7

1116 Words
Abala si Lara sa bagong design niya para sa darating na summer. Napapatingin na lang ang katabi dahil sa paulit ulit nitong paglukot sa mga papel. "Teka.. Maganda naman ang isang to. huh.." Naibulilas ni Krizzy ng pulutin at mabuklat ang papel na nilamutak at hinagis niya sa basurahan. Panay ang buntong hininga ni Lara at hindi pinapansin ang kaibigan. Walang tigil ang kamay niya sa pag ukit ng iba't ibang design. Maya pa ngay pinunit nanaman niya ito mula sa sketch pad. "Lara.. May problema ba?! Okay ka lang ba?" Hindi na napigilan ni Krizzy mag usisa dahil sa halatang galawan niya. Ilan sandali pa tila sumabog si Lara at napasubsob sa table niya. "Ui! Bakit ka umiiyak?!" Napalapit ng bigla si Krizzy sa kaibigan kasunod ang paglapat ng palad niya sa likod nito. "Okay lang ako.." Sagot niya ng mag angat ng ulo. Mabilis niyang pinahid ang luha bago pa ito matuyo sa kanyang pisngi. "Hindi ka okay.. Ano ka ba.. Ilabas mo yan kung hindi masisiraan ka talaga ng ulo.." Saglit na tumingin sa kanya si Lara, tumikhim bago nagsalita. "I don't know what's wrong with me, Krizzy. Lately, everything seems chaos.. Ewan ko!" Sa dulo ng kanyang salita napahawak siya sa kanyang ulo na parang sumasakit ito ng sobra. "Is it about, Elton? Hindi nanaman ba kayo magkasundo?" Nagugulihanang usisa ni Krizzy. Ang utak naman niya ay parang huminto sandali. Sari saring impormasyun ang pumapasok at nahihirapan siyang iprocess ang mga ito. "We have been together for 5 years, Krizzy. Alam mo yan." Tumango naman ang kausap. "Back then.. I was so in love.. So sure in everything but.. " "WAS? Past tense?" "Hindi ko alam.. Ang gulo. Hindi ko na maintindihan ano bang nangyayari sa'ken.." "May iba ba?!" Parang malakas na hampas ang naramdaman ni Lara sa salitang iyon. "Wala akong iba.. Yun lang ba ang pwedeng rason para magbago ang isang tao?" Mababatid sa itsura niya ang pagkayamot. "I'm referring to Elton.. Lara. Not you.. "Alangang saad ni Krizzy. "Oh.. No.. Walang iba.." Sandaling sumagi sa isip niya si EL. "Wala ito. Baka dala lang ng hormones. Tsaka first day ko din kasi..." Pagdadahilan niya saka bumalik sa pagiging abala. "Are you sure? Pero advice ko mas magandang pag usapan niyo yan ni Elton. Communication is crucial pagdating sa relasyon, Lara. Hindi niya malalaman ang saloobin mo kung hindi mo sasabihin sa kanya." "Hindi rin naman siya makikinig, Krizzy. Parang hindi mo naman siya kilala. " Muli siyang napabuntong hininga. Dumating ang oras ng lunch pero walang gana kumaen si Lara at napili nitong magkape lang sa rooftop ng kanilang building habang nag ssmoke. Malalim ang kanyang iniisip na parang malulunod na siya sa lalim nito. Padakay biglang nag vibrate ang phone niya kaya sandaling natapos ang pagmumuni muni. "Sino naman kaya to.." Naibulilas niya kasabay ang pagsagot sa tawag. "Hi.. Are you busy right now? Yayain sana kitang mag lunch.." Kumunot ang noo niya at hindi agad nakasagot. "EL.. How did you get my number?" Hindi siya nito sinagot. "Napag usapan na natin to diba? We can't see each other anymore.." Giit niya. "Why not?" "Anong why not?" Napasinghal siya sa frustration na naramdaman. "Ikakasal na ko.. Ano bang hindi malinaw-" "I know.. Hindi ko naman sinabing wag kang magpakasal, Lara. Anyway mukhang wrong timing ako. Sorry.." Agad na ibinaba ni EL ang tawag. Napailing na lang si Lara at marahas na buntong hininga. Ang dating ay parang siya pa ang nakagawa ng mali. "Hello.. San tayo magkikita?" Napangiti si EL ng mag call back si Lara sa kanya. Naunang dumating si EL sa lugar kung saan nila usapang magkita. Habang wala pa si Lara panay ang naging tingin niya sa mga lumang design na nasa phone niya sa mga dating projects. "EL.." Napaangat siya ng ulo. Sunod na nagsalubong ang mga kilay ng makita at makilala ang taong tumawag sa kanya na ngayon ay nasa harapan niya. Hindi pa man niya ito pinaanyayahan ay pala desisyon na naupo sa harap niya. "What are you doing?" Bakas ang hindi pagkatuwa kay EL sa inasta ng ex girlfriend. "Mag usap tayo, please.." Pakiusap ng babae. Humawak pa ito sa braso niya habang nakatingin ng taimtim sa kanya. "Wala tayong dapat pag usapan. Umalis ka na.. May inaantay akong importanteng tao.." Ngumisi ang babae, ngumiti ng mapait saka napayuko. "Nag aantay ka na ngayon?" Singhal nito. Napaiwas lang ng tingin si EL. Batid niyang walang magandang pupuntahan ang usapan na iyon. Sa kabilang banda dumating naman si Lara. Sa may entrance pa lang napahinto na siya ng mamataan si EL na may kasamang babae. Suminghal siyang naging matalim ang tingin. Walang pagdadalawang isip na hindi na siya tumuloy sa pagpasok. Bago pa man makalayo nakita na siya ni EL. Agad na tumayo si EL para habulin siya. Sumunod naman ang babae kahit pa kanina pa siya pinagtatabuyan ni EL. "Wait! Lara.. Let me explain.." Hapit nito sa kamay ni Lara. Dumako naman ang tingin ni Lara roon bago siya hinarap. "Explain what?" "Yung nakita mo.. She's nothing.." Iling na hayag nito. "And so are we.." Ibubuka pa lang uli ni EL ang bibig niya para sagutin si Lara ng napigilan na ito sa pag singit ng EX niya. "So, kaya ayaw mo akong kausapin?" Sabay silang napatingin sa pumagitna sa kanila. Saka naman nagpatuloy si Lara sa paghakbang palayo. "Matagal na tayong tapos, Deena.. Ano bang problema mo..?" Sunod ay sinundan niyang muli si Lara. "Please.. EL.. I have to go. Patapos na din ang lunch ko.." Giit ni Lara saka inalis ang hawak niya. Wala na siyang nagawa kundi pagmasdan ang papalayong si Lara. "Bago mo ba yun?" Salubong ang mga galit niyang kilay na hinarap si Deena ng muling makalapit ito sa kanya. "Ano naman sayo? Teka nga.. Ano bang drama mo? Sinabi ko naman, wala tayong dapat pang pag usapan.." "For once pwede bang pakinggan mo naman ako?.." Nangingiyak na hayag ni Deena pero suminghal lang si EL dulot ng hindi pagkapaniwala nito. "Malinaw ang mga nakita ko, Deena at kahit pakinggan kita ngayon hindi mababago na may nangyari sa inyo ng lalaking yun!!" "I did not cheat, EL.. Alam mong may problema na sa atin umpisa pa lang.." "Wow! Deena.. Are you kidding me? Naririnig mo ba ang excuses mo? See if I care!" "Listen to me, please.." May sakit sa tinig nito. "I ain't got time for this shit.." Agad siyang tinalikuran ni EL. Nang makabalik siya ng firm dire diretso lang siya ng lakad sa hallway. Nagtaka si Alyah dahil parang naging invisible siya sa harap ng kaibigan dahil nilagpasan lang siya nito kahit pa malakas ang naging pagtawag. "Problema nun?" Buong pagtataka ni Alyah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD