Parang naisipan nanaman ng tadhanang maglaro.
Si Lara agad ang nakita ni EL. Sandali itong natulala at nahinto. "Hoy! Tara na sa loob..." Wala pa din naging ganti si EL. Nakatuon pa din ito sa direksyun ni Lara.
Dahil sa kakaibang ikinikilos niya sinundan ni Alyah kung saan paroon ang mga mata na parang dinaanan ng masamang hangin kaya hindi na gumalaw.
Napangiwi na tila nag iisip si Alyah ng makita ang babaeng kumuha sa atensyon ng kaibigan. "Tara na!" hila niya rito saka pa lang bumalik ang ulirat.