8

1069 Words
"Anong nangyari sayo? Huh?! Kanina lang walang paglagyan ng saya mo then now para kang nalugmok.." Banayad na naupo si Alyah sa pwesto niya habang hawak ang kape. Galing kasi siya sa pantry. "Nothing.. " Nakatuon lang siya sa laptop. "Sasabihin mo ba o hindi?" Tila wala itong balak tigilan siya kaya pinaikot ang kanyang swivel chair paharap rito. "I saw Deena.." Pagsisimula niya. Agad namang nag iba ang mukha ni ALyah. "Saan? How? Kinausap ka? Kinausap mo ba?" Sunod sunod na tanong nito. "Kung saan dapat kami mag lulunch ni Lara.." Isang nagtatanong na mga mata ang sunod na sumilay kay Alyah. "At sino naman si Lara?" Huli na ng marealize ni EL ang hindi niya dapat binanggit sa kaibigan. "A friend.." Tipid niyang sagot sabay iwas ng tingin. "A friend? Tsaka ngayon lang kita nakita nag lunch sa labas.. Ayaw mong mainitan diba?" Tila may namumuong paghihinala sa boses ni Alyah. "For a change.." Walang sulyap na saad niya. "Hmmm... Change.. Nakikita ko nga.. Okay.." Sabi nito sabay higop sa kapeng hawak. Samantala nakabalik na din si Lara sa building nila. Dumaan pa ito ng banyo. Nagulat siya ng paglabas niya saktong papasok naman dapat si Elton sa banyo ng mga lalaki. "Hey.. Lara.." "Elton? Anong ginagawa mo rito? Wala ka na bang work?" "Nag resign na ako. By next week ako na ang magiging bagong CEO ng family business. Wala na kasing balak bumalik pa si Dad. Hmm.. Antayin ko out mo.." "Okay.." Tanging sagot nito. Paalis na sana ito. "Wait.. Okay lang? Wala ba akong kiss? Hug diyan?" Yumakap naman sa kanya si Lara saka humalik sa pisngi. "See you later.." Sambit ni Lara. Muling tumuon si Lara sa mga drawing niya ng makabalik ng table niya. Pilit niyang ikinukundisyon ang sarili at iniiwasang mag isip. "Okay, ka na?" "Yeah.." Sagot niya ng dumating si Krizzy. "Yung phone mo.. May tumatawag ata sayo." Napatingin naman siya roon. Number lang pero isang tao agad ang pumasok sa isip niya kaya hindi niya ito sinagot. "Si Elton ba yan? Bat ayaw mong sagutin?" Tanong ni Krizzy. Tinignan niya lang ito ng masama kaya tumalikod na lang ito ng maunawaan ang reaksyun niya. Panay ang tahimik na paghinga niya at hindi na siya makapag focus kaya sinagot niya na ito kasabay ng pagtayo. "Please.. EL.." "Who's EL?" Halos mapamura siya sa likod ng kanyang isip ng boses ni Elton ang marinig. "Naiwan ko yung phone ko sa office.. Nakitawag lang ako.. Babalik din ako, kukunin ko lang yung phone ko." Paliwanag nito. "Ahh.. Ganun ba.. Okay.. Antayin na lang kita if ever maipit ka sa traffic." Akala ni Lara hindi na maaalala pa ni Elton. "Sino nga pala si EL?" Bigla siyang nakaramdam ng kaba at hindi malaman kung anong isasagot o idadahilan. "Ah sige na. Aalis na yung may ari ng phone." Nakahinga siya ng malalim. Balisa siyang bumalik ng kanyang table. Sakto naman ang paglabas ng boss niya. "Lara.. Are you ready sa presentation mo?" Bungad agad nito sa kanya. "Ah... Yes po.. Ready na.. Konting polish na lang but yeah.. I'm ready." Ngumiti ito saka umalis. Napabuntong hininga siya ng maalala ang pagbanggit ng pangalan ni EL kay Elton oh baka dahil sa pressure ng boss niya. Hindi niya na alam. Halo halo na ata. Para na siyang mababaliw. Dumating na ang oras ng pag uwi ni Lara pero wala pa si Elton. Inalok na nga siya ni Krizzy na sumabay na lang. Ilang minuto pa ang lumipas at nasa lobby pa din si Lara. Pagtingin nya sa watch ay halos mag 5 pm na. Mag iisang oras na siyang naghihintay. Naisipan niyang tawagan na si Elton pero hindi ito sumasagot. Nakakaramdam na tuloy siya ng inis. Kung bakit pa kasi naisipan ni Elton na sunduin siya. Naubos na ang pasensya niya at lumabas na ng building. Sakto naman ang dating ni EL. "Lara.. Can we talk? " "Anong ginagawa mo dito? Stalker ka na ba? Pati kung saan ako nagwowork alam mo na din.." Sabi niya at akmang tatalikod na para pumara ng taxi. "Lara.. Please.. Sandali lang.. Galit ka ba?" Pigil ni EL sa braso niya. Kasunod naman ng pagharap niya rito. "Bakit naman ako magagalit? Aside from the fact na ayaw mo akong tigilan." "I don't know.. Maybe due to what happened earlier.." Kumunot ang noo ni Lara sa sinabi nito. "Nothing happened, EL. That's your personal life.. You have nothing to worry about.." "Wala ba talaga? Why do I feel like I need to explain then?" Napasinghal si Lara na parang di na malaman kung ano pang sasabihin. "Kailangan ko ng umuwi, EL.." "Ihahatid na kita. Naka park lang malapit dito ang sasakyan ko.." Alok nito na agad tinanggihan ni Lara. Wala naman balak tantanan siya ni EL. "Lara?!" Isang tinig ang pumukaw sa kanilang dalawa. "Who is she?" Tanong ni Elton. Napatingin din sa kanya si EL. "A friend.. Tara na.." Agad niyang aya kay Elton pero hindi ito sumunod at hinarap pa nga si EL. "I didn't know, Lara has a friend na hindi ko kilala.." Ngumiti si EL bago ito kinausap. "Recently lang.." Casual na sagot ni EL. "Umuwi na tayo, Elton.. Pagod na ko dahil kanina pa kita inaantay.." Batid ang pagka irita sa mukha ni Lara. Dinedma iyon ni Elton "Let's invite her to our wedding.." Sandaling natahimik si Lara sa tinuran niya. "That would be nice!" Nakangiting komento ni EL. Kasabay ng salita ni Lara. "We're not that close.." Sandaling nagtama ang mga mata nilang dalawa pero si Lara ang agad na bumawi. "So, see you.. EL.." Inabot ni Elton ang kamay kay EL bilang pagpapakilala. Tinanggap naman ito ni EL ng walang pag aalinlangan. Napangisi na lang si Lara sa mga kaganapan. "Where did you meet her?" Tanong nito habang nagmamaneho pauwi na. "She's an old acquaintance back in grade school.." Pagsisinungaling nito. "Okay. Bakit naman parang ayaw mo siyang iinvite sa kasal natin?" Napatingin si Lara. Hindi niya malaman kung bakit kailangan pagusapan nila si EL. "Sinabi ko na kanina diba.." Ramdam nya ang pagkainis sa subject pero pilit niyang itinatago iyon kay Elton na kagaya ng taong nagtataksil. "Wala naman masama kung hayaan mo siyang maging part ng special day natin.." Sa tono ng salita ni Elton mukhang panalo nanaman ito sa bagay na iyon. Hindi na kumontra pa si Lara at nanahimik na lang pero hindi maalis sa kanya ang pagkabalisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD