11

1106 Words
NAPAANGAT ng tingin si Lara ng bigla na lang tumambad sa harapan niya si EL. Nakatayo itong nakatitig lang sa kanya. "Can we join? Lara? Right?" Parang isang malakas na kalampag ang gumising sa natutulog na diwa ni EL at napatingin sa kaibigan. "Kilala mo ako?!" Bumalin naman si Lara kay Alyah. Ang totoo nagbaka sakali lang ito at hindi naman talaga niya kilala kung sino ang Lara na isang beses niya lang narinig mula kay EL. "No.. Nakita ko lang yung pict..." Agad itong pinigilan ni EL. "Upo kayo.. "Alo naman ni Krizzy ng mapansing tila walang balak si Lara na paanyayahan ang dalawa. "Upo raw tayo.." Sambit ni Alyah sa kaibigan na wala pa ding imik. "Hello.. I'm Rollan.." Pagpapakilala ni Alyah. Muling napatingin sa kanya si EL sa pagtataka. Naging diretso din kasi ang boses nito na kung hindi mo kilala hindi mo talaga aakalaing gay pala ito. "I'm Krizzy.. And you are?" Sagot niya kay Alyah saka bumalin kay EL. Saka pa lang ito humarap. "EL.." Inabot niya ang kamay para makipag hand shake. Tinanggap naman ito ni Krizzy at napasulyap pa kay Lara. "So magkakilala kayo?" Tanong ni Krizzy. Naging salit ang tingin niya kay Lara at EL. Lahat kasi ng tao sa buhay ni Lara ay kilala ni Krizzy kaya ganun na lang ang dating ng tanong nito. "Yeah.. We're .. Amm..." "Friend diba?" Singit agad ni Alyah. Makahulugang tingin ang itinapon kay EL. "Yeah.. We're friends.." Formal niyang pagtatapos. Nagsimulang magkwentuhan si Alyah at Krizzy habang tahimik naman ang dalawa. Padakay panay ang pag iwas ni Lara sa mga tingin ni EL na animo'y matutunaw na siya. "Heck.. Your ex girlfriend is calling, EL.." Nasambit ni Alyah ng mailabas ang phone mula sa bulsa niya at makita kung sino ito. "Don't answer it!" Agad na sita ni EL. "Wait? Ex girlfriend?!" Tila namangha naman si Krizzy. "Ang ganda mo.." Dagdag pa nito. "Oo nga ei.. Ang ganda niya diba.. Sabi ko nga kami na lang.." Naging komento ni Alyah na lalong nagpakunot sa noo ni EL. Hindi niya mawari kung anong ginagawa ni Alyah at bakit ito nagpapanggap. "Willing to wait pa din naman ako sa kanya ei.. Hanggat hindi pa siya kinakasal may chance pa diba??" Labas ang ngiping hayag ni Alyah. Hindi na matapos ang pagsi mangot ni EL sa mga sinasabi nito. "Speaking... My friend here.. Malapit ng ikasal.." Balin naman ni Krizzy kay Lara. "Oh! Wow! Congrats.." Bati ni Alyah. "Pero mukhang nagdadalawang isip na.." Nasamid bigla si Lara at naubo matapos ng sinabi ni Krizzy. "Bakit naman?" Tanong agad ni EL na naging focus ang mga mata kay Lara. "Wag niyong pinag iintindi itong kaibigan ko.. Palabiro to eh.." Maagap niyang alibi. Nag iwan naman ng katanungan iyon kay EL. Lalo pa nung una silang magkakilala at magkausap ni Lara ay napansin niya na din iyon. Na parang hindi masaya si Lara sa nalalapit na kasal. "Mahirap yan.. Kung hindi ka 100% sure it's better to call off the wedding kaysa tumakbo kung kailan nasa altar ka na.." Sambit ni EL saka tumagay. "Wow.. Tama ba ang naririnig ko?" Si Alyah naman ang nagsalita. Nakuha naman nito ang kuryusidad ni Krizzy. "Bakit? Muntik ka na din bang ikasal, EL?" Tanong ni Krizzy. Tila nahihiwagahan naman si Lara na gustong marinig ang isasagot nito. "Date to marry itong partner ko.." Si Alyah ang sumagot. "Itong ex girlfriend niyang tumatawag.. Kung hindi niya pa nahuli sa akto-" "Hey!" Pigil ni EL. "Huh?!" Bumalin naman ang kuryusidad kay Krizzy. "She proposed but before the wedding nahuli niyang nakikipag s*x sa lalaki sa mismong condo.." Nabigla si EL na gusto ng sapalan ang bibig ng kaibigan ng ipagpatuloy pa din nito ang kwento. "....Pero parang wala pa siyang balak nun umurong sa kasal.." Kwento ni Alyah. Gusto na siyang hilain ni EL palayo sa mga kainuman. "Aw! Ang sakit naman nun.." Naibulilas ni Krizzy. "Pero mabuti na lang din at least hindi ka pa nakatali sa kanya.." Dagdag nito saka tumingin kay Lara. "Kaya ikaw.. Mag isip kana... Kung gusto mo ba talaga makasal kay Elton.." Pahabol pa ni Krizzy. "Wala namang 3rd party para hindi matuloy ang kasal.." Tugon naman ni Lara. "Hala siya. Hindi pa ba dahilan yan??" Ininguso siya ni Krizzy. "Hindi lang naman pag loloko ang pwedeng rason para maghiwalay ang dalawang tao, Lara.. Pwedeng hindi kayo click.." May pag galaw pa ng ulo nito. "...Pwedeng na fall out of love ka na.. O di kaya hindi ka na satisfied sa s*x niyo..." May pagtawa sa dulo. Pakiramdam ni Lara gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa sa mga pinag sasabi ni Krizzy. "Oh my God.." Tanging nasabi na lang ni Alyah. "For me, siguro mas okay ng nagcheat kaysa nawalan na ng gana sa relasyon namin.." Turan ni EL. Sandali namang tumayo si Lara para magbanyo. Syempre hindi naman pahuhuli si EL at agad siyang sinundan. "So, nagdadalawang isip ka ng magpakasal?" Banat agad ni EL ng dalawa na lang sila. "It's none of your business.." Sagot naman ni Lara sa kanya. Lumapit pa si EL hanggang isang dangkal na lang ang layo nila. Ramdam na ni Lara ang hininga nito kaya banayad na humakbang palayo pero mas lalo pa atang naging delikado dahil nacorner siya ni EL. Nagsalubong ang mga mata nilang mas naging malapit. Ang katawang tila maga ground na sa isang hakbang pa. "What are you doing?! Don't you dare touch me, again... EL.. or else.." "What? Are you gonna scream?" Malandi nitong hayag habang mas naging malapit ang mukha kay Lara na tila inaamoy nito ang halimuyak niya. "Is it true? Hindi ka na nga ba satisfied sa s*x life mo kaya.." Hindi nito natapos ang sasabihin dahil natakpan ng palad ni Lara ang bibig niya. "You don't know anything so stop talking non sense and please leave me alone.." Mariing hayag ni Lara. Napasinghal lang si EL. "Do you really want me to leave you alone?" May panghahamok na sambit nito sa tenga niya. Ang paghinga niya tila napuputol na sa mga oras na iyon. Bumaba pa ang tingin ni EL at napunta sa dibdib niyang malinaw ang pag angat baba. "You are nervous.." Sambit nito. "You are making me uncomfortable.." Sagot ni Lara nakatingin pa din sa mga mata niya. "Then.. Why don't you push me away? Why do I have this feeling that right now.. down there.." Tinapunan ng tingin ang tinutukoy. "...You are totally wet?!" Kasabay nito ang paghaplos niya ng marahan sa braso ni Lara. Panay naman ang naging paglunok ni Lara. Nanginginig ang mga tuhod niya at gusto na lang niyang maglaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD